NAKAGAT ni Paige ang pang-ibabang labi habang pinagmamasdan ang ipinipinta niya. Masusi niyang iniisip kung ano ang gagamiting kulay upang lalong ma-enhance ang painting na ginagawa. Mga batang babae at lalaki na naglalaro sa tabing-dagat ang naisip niyang subject.
Napapitlag siya nang may kumatok sa pinto buhat sa labas ng kanyang silid. "Sino 'yan?" tanong niya.
Hindi tumugon ang taong nasa labas. Napasulyap siya sa orasang nasa dingding ng kuwarto, pasado alas diyes na. Hindi niya namalayan ang oras dahil nalibang siya sa ginagawa. Tumayo siya para buksan ang pinto. Naisip niyang si Manang Belen iyon at dala na ang gatas na ibinilin niya kanina bago siya nagtungo rito sa kanyang silid.
Binuksan niya ang pinto at ganoon na lamang ang gimbal niya nang mabungaran ang mga hindi niya kilalang lalaki. Ang isa sa mga ito ay may baril na nakatutok sa kanya. Ang isa naman ay nakahawak sa buhok ni Manang Belen na noon ay puno ng luha ang mukha at may plaster ang bibig.
"S-sino kayo?" kinakabahang tanong niya.
"Hindi na mahalaga kung sino kami, sumama ka sa amin," ani ng lalaking may hawak ng baril na nakatutok sa kanya.
Napailing siya kasabay ng pag-atras. Paanong nakapasok ang mga ito dito sa loob ng rest house? Ano'ng nangyari kina Thaddeus? Lalo siyang nilukob ng takot. "Thaddeus! Thaddeus! Tulungan n'yo kami! Aljon! Ricky!"
"Huwag ka ng magsayang ng panahon sa pagsigaw, Miss Colmenar. Tinapos na namin ang mga bantay mo," ani ng isa pang lalaki.
Pakiramdam niya ay nagsisikip ang kanyang dibdib sa narinig. "Ano'ng ginawa ninyo sa kanila?"
"Iniligpit na namin kaya wala nang tutulong sa 'yo," sagot ng mga ito.
Para iyong bombang sumabog sa mukha niya. Si Thaddeus? Hindi! Bakit hindi man lamang niya namalayan na napasok na pala sila. Imposibleng hindi nanlaban ang mga bantay niya, wala siyang putukan na narinig. Nangilid ang luha niya.
"Maging mabait ka na lang at sumama ka sa amin," ani pa ng lalaking may baril.
***********follo me at dreame for the complete episode******************
Pagkagaling nila sa palengke kahapon ay maghapon naman siyang tinuruan ni Thaddeus ng pagbaril at iba pa na pang-self-defense. Napatango na lamang siya bilang pagsang-ayon sa sinabi nito, pero naroon pa rin ang takot. Parang totoong-totoo kasi ang panaginip niyang iyon.
"Okay ka na ba?" maya-maya ay tanong ng binata.
"Oo," tipid niyang sagot.
Ngumiti ang binata at dinampian siya ng halik sa labi. "Sige na, magpahinga ka na ulit," anito at tumayo na.
Mabilis niyang pinigilan ang kamay nito. "Saan ka pupunta?"
"Diyan lang ako magbabantay sa may terrace. May kailangan ka pa ba?"
"Huwag mo muna akong iwan," aniya na sinabayan pa ng mahinang iling. Takot siyang mag-isa ulit. Paano kung maulit ang panaginip niya o kung totoong mangyari na nga iyon. "Dito ka na lang. Nagbabantay naman sa ibaba si Aljon, 'di ba?"
"Nasa labas lang naman ako, tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka," ani naman nito.
"Please," pakiusap niya.
Napahinga ng malalim ang binata saka marahang tumango. Kumilos siya at umusog sa kama upang makatabi sa kanya ang lalaki. Nahiga na ito sa tabi niya. Naka-deretso ng higa ang binata at nakatitig sa kisame, habang siya naman ay nakatagilid paharap rito. Hawak nila ang kamay ng isa't isa. Nang ipikit ng lalaki ang mga mata nito ay malaya niyang natitigan ang mukha nito. Kumilos ang kanyang kamay at hinaplos ng isa niyang daliri ang jaw line nito.
Natakot talaga siya sa panaginip niya. Lalo na noong sabihin ng lalaki na pinatay ng mga ito si Thaddeus.
"Matulog ka na," mahinang sabi ng binata.
Itinigil niya ang ginagawa pero hindi niya inaalis ang tingin rito. Dama niya ang unti-unting pagbilis ng kabog ng kanyang dibdib. Dumako ang mga mata niya sa labi ng binata, pero agad din niya iyong inalis mula roon. Napahugot siya ng malalim na hininga bago kumilos at inilagay ang isang kamay sa dibdib ng lalaki kaya parang nakayakap siya rito. Ramdam niya ang malakas ding kabog ng dibdib ng binata, hindi nga lang niya alam kung alin ang mas malakas 'yong sa kanya ba o ang kay Thaddeus.
Inalis niya ang kamay mula sa dibdib ng binata at bumitaw rin siya mula sa pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Hindi niya maintindihan pero parang napapaso siya sa pagkakadikit ng balat nila. Umikot siya ng higa at pilit na kinalma ang dibdib niyang parang tambol na sa lakas ng pintig.
Maya-maya ay naramdaman niya ang pagkilos ni Thaddeus. Akala niya ay babangon na ito pero naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanyang beywang. Marahan siyang kinabig nito palapit. Dama niya ang mainit na hininga ng binata sa kanyang batok at kakaibang sensasyon ang idinulot niyon sa kanya. Napapikit siya, ano ba'ng kagagahan ang naisip niya at pinatabi niya sa kanya ang lalaki? Pero aaminin niya gusto niya ang sensasyong ibinibigay ng pagkakalapit ng katawan nila.
Naramdaman niya ang paghalik ni Thaddeus sa kanyang ulo pati sa kanyang batok. Pakiramdam niya ay nagtayuan ang kanyang mga balahibo. That's it! Kelangan na niyang kontrolin ito habang kaya pa niya.
"Thaddeus," mahina niyang sabi.
"Hmmm?" sagot ng lalaki na hindi inaalis ang labi sa may batok niya.
"O-okay na ako. P-puwede mo na akong iwan," aniya na bahagyang nanginginig ang tinig.
Hindi sumagot ang lalaki at hindi rin siya nito binitiwan. Lihim niyang nakagat ang pang-ibabang labi. Darn it! Lumayo ka na habang 'di pa ako tinatraydor ng katawan ko, tahimik niyang usal sa kanyang isip.
*************wag na pong makulit... i-follow na ninyo ako sa dreame...... hehehe... Thank you**********
Tiningnan niya si Thaddeus, ano ang alam nito sa nangyayari?
BINABASA MO ANG
Posh Girls Series Book 1: Paige (Completed_Published under PHR)
Romance"I told you I'm willing to give up my life for you. I'm not scared of dying. Mas takot ako kung ikaw ang mawawala. Because if that happens, wala na rin ako. You are my life." Dahil anak ng senador ay de-numero ang bawat kilos ni Paige. At dahil din...