Chapter 7

5.8K 199 6
                                    

Dianne Recto








Georja Viton...or my Mom...

Hindi pa ‘ko sanay pero sabi ay kailangan ko nang masanay. Gusto ni Ma’am Georja Viton na sumama sa’kin pauwi ngunit hindi na ako pumayag.

She agreed to get my things dahil sa kanila na ako titira.

Hindi ko na pinarada sa harap ng bahay, sa malayo na lang para wala nang makiisyoso.

Nang makauwi ako ay agad na bumungad sa akin si Jes, babaeng anak ni Tiyang.

"Hoy! Sino ‘yung sinakyan mo kanina, ah?"

"Ah..‘yun ba ate..wala po ‘yon—”

"Anong wala? Hindi mo sasabihin ‘yung totoo?”Ani ni jes sabay hablot sa buhok ko.

Napapikit ako sa sakit nang hilain niya ang buhok ko.

"Ate jes, bitawan mo po ako....” Nagmamakaawa na ani ko.

Ang sakit ng sabunot niya.. halatang may galit sa buong pagkatao ko.

"Bastos ka eh! Bakit may ipagmamalaki kana ba?" Aniya.

"Ate please.. sorry po.." Ani ko sa kanya.

"Lumayas ka rito! Wala ka namang kwenta!" Sigaw niya sa akin pagkatapos ay binitawan ako.

Mabilis akong tumakbo sa kwarto at inayos ang buhok ko. Mabuti hindi nasira 'yung salamin ko..

Napapikit ako sa inis. Nagpasalamat ako kay Tatay Bert sa pagpapatira niya sa ’kin, ngunit alam kong nabayaran ko na ‘yon! Sa lahat ba naman ng hirap na pinaranas nila sa’kin, wala akong sinabi sa kanila.



Hindi naman masyadong marami gamit ko kaya naman nagkasya ito sa dalawang bag lamang.

Pag labas ko nakita ko si Tita Rita na nakataas ang kilay sa ’kin.

"Sino ‘yung sinakyan mo kanina? Bakit may mga guwardiya? At ano ‘yan..bakit dala mo mga gamit mo?"

Ang dami niyang tanong na binato sa ’kin.

"Wala po ‘yon...sa ka-klase ko—"

"Lalayas ka na ba?" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Opo, tiyang... maraming salamat—”

“Aba buti naman! Naku! May himala ang diyos! Umalis ka na at huwag ka nang bumalik pa!" aniya sa ’kin tsaka lantaran akong pinalabas.

“T-tita..” tinawag ko siya nang papasok na siya sa loob.

"Ano pang kailangan mo?!" asik niya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Anong ginagawa m-mo?" tinulak ako nito.

"Salamat po sa pagpapatira sa ’kin," Ani ko.

Lumunok si tita nang marahan tsaka sinaraduhan ako ng pinto pero agad din itong lumabas.

"Dianne!" tinawag niya ‘ko.

Ngumiti ako sa kanya. After all, i am thankful to her...

"Ingatan mo ‘yang sarili mo..." she said.

Napatingin ako sa mata ni Tita, ito ang unang beses kong marinig ‘yon sa kanya.

"Ang sabi ko...ingatan mo ang sarili mo dahil patanga-tanga ka pa naman minsan!" dugtong niya.

Ngumiti ako sa kanya. “Salamat, tiyang."




Nang lumabas ay tumungo agad ako sa guard na agad namang tumakbo upang dalhin ang hawak ko.

That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon