Chapter 16

4.9K 153 1
                                    

Jane POV


Nililigpit ko ngayon ang aking higaan dahil papasok na 'ko sa school. Nakabihis na rin ako at palabas na.

Lumabas na ako ng kwarto ko at pinuntahan ko ang kwarto ni jac, alam kong tanghali siya nagigising kaya kailangan ko siyang gisingin ngayon din. Nakakahiya naman kila manang.

"Jac? gising na!" Sabi ko pero walang sumasagot.

"Jac!" Paguulit ko sabay katok.

"Bakit ba napakaingay mo ha? Ang aga-aga." Napahawak ako sa dibdib ko nang may magsalita sa likod ko.

Inis ko itong nilingon. "Jac naman! Ginulat mo ‘ko!" asik ko.

“Mabuti naman at gising ka na," ani ko.

"Syempre kailangan kong maging humble noh! Osha! Bumaba kana ron at nandyan ang mga mudra at pudrakels mo."

"Sila mommy at daddy?"

"Yes."

Madali akong bumaba para tignan sila. Oh my gosh, ilang araw pa lang ata sila wala ay miss ko na sila.

"Baby! I miss you!" Salubong ni mommy sa 'kin sabay yakap. Grabe ang bango ni mommy.

"I miss you so much po!" Ani ko.

"How's your school, honey?" Tanong ni dad tyaka nya ako niyakap.

"Ok lang naman po dad." Sabi ko sabay upo.

Katabi ko si jac at sa harap naman namin si mom and dad.

"I’ happy to hear that! How about you jam?" Tanong ni dad.

Naguguluhang tumingin si Jac kay daddy.

"Sir, Jac po. Jac." Pagtatama ni jac. Natawa naman kami ng bahagya ni mommy.

"Oh.. hehe. My bad. How about you jac? I mean your studies?" Tanong ni dad.

Nalungkot naman ako nang bahagya. Hindi na nag-aaral si jac.

"Honey, hindi na sya nag-aaral," si Mommy ang sumagot.

"What? We have school.. go and study there. It was jane's school,"

Bigla naman akong nabulunan sa sinabi ni dad na 'Jane's school'

Agad namang tumayo si mommy at binigyan ako ng tubig. Nakakagulat naman kasi 'yung sinabi ni Dad!

"Jane? Are you okay?" Tanong ni dad.

"Yes dad,"Sabi ko tyaka uminom ng tubig. Umupo naman si mommy na nag-aalaa sa ‘kin.

"Tama ang narinig mo. Sayo 'yung paaralan na pinapasukan mo, sa ngayon hindi muna ikaw ang magma-manage kasi nag-aaral ka pa, pero sayo iyon. At gusto kong ipasok mo si jac dun. Sabay kayo mag-aral." Maliwanag pa sa umaga na sabi ni dad.

That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon