Chapter 21

4.5K 134 1
                                    

Thanks! MariatheresaBendicio at kay parkjunghoo27


Georgina Jane POV

Thank you po lord! Nadagdagan 'yung saya ko nang malamang papasok din bukas si Jac, alam kong palaban 'yon kaya syempre kampante na 'ko ngayon. 

Kasalukuyan akong nagf-facebook. Syempre ganun pa rin, hindi ko pinag-aacept ang tatlo, masearch nga si Led.

Sinearch ko ang pangalan niya at lumabas naman agad. Napakaganda ni led sa profile nya. Aba 32K LIKES, 20K COMMENTS  WITH 16K SHARES! Ano 'to artista? 

Sabagay isa din sila sa mayaman sa mundo kaya siguro ganun. Inadd ko naman siya.

Sinunod kong i-search ay si Dana Ria Ruiz, gusto ko lang makita. Napakaganda kaya ni dana, kaso iba ang ugali, singkit din pala siya. 

Lumabas naman agad. Famous din pala 'to sya! 18K Likes, 900 comments and 2k shares ang like ng DP niya.Napakaganda din ni dana.

Sinunod ko na rin yung tatlo. Jin Ramos muna ang sinearch ko, lumabas naman 'to agad. Puro about sa ML ang mga pinagseshare ng lalaking 'to! Halatang adik sa ML eh! Pareparehas sila ng kaibigan niya. Mahaba din ang mukha niya, pero napakagwapo.

80K Likes, 28K Comments with 44K Shares. Grabe sobrang gwapo niya sa profile niya. Napakagwapo pero guard ko lang, aba't napakaswerte ko naman.

Sinunod ko naman si Louise Mendoza, Famous din pala 'to! Napakagwapo niya din! 56k Likes, 14k comments,66k shares. Grabe ang pogi niya din! Saan ba pinaglihi ang mga ito? Puro about din sa ML ang pinags-share nito! Napakaganda ng lips niya grabi!

Sinunod 'kong iserch ay si Ken Bautista, Ang pogi niya din sa dp niya. Grabe! Ang gwapo niya! 38K LIKES,2K COMMENTS, 55K SHARES. peymus!

Sinunod ko din si Matthew Lei, grabi ang pogi niya. Sobra, napakaswerte ng mapapangasawa nito, napakagwapo niya. Halos perfect yung mukha niya. 

Bigla namang tumibok yung puso ko! Omg, bakit ka ganyan puso? Picture palang yan ni Lei, pano pa kaya kung personal? Grabe. 188K Likes, 48k Comments, 88k Shares. NapakaFamous naman nito! Pogi kasi eh!

Samantalang ako, 5 likes, walang comment, wala ding share. That's life. Pag pangit ka walang pumapansin sayo, pero kung naging maganda kana dyan naglalabasan ang mga intrabida.

K I N A B U K A S A N 

"JANEEE!! GISING NA, PAPASOK NA TAYOOO!!!!" Sigaw sa 'kin ni jac. Nagbibihis pa nga lang ako e, napakaexcited naman nitong bakla na'to! Sa labas sya ng pinto kumakatok.

"Teka naman, Napakaexcited naman nito. Mag-aalmusal pa nga ako e." sabi ko.

Lumabas na 'ko at ang loka bihis na bihis! Bagay din sa kanya 'yung suot niya, gwapo sana 'to si Jac, kaso tagilid, psh!

Sabay kaming bumaba ni jac, nandun si mom and dad sa lamesa. Nag-babasa si dad at si mom naman nagkakape.

"Goodmorning baby, how's your sleep?" tanong ni mommy sa 'kin. Tyaka ako niyakap. Hindi na 'ko baby noh! Sarap magreklamo kaso para sa kanila sweet yon.

"Maayos po, Mommy."bAni ko.

"Breakfast is ready, kumain na kayo ni jac. Mukhang excited kana talaga jac ha?" tanong ni dad, niyakap ako.

"Syempre naman po." sabi ni jac.

Sumakay na kami ni jac ng van. Tulad ng dati kinikiss nila ako sa pisngi at niyayakap, ganun din si jac, misan nahihiya si jac.

"Excited na talaga ako, marami bang pogi 'don?" tanong niya.

"Pumapasok tayo para mag-aral at hindi maghanap ng pogi ha, be mature enough!" sabi ko.

"Wow, may pa be mature enough, level up kana ha! Loka ka talaga, syempre kailangan naman talaga 'yon eh!" sabi niya.

"Psh, bahala ka sa buhay mo itchoserang bakla." sabi ko.

Mattisha Led POV

"Hurry up, we're gonna be late." sabi ni kuya. Napakaexcited naman nito? Gusto na talagang makita si jane, psh!

"Just wait, i'm not done eating yet." sabi ko, kumakain pa ako eh, istorbo 'to! Dapat kasi talaga magpaturo na akong magdrive eh.

"You should say 'kuya' or 'bro'  to your brother, he is older than you led." sabi ni mom sakin.

"Sorry mom."

"Dad.. just buy her her own car. Malslate ako sa kanya. Mas mabilis pa atang kumilos ang pagong sa kanya." Sabi ni kuya. Napakapapansin talaga nito ni kuya.

"She was too young to drive." sabi ni dad.

At  sa wakas tapos narin ako. 

Sumakay na 'ko sa kotse ni kuya. Mayaman naman kami bakit kaya ayaw nalang nila ako bigyan ng guard katulad ni jane? kainis naman.

"Sa susunod iiwan na kita, napakatagal." sabi ni kuya, Na ko kuya, natatakot ka nanamang maunahan ka ni jin kay jane, hay kuya! Ang sarap asarin ni kuya haha.

"Then go." sabi ko. Sabay tingin sa  cp ko, nakita ko namang inadd friend ako ni Jane. Inaccept ko naman siya. 

"Kuya.. don't you think jane was cute?" I ask her.

"She's not." Aniya sa akin.

"Tsk. Kuya. Parang 'di mo siya bff.." Ani ko.

"Tsk. She doesn't even remember me." Ani ni kuya.

"Of course, kuya. She has amnesia. Tanga ka—" napatingin nang masama sa'kin si kua.

"I'm kidding.." Bulong ko.

That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon