Chapter 11

3.4K 98 2
                                    

"Paige, baba!"

Mabilis naman siyang sumunod. Alam niyang dapat na siyang tumakbo na siya pero hindi niya maiiwan na mag-isa si Thaddeus. Inilabas niya ang baril at binaril sa likod si Aljon mula sa labas ng kotse.
Napatili din siya at nabitawan niya ang baril na ginamit niya. Gimbal na napatingin siya sa lumungayngay na katawan ni Aljon.

Hindi na masyadong rumihistro sa utak niya ang mga sunod na nangyari. Namalayan na lamang niya na may mga lalaking pumaligid sa kanila na naka-uniporme ng pang-sundalo. Napaatras siya. Nakita pa niyang bumaba ng sasakyan si Thaddeus, at may isa ring sundalo na humila kay Ricky palabas ng sasakyan.

Dama niya ang panlalambot ng tuhod niya at napaupo siya sa kalsada. Napatingin siya sa nanginginig niyang mga kamay at tumulo ang luha niya. Nakapatay siya ng tao?!

"Paige?" tawag sa kanya ng palapit na si Thaddeus.

Tiningnan niya ito. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin, napahagulhol na lamang siya.

"Tahan na, it's alright. Ligtas ka na," anito na niyakap siya ng mahigpit.

"Sir," ani ng isang tinig mula sa kanyang likuran. "Ang instruction ho sa amin ni General De Vera dalhin kayo sa ligtas na lugar."

"Oo," ani Thaddeus rito bago siya binalingan. "Paige, halika na. Umalis na tayo, hindi nila tayo dapat maabutan rito."

Inalalayan siya ni Thaddeus sa pagtayo. "Paano si Ricky? Si Aljon, napatay ko ba siya?"

"Hindi ho, Ma'am, buhay pa ho siya. Huwag ho kayong mag-alala ang mga kasamahan ko na ang bahala sa kanya. Sumama na ho kayo sa amin," ang sundalo ang sumagot sa kanya.

Muling tumulo ang luha niya. Pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maluwag sa narinig. Kahit na pinagtangkaan ni Aljon ang buhay nila hindi pa rin kakayanin ng konsensiya niya kung napatay niya ito.

Inalalayan na siya ni Thaddeus patungo sa sasakyan na naghihintay sa kanila.

*****

NAPABUNTONG-HININGA si Thaddeus habang pinagmamasdan ang natutulog na si Paige. Halos ilang oras din bago niya nakumbinse ang babae na magpahinga na, buong gabi kasi itong hindi natulog at panay ang iyak. Maingat niyang hinaplos ang mukha ng dalaga.

Kanina ay tinawagan niya ang kanyang ina at sinabihan na umalis na muna ang mga ito sa bahay nila para masigurong ligtas rin ang mga ito. Pinakiusapan niya si Ron na ihatid ang pamilya niya sa bahay ng kapatid niya sa Batangas. Alam niyang naguguluhan ang kaibigan niya sa nangyayari pero sinunod naman siya nito.

Inilabas niya ang cell phone at tinawagan si Senator Colmenar.

"Kumusta si Paige?" agad na tanong ng ama ni Paige.

"Nagpapahinga na ho siya, Sir. Ano ho'ng balita riyan?" tanong niya sa matanda.

Kasabay nang mga nangyari kagabi ay sinundo rin sila Senator Colmenar ng mga tauhan ni General De Vera. Ayon sa isa sa mga sundalong kasama nila ay nagkaroon din ng engkwentro sa pagitan ng mga tao ni Victor at ng mga sundalo na naatasan naman na siguraduhin ang kaligtasan ng mga magulang ni Paige. Mukhang natunugan nga ni 

Posh Girls Series Book 1: Paige (Completed_Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon