Chapter 64

3.2K 101 3
                                    

Jac POV (Ang pinakadyosa sa lahat)



"Kamusta na siya?" Tanong ni Lei. Kanina pa sya paikot-ikot dito sa hospital halos lahat kami nahihilo dahil sa kanya.

Nandito kami ngayon sa Hospital  ng France, hinihintay lang namin magising si Jane tsaka kami luluwas ng pilipinas. Humupa narin naman ang ulan. Si Jane, ok lang naman daw. Nahimatay lang sya dahil sa Gulat.

"Kuya, she's all right!" sabi ni Lei.

"G-gising na sya!" sabi ni Jio.

Lahat kami napatayo sa kinauupuan na'min at pinuntahan si Jane.

"Jane? Anong nararamdaman mo? Ayos kana ba?" tanong ni Lei.

"Nahanap na si Mom and Dad!? Gusto ko ng umuwi." sabi ni Jane habang tumutulo ang mga luha nya.

"Uuwi na tayo Jane, magpahinga ka lang muna." sabi ko.

"Paano ako magpapahinga? kung ang mga magulang ko nasa bingit na ng kamatayan!?" sigaw nya sa'kin.

Ngayon lang sya nagtaas ng boses sa'kin...nakakatakot. Natatakot ako na baka kung anong mangyari sa magulang ni Jane...ay mabago rin ang ugali niya..

*******************

Wala na kaming nagawa, nakasakay na kami sa Airplane. Bye paris. Hindi ako nakapunta sa Eiffel tower, huhu sad.

Kinakabahan na rin ako sa pwedeng mangyari ngayon. Kanina pa ang pagdadasal ko na sana nasa maayos sila, na sana okay lang sila..




Georgina Jane POV

"Love, are you okay? Don't worry. I know they are safe." Sabi ni Lei.

Hindi ko sya pinansin, sa ngayon kinakabahan ako. Umaasa ako na sana ayks lang sila. 'Wag naman sanang mangyari 'yung nangyari sa'kin noon.

"Jane." Sabi nya ulit.

"Ok lang ako, hayaan mo muna ako magpahinga." sabi ko tsaka ipinikit ang mata ko.

I didn't have the energy to talked. Nanghihina ako sa mga nalaman ko.


****************************

"Baby, wake up. We're here." Nagising na lamang ako sa boses ni Lei.

Agad akong bumaba at pumunta sa Van. Ganon din ang ginawa nung iba, may mga sundo sila. Kasama ko si Lei at Jac.


Nasa bahay na kami at agad akong tumakbo Kay Manang.

"Manang? Nahanap na po ba sila? Ano pong nangyari? Naghahanap na po ba ‘yung kumidnap?" Sunod sunod na tanong ko.

"Hija, huminahon ka. Hindi pa hija." sabi ni Manang na ikinainit ng ulo ko.

"Anong ginagawa ng mga pulis!? 'Yung mga guards!?" Sabi ko hindi ko na mapigilan at tumulo na lang ang luha ko.

"Ginagawa na nila lahat, magpahinga ka muna Jane." sabi ni Manang.

"Manang, please. Pakisabi 'wag silang tumigil kakahanap." sabi ko habang lumuluhuha.

Ang sakit sakit na ng puso ko, pangalawang beses nanaman nangyari 'to. 'Yung pagkirot ng puso. Una, nung nawala si Tatay Bert at ngayon nanaman.

"Jane, take a rest." Sabi ni Lei. Nag nod na lang ako at umakyat sa taas. Sinundan naman nila ako.


Pumasok ako sa kwarto ko at sinarado ang pinto.

"Jane, open this door." Sabi ni Lei.

Sorry Lei, pero ayoko lang talaga ng may kausap ngayon. I want to be alone.

That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon