Chapter 56

3.2K 116 0
                                    

Georgina Jane POV


Hindi ko maintindihan si Lei... he told me that he will not get jealous again but this past few weeks hindi na niya ako sinusundo.

Si sky naman ang parang pumalit sa kanya. Sky used to go here para raw kamustahin si Mommy dahil sa bilin ng mommy niyang si Tita Angel.

At aaminin kong namimiss ko na siya. Of course.. palagi niya akong sinusundo noon. Sinanay niya na ‘ko 'tapos biglang ganito?


"Ano? Wala ka bang gagawin para magbati kayo ni lei?" Tanong ni jac na nagbabalat ng mangga.

"Hindi naman kami magkaaway," Sagot ko.

Tulala lang ako habang nakatingin sa ginagawa ni Lei. Buryong-buryo na ‘ko dahil sa walang pasok. Ngayon ay sabado kaya't nasa bahay lang kami ni Jac.

"May ginawa ka siguro na ikinagalit niya. Think about it," Ani ni Jac.

Napaisip tuloy ako. Wala naman akong ginawang kasalanan. But he started doing things na hindi ako pinapansin ay nung magenroll si Sky.

"Wala naman talaga akong ginawa," Ani ko.

It's really bother me! Gusto ko na siyang makita! I goddamn missed him! Hindi ako mapakali!

Gosh, Lei! I'm thinking about you! Kanina pang umaga!

"E, bakit hindi na siya dumadalaw dito? Hindi ka na rin nya niyayaya pag breaktime na. Tanong ko lang. Nililigawan ka parin ba nya?" tanong ni jac.

"As far as i know, yes." Sagot ko.

"Nagseselos kasi 'yun kay sky, Jane. Tingin ko kailangan mong linawin sa kanya na hindi mo gusto si Sky." Aniya.

Mabilis akong tumingin sa kanya.

"Nilinaw ko na sa kanya, at ang sabi niya hindi na siya magseselos!" Napataas ang boses ko.

"B-bakit kasalanan ko? B-bakit parang galit ka?" Napahawak siya sa dib dib.

Ginaya pa ang legendary words ni Bea Alonzo. Tsk.

"Sorry, nabigla lang." Ani ko.

"Alam kong walang kayo, pero nainlove na siya sa'yo, jane. I can see how he looks at you. E, kaso nung may dumating na iba, aba't initchepwera mo siya." Ani ni Jac sa 'kin.

I rolled my eyes. "Hindi ko siya inetchepwera! Siya nga itong biglang hindi nag text o tumawag sa ‘kin! 'Yun ba ang nanliligaw huh?! He didn't even bother kung ano ang maramdaman ko dahil hindi siya tumawag! Nakakainis siya!" Hindi ko mapigilang mainis. Tumaas pa ang boses ko.

Napatingin ako kay Jac nang makita ang kunot-noo niyang reaksyon.

"B-bakit?" Tanong ko.

"Do you like him?" Tanong nito sa 'kin. Kunot-noo pa rin ang noo.

"Huh? W-wala!" Asik ko.

"E bakit ka ganyan! Nagagalit ka! Aminin mo na na gusto mo rin si Lei!" Tumaas na rin ang boses niya sa ‘kin.

"Mga anak, nag-aaway ba kayo?" Napatingin kami kay Manang nang mabilis siyang pumunta sa akin.

"Hindi po, hehe." Sabay na sabi namin ni Jac.

Ngumiti naman sa amin si Manang tsaka bumalik sa ginagawa.

"So, may pag-asa siya sa ’yo?" Humina ang boses ni Jac.


"Siguro," Sagot ko.

"Paano kung nakahanap na siya ng ibang nililigawan? Paano ka na?" Tanong ni Jac.

Bigla ay nanlaki ang mata ko.

"He can't do that! Hindi pwede!" Asik ko.

"Dumistansya ka naman kasi kay sky! Lagi na lang si sky ang kasama mo. Hindi mo na napapansin si Matthew Lei." Aniya sa 'kin.


Kumuha naman siya ng mangga at kinain ito.


Tama si jac, lagi kasi akong sumasama kay sky kaya siguro ay hindi niya nagustuhan 'yon hays. Miss ko na siya. I miss him. Hindi ako sanay na hindi ko sya nakikita.

"Puntahan ko kaya sya?" tanong ko kay jac.

"Go, puntahan mo." Sabi nya.

Nagbihis na ako at pumunta sa kotse. Kasama ko ang driver ko.

Siguro ito na ang oras, para sagutin ko sya. Lei.. I liked you.

Yeah, I love Matthew Lei Lee.  And I can't deny it.

That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon