Chapter 30

4.1K 137 1
                                    

Georgina Jane POV


Nilibot ko ang mata ko sa kwarto kung saan kami dinala ni Louise.

Bawat kwarto ay may dalawang kwarto. Magkasama kami ni Jac sa isang kwarto, habang si Led at Jio naman sa kabila. Sa harap namin ay si Ken at Lei, sa kabilang kwarto nila ay si Louise at Jin.

"Grabe....hindi ko akalain na makakaranas ako ng ganitong kabonggang luxury hotel, dianne.. Alam mo sobrang saya ko.." Ani ni Jac habang nililibot ang mata sa kabuuan ng kwarto.

"Kahit ako, Jac.. hindi ako makapaniwala." Ani ko.

"Dianne, thank you talaga.. Salamat bff." Ani ni Jac.

Napatingin ako sa kanya. Hala. Andrama?

"Uhm, dianne?" Napatingin ako kay Jac.

"What?"

"Ang ganda ganda mo girl talaga. Haba ng hair mo 'no? Sana all may kipay 'di ba?" Ani ko.

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko.

"Gaga. Nakita ko ang text messages sa'yo ni Papa Lei. Napaka maalalahanin." Aniya na parang kinikilig.

"Chismoso ka talaga." Sabi ko.

"Chismosa." Pagtatama niya.

"Alam mo? Huwag ka ngang manhid. Alam ko na gusto ka ni Lei. Bakla ka ng taon." Aniya.

"Tsk. Hindi 'no." Ani ko.

Sobrang gwapo ni Lei para magkagusto sa 'kin no.

"Ewan ko sa 'yo, manhid ka." Sabi niya.

"Hello, let's go!" Napatingin kami sa pinto nang marinig ang katok ni Led at Jio.

Masaya kaming lumabas.

Masayang naliligo sila Led, Jio, Jin, Louise at Ken. Tinitignan ko lamang sila.

Hindi kasi ako marunong lumangoy 'yun lang 'yun.

"Why are you staring at them? Join them." Nagulat naman ako sa lalaking 'to. Bigla bigla nalang sumusulpot. Si Lei na naka shades at nakahawaiian.

Halos matulala na lang ako sa kaperpektong anyo niya. He's so.. hot.

Damn hottie..

"I'm talking to you," Napatigil ako sa pagiisip nang magsalita siya ulit.

"Huh? M-mamaya.." Sabi ko.

"Tsk. You still don't know how to swim, right?" Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya ito.

"Oo.." Ani ko.

Napatitig ako sa kanya nang ngumiti siya.

Oh my..

'Yung ngiti niya ang gwapo.. parang ang sarap sarap tignan nang paulit ulit.

"Can't you.." Aniya.

"Ano?" Tanong ko.

"Can't you please stop looking at me? Can you?" Aniya sa akin.

Mabilis kong inalis ang tingin sa kanya.

"S-sorry.." Sabi ko.

Hala! Ano ba! Huwag ka ngang tjngin nang tingin sa kanya Jane! You're crazy!

"Beautiful." Napatingin ako ulit sa kanya nang sabihin niya ito.

Bigla naman ay parang nahiya ako dahil sinabi niya i'yon nang nakaharap siya sa akin. Hindi ko alam kung ako 'yung sinasabihan niya dahil nakashades siya hindi ko alam kung saan siya nakatingin.

"A-ano?" Ani ko.

"I said you're beautiful," Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

Nang tumingin ako sa kanya ay umiwas na siya.

Hala?! Ako raw maganda?! Bulag ata..

"Hindi naman.." Mahina na sabi ko.

"Sorry for what I've done last night, i guess." Aniya. Still looking at the view.

"Wala nga 'yun." Sabi ko. Nakatingin pa rin sa mga kaibigan na naglalaro.

Nanliit ang mata ko nang makitang nag uusap si Jio at Louise na inaasar ni Led at Ken.

They're look like a kid.

"I have a question." Ani ni Lei.

"A-ano?" Nauutal pa na sagot ko.

"Anong ideal boy mo?"

Nagugulat akong napatingin sa kanya. He still looking at the view.

Ano bang sinasabi niya...

This is so awkward..

"Ah, basta kung saan tumibok 'yung puso ko.." Sabi ko. Omygod talaga. Ano ba 'tong sinasabi ko? Tumitibok 'yung puso ko now, dahil sa kanya so? Ibig sabihin?

"I see." Aniya.

Natahimik kaming dalawa. Ngunit binasag ko ang katahimikan.

"I-ikaw?" Nahihiya man ay tinanong ko rin siya.

Pwede naman siguro malaman 'di ba?

"Ika—"

"HOY! KAYONG DALAWA! TARA MALIGO TAYO!" Napatingin ako kay Louise nang tawagin niya kami. Hindi ko na tuloy narinig ang sagot niya.

"A-ano? Sorry. Hindi ko narinig." Ani ko.

"Nevermind. Let's go?" Anyaya niya sa akin. Nauna siyang pumunta room at sumunod ako.

Short at off shoulder ang suot ko, ganun rin kay Jio at Led.

"Sexy huh?" Ani ni Jio sa akin.

"H-hindi.." Nahihiya na sabi ko.


"Jane. You're beautiful.." Nakangiti si Jin sa 'kin nang sabihin 'yon.

"S-salamat.." Ani ko.

Ang pogi ni Jin sa suot niyang puting t-shirt. Nililipad pa ang buhok niya pero ang guwapo niya pa rin.

Nang matapos kaming maligo umahon na kami para kumain.

Katabi ko si Jac at Led, habang sa harap ko naman ay Lei. Palagi na lang kaming nagkakaharap ni Lei.

Grabe ang awkward. Or ako lang ata ang naaakwkradan. Hays.

Ansasarap ng mga pagkain lalo na 'yung barbeque.

Kukuha na sana ako ng barbeque ng sabihin ni Jac na sa kanya na lang kaya ibinigay ko.

Kinuha ko naman ang shrimp at biglang ngumanga si Led kaya isinubo ko sa kanya.

Nagulat kaming lahat ng ibagsak ni Lei ang chopstick niya sa lamesa.

"Hindi naman kayo bata hindi ba?" Aniya.

Sa dalawa.

"Let jane eat alone," Aniya tyaka nilagyan ang plato ko ng barbeque at pagbalatan ako ng shrimp.

"Sweet," Bulong ni Jio tsaka uminom.

Ano ba 'to lei..

'Yung ginagawa mo...

Pinapatibok mo ang puso ko..

That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon