Chapter 9

3.3K 99 1
                                    

KONTENTONG nakahiga si Thaddeus sa kama habang nagpapalipas ng oras. Alas dose na ng tanghali at kagigising lamang niya. Hanggang alas dos nang madaling araw siya nagbantay kanina habang ang dalawa naman niyang kasama ay pinagpahinga niya.

Napabalikwas siya nang marinig ang malalakas na katok buhat sa labas ng kanyang pinto.  "Ano'ng problema?" kunot-noong tanong niya kay Aljon na siyang napagbuksan niya.

"Nawawala si Miss Paige," bakas ang taranta sa tinig na sabi ng lalaki.

"Ano?!" nabiglang sabi niya. Pakiramdam niya ay na-drain ang dugo niya sa ibinalita ng lalaki. "Paano'ng nangyari iyon?"

Pumihit siya at kinuha ang baril na nasa ilalim ng kanyang unan.

"Mula pa kaninang umaga hindi naman siya lumalabas, eh," sagot ng lalaki. Magkasabay nilang tinungo ang rest house.

"Nasaan ba kayo? Paano nakaalis si Paige nang hindi ninyo napapansin?" galit na sabi niya.

"Ikinakabit namin ang mga surveillance camera, doon sa bandang likod," tugon ni Aljon.

Hindi na niya inintindi ang sinasabi nito. Naabutan nila sa may kusina si Ricky kausap ang mangiyak-ngiyak na kasambahay.

"Ano'ng nangyari, Manang? Nasaan si Paige?" usisa niya sa may-edad na babae.

"Kanina hong bandang alas singko nakita ko pa siya dito sa kusina na nagluluto. Pagkatapos ho niyang kumain ang sabi niya huwag daw ho siyang iistorbohin sa kuwarto niya. Tawagin ko na lang daw siya kapag oras na nang pananghalian," paliwanag ng babae.

Naisuklay niya ang mga daliri. "Hindi man lang ninyo s'ya napansing lumabas?"

"Eh, naglilinis kasi ako kanina. Noong nagluluto naman ako hindi ko din siya napansin. Akala ko nasa kuwarto lang siya pero nang puntahan ko para tawagin wala siya roon. Hinanap ko na siya sa buong bahay pero wala kaya tinawag ko na ang mga kasamahan mo," nanginginig ng bahagya ang tinig na sagot ng babae.

"Damn it! Dala-dalawa kayong nagbabantay kapag umaga pero hindi ninyo nakita si Paige!" galit na sigaw niya sa dalawa. "Hindi ba't ang bilin ko ang isa maiwan lang dito sa loob ng bahay?"

Hindi nakaimik si Aljon.

"Baka naglakad-lakad lang siya sa labas," ani Ricky. "Hahanapin muna namin siya sa paligid."

"Kilala ko si Paige, hindi siya aalis basta-basta nang hindi nagsasabi. Hindi niya ugali na pag-alalahanin ng mga taong kasama niya!" inis na sabi niya at dinukot sa bulsa ang cellphone. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone ng dalaga pero out of coverage area ito.

"Aljon, halika na. Hanapin natin si Miss Paige sa labas, baka nagpunta lang sa tabing-dagat," ani Ricky.

Hinayaan na niyang makaalis ang dalawang kasama. Nanghihinang napaupo siya. Gusto niyang kastiguhin ang sarili kung sana ay hindi na lang muna siya nagpahinga hindi sana mawawala ang dalaga. Napatiim-bagang siya.

"Sir, ano ho'ng gagawin natin? Hindi pa ho ba natin ito itatawag kina Senator?" mahihimigan ng takot ang tinig ng matandang babae.

"In thirty minutes na hindi pa natin mahanap si Paige, tatawag na tayo sa Manila," aniya na muling sinubukang tawagan ang cell phone ng babae. Out of coverage area pa rin iyon.

Tiningnan niya ang matandang babae. "Manang, sigurado ho ba kayong—"

"Manang, hindi pa ho ba luto ang tanghalian natin?"

Mabilis silang napalingon sa babaeng kapapasok pa lang ng kusina. Nakita nila si Paige na may suot na itim na apron at may mantsa ng mga pintura.

"Ma'am Paige! Saan ho ba kayo galing?" palatak ng matandang babae.

Nangunot ang noo ni Paige habang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila. "Sa bodega. Bakit ho?"

"Manang, pakisundan na ho muna ang dalawa kong kasama. Sabihin ninyo narito na si Paige," aniya na madilim ang anyo. Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman pagkakita kay Paige. Gusto niyang sigawan sa inis ang babae pero gumaan din ang loob niya nang makitang ligtas ito.

Agad namang sumunod ang matandang babae at iniwan sila. Nagtatakang sinundan ni Paige ng tingin matanda.

"Ano ba'ng nangyayari?" baling sa kanya ng dalaga.

Hindi siya sumagot. Tumayo siya at naglakad patungo sa salas. Napasunod naman si Paige.

"Thaddeus, tinatanong kita," habol nito sa kanya. "Ano ba'ng nangyayari?"

Tumigil siya at humarap dito. "Ano'ng nangyari? Pinag-alala mo kami! Akala namin nawawala ka na!" hindi na niya napigilan ang sarili na sigawan ang babae.

"Naroon lang naman ako sa bodega."

"Oo, pero sinabi mo ba na pupunta ka doon?!" sigaw niya.

Napapiksi ang dalaga sa lakas ng tinig niya.

"Alam mo ba kung ano ang takot na naramdaman ko kanina nang sabihin nilang nawawala ka?! Mag-isip ka naman, Paige! Ano ba naman iyong sabihin mo kay Manang o kaya kina Aljon na pupunta ka roon para hindi kami mag-isip kung nasaan ka!"

Hindi pa rin nawawala ang malakas na kabog ng dibdib na naramdaman niya kanina. Iniiwas ng dalaga ang tingin nito at napayuko. Ilang sandali ring namayani ang katahimikan. Malalalim ang paghinga na ginawa niya para makalma ang sarili. Punong-puno ng emosyon ang dibdib niya.

"W-wala kasi akong magawa kaya naisip kong bumaba roon. Naalala ko kasi na mayroon pa akong naitabi na painting materials doon, eh. I'm sorry, hindi ko na naman gusto na mag-alala kayo," nakayukong sabi ni Paige, basag ang tinig nito.

Natigilan siya nang makita ang luha na pumatak mula sa mga mata ng dalaga.

"G-gusto ko lang naman na libangin ang sarili ko," humihikbing sabi nito.

Parang may tumadyak sa dibdib niya nang makita ang luhaang mukha ni Paige at bago pa niya napigilan ang sarili ay nakalapit na siya sa dalaga. Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at siniil ito ng halik. He's kisses was punishing, doon niya ibinunton ang nadaramang inis at ang matinding takot na naramdaman niya kanina nang akala niya ay nawawala ito. Pero unti-unti din iyong gumaan nang maramdaman niya ang pagtugon ni Paige sa mga halik niya. Naramdaman niya ang paghawak ng babae sa dalawa niyang kamay.
Kapwa nila habol ang hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Titig na titig sa kanya ang dalaga, kita niya ang tanong sa mga mata nito.

Kinabig niya at niyakap ng mahigpit ang dalaga. "Huwag mo na akong tatakutin ng ganoon," mahina niyang sabi. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag

*******************************FOLLOW ME AT DREAME FOR COMPLETE EPISODE*************

Bago pa siya makapagsalita ay mabilis nang naglakad si Paige palayo sa kanya. Naiiling na napasunod siya rito pabalik sa sasakyan nila.

Posh Girls Series Book 1: Paige (Completed_Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon