Chapter 1

12.8K 273 9
                                    

Dianne POV

"Gumising kana dianne! Aba ano ka sa tingin mo princesa?!" napabalikwas ako sa aking pagkakahiga nang marinig ang malakas na boses ni tyang Rita.

Kahit antok na antok ay agad akong tumayo, dahil wala naman akong choice kung hindi ang sumunod. Nakapikit pa ang aking mata nang mag unat.

Si Tita Rita ang nagsisilbi kong ina. Oh, I can't say that word in the first place. Hindi naman anak ang turing niya sa 'kin.

Hindi ko maintindihan noon kung bakit ganun ang trato sa akin ni Tita Rita, pati ang anak niya. She's always shouting, she's always mad, and worst..she's hurting me physically.

Hindi ko na nga matandaan kung ilang pag iyak at sugat na ang natamo sa tagal na magkasama kami.

Until I knew one day why is she acting like that.

Simply because I am not her daughter. Not her biological daughter. Hindi kami magkadugo at hindi ko siya kaano-ano.

Ampon ako. And I don't know where are my parent right now. Kahit sila walang alam. Kaya kahit na araw-araw ay may iniuutos sila, lagi kong sinusunod.

I mean, I don't have a choice though...dati ko pang gustong lumayas dito but my Tatay Bert is the only reason why I am stopping my self.

His memories to me are still fresh, kahit ilang taon na rin ang nakalipas.

"Pasensiya na po, Tita.” mahinhin at magalang kong anas.

I immediately washed my self and get dressed. Today, ngayon ang unang araw na papasok ako bilang isang college student.

Can’t you believed it? Kasi ako hindi. Kahit ako ay hindi makapaniwalang nagawa kong mag continue sa buhay nang ako lang mag isa. This what i am thinking if i were about to give up. Kung nakayanan ko ngayon, bakit susuko ako kung kailan malapit na 'di ba?

Mayroon akong sariling kwarto noon, ngunit nang mawala si Tatay Bert ang kwartong tinutulugan ko noon ay nawala. Ngayon...sa isang maliit ako na kuwarto, punong puno ng mga karton. I don't know if this is called a room, but i guess for me..it is a yes.

Kuwarto pa rin, mukha lang hindi.

Nagtatrabaho kasi ako noong summer sa isang resto, kaya ito nakapasok ako sa college. Scholar ako kaya sobrang laking pasalamat ko roon. Kaya nagtrabaho naman ako para mabuhay. Para may makain. Para magpatuloy.

Ginawa ko ang lahat ng mga trabahong maari akong magkaroon ng pera..kahit kaunti ang sahod ginrab ko.

Nang makapag bihis ay agad na itinali ko ang makapal na buhok. Halos ilang “aray”" na ang nabigkas ko nang masuklayan ang aking buhok. Kaloka naman kasing buhok ito Akala mo alambre! Nags-shampoo naman po ako hindi ko lang malaman bakit ganito na siya katigas.

Pinili ko na lamang ngumiti at sinuot ang aking eye glasses. Masayang ngumiti ako sa salamin.

“Kaya mo ‘to, dianne!" ani ko sa sarili tsaka kinuha ang aking bag.

Bumaba na ‘ko para kumain, uupo na sana ako sa upuan upang kumain ng pagkaing niluto ko pa kagabi nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Hindi ka kakain, tanda mo? Wala ka pang inaabot sa 'kin?" nalaman ko kung kaninong boses 'yon nang mabakas ang pagtataray sa boses.

Bumuntong hininga ako sa sinabi ni Tita Rita. Lumingon ako rito at nagsalita.

"Pero nag abot po ako sa inyo nung sabado, tita," ani ko sa maliit na boses.

"Aba!? tingin mo kasya 'yon? Kulang pa nga 'yon!" napapikit ako nang magtaas siya ng boses.

Kaysa pagbuntungan niya pa ako ng galit ay nagpaalam na akong aalis. Hindi na ako tuluyang kumain kahit gutom na gutom na ako. Nakakainis..lahat ng bagay kailangan kong pagtrabahuan.

That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon