Chapter 29

4.2K 137 1
                                    

Georgina Jane Viton POV


Sa iisang kotse lang kami sumakay, malaki naman 'tong van nila mommy kaya dito na lang kami. May guard ako na kasama tatlo pero sa ibang kotse sila. 

Paalis na kami at todo bati at papuri sa 'kin si jio at si led.

"Grabi ang ganda mo talaga." sabi ni jio.

Nahihiya akong ngumiti kay Jio na kanina pa ako kinocompliment.

"Myghad! Nakakainsulto, nandito ako oh!" Nakanguso si Jac nang sabihin 'yon.

"Huwag kang mag-alala sis, ikaw pa 'rin pinakamaganda." sabi ni led kay jac. Close na rin si jio at si jac dahil minsan ay nag-uusap sila at nagtatawanan.

 Lahat ng babae ay nasa likod sige, isama na rin natin si jac. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero bahala na sila!

"Let's goooo!" sigaw ni louise. Siya kasi 'yung nagdadrive, habang nagpapatugtog naman si Ken na napakalakas ng tunog at si Lei at Jin na nagcecellphone.

-

-

2 HOURS na siguro kaming bumabyahe. Medyo nababagot na ako dahil feel ko hindi na hihinto itong van na sinasakyan namin.

Tinignan ko ang nga kasama ko kung anong ginagawa. Halos lahat sila ay tulog maliban kay Lei na nasa phone niya.

Maya't maya ay nag vibrate ang phone ko. Tinignan ko naman kung sino ang nag text.

Lei: go sleep and remove your friend head to you shoulder

Napatingin ako kay Lei nang itext niya ito, sinasabi na alisin ko raw ang ulo ni Jac na nakapatong sa balikat ko.

Nag text din ako pabalik sa kanya.

Me: hindi ako inaantok, tyaka hindi ko pwede alisin ang ulo niya natutulog siya

Sabi ko.

Napatingin ako kay Lei nang tumingin siya sa 'kin na nanliliit ang mata.

"Bakit?" I mocked.

He just roll his eyes and go back to his position.

Napatingin ako ulit sa phone ko nang mag vibrate ulit ito.

Lei: mapapagod balikat mo tss

Napatingin ako sa kanya. Ano naman ngayon kung mapagod ang balikat ko? Tsk. Kung ano anong inaano niya.

Tinago ko na lang ang phone ko at tumingin sa bintana.

-

-

A FEW MINUTES AGO nakarating na rin kami. Dagat pala ang pupuntahan namin.

WHATTTT!!!?MASSISWIMMING KAMI ? BAKIT HINDI NILA AGAD SINABI?

Hindi ako ready! Nagising narin si led, at si jac parang excited excited na.

"Ang ganda!" sigaw ni jac, sabay picture. Ang ganda kasi talaga. Ang linaw ng tubig, tapos...basta maganda.

"This is our resort, hope you like it." sabi ni louise sa 'min.

"Ganda nang resort niyo." Ani ni Jio kay Louise.

"Ikaw rin maganda," Napatingin kami lahat kay Louise nang sabihin niya 'yon.

"What?" Tanong ni Jio.

"Nothing. Let's go." Aniya. Nakita ko ang mga ngiti ng kanyang mga kaibigan.

May gusto ata siya kay jio. Kanina ko pa kasi napapansin ang pasilip silip niya rito kay Jio eh.

Napakaganda ng resort nila Louise. Grabe. Breathaking.

Ang laki at ang ganda. May mga rooms at cottage na malaki. Ang linaw din ng tubig.

This place is like a peace zone. Ang ganda...

Ganun na lamang ang gulat ko nang makitang nakatingin sa akin si Lei. Agad din siyang tumingin sa iba nang magtama ang mata namin.

Bakit kaya siya nakatingin sa akin?


"Ang ganda dito grabe!" Sabi ni jac habang naglalakad kami papunta sa mga rooms.

"Alam mo bang dito tayo pupunta?" tanong ko kay Jac na nakakapit sa braso ko sa kanan, habang si Led ay sa kaliwang braso ko.

"Actually, oo." sabi niya. Alam niya pala bakit hindi niya sinabi?

Wala pa naman akong dalang damit..

"'Wag kang mag-alala, meron ka nang pang ligo, binigay ni Maam viton, pati na rin damit." 

"Itapon mo na kasi 'yang mga luma mong damit. Baka nakakalimutan mo? Ikaw ang anak ng RICHEST PEOPLE IN THE WORLD tapos 'yung mga damit mo pang losyang?! " Tumingin ako sa kanya ng masama.

Aba't, hindi naman panglosyang ang damit ko ha! Bwisit na baklang 'to!

"Can't you two?" Napatingin kami kay Lei ng magsalita ito.

Napatigil pa ang lahat sa pagsasalita niya.

"What?" Si Led.

"Can't you two let jane arms?" Medyo naiinis na sabi ni Lei.

"Wew. Gusto mo lang ikaw humawak e," Rinig ko na bulong ni Jac.

"Okay po, master," Ani ni Led.

Tsaka nila binitawan ang braso ko. Mabuti naman..

"Possessive ng boyfriend mo 'no?" Bulong ni Jac.

"Anong boyfriend? Baliw ka." Ani ko. Kung ano ano sinasabi niya.

"Jane?" Napatingin naman ako kay Led.

"Bakit?"

"Kuya likes you,"

That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon