*BLAKE'S POV*Andito ako ngayon sa bahay kasi ganun talaga. Yun yung storyline eh. Walang magagawa ang isang gwapong tulad me. Hehehe.
Pero yun nga, andito ako ngayon sa bahay, gabing-gabi na pero heto ako giniginaw at hindi makagalaw pinipigilan ang pusong pinipilit ay ikaw~
Oops. Sornaman. Nakalunok lang ng katol. Pwehehe
Pero seryoso. Gabing-gabi na nga pero heto ako gising na gising pa rin. Binabasa ko kasi ang sketchbook/komiks na nakita ko sa school kanina.
Ang tagal na pala nito. Yung first ever entry eh nung 2011 pa. Hindi naman ako iyakin eh pero, naiyak talaga ako. Kasi nakakaiyak naman talaga eh. Di ko na mapigilang umiyak. Nakakaiyak talagang umiyak. Huhuhu.
Okay gulo ko. Pero seryoso nga, nakakaiyak ang story na nakapaloob dito sa sketchbook. Ewan ko lang kung base sa totoong buhay ang mga nakasulat dito sa sketchbook. I mean, baka trip lang ng may-ari nito na mag-drawing.
Atsaka isa pang naging dahilan para mag-doubt ako na base sa totoong buhay ito ay dahil sa mga, sabihin nalang nating kakaibang mga pangyayari na nasa sketchbook.
Ewan ko ba kung totoo pero base sa sketchbook, naririnig ng babae ang isipan ng mga taong nasa paligid niya.
In short, psychometric ang babaeng nasa sketchbook.
Ayon pa sa sketchbook, bata pa lamang siya ng ma-acquire niya ang nasabing kakayahan. Accidental, ani pa niya.
At hindi siya masaya dito. Itinuturing niya itong isang kaparusahang iginawad ng mundo sa kanya. Isang sumpa.
Nabasa ko rin na isa na siyang ulila. Nakitira siya sa tita at tito niya. At isa rin sila sa mga dahilan kung bakit ang lungkot ng buhay ng babae. Malamig ang pakikitungo ng pamilyang iyon sa kanya. Oo nga't pinapakain siya, pinapaaral, pero aso ang turing sa kaniya. Isang alila, isang hamak na basahan.
Sabi pa niya, minsan na niyang sinubukang magpakamatay pero mukhang pinipigilan ng kakawakan na mangyari iyon.
"Iyon na nga lang ang tangi kong kasiyahan, ang makapagpahinga na, pero bakit? Bakit mo pa ako hinahayaang mabuhay sa bangungot na ito?"
Napapailing na lang ako sa ka-dramahan ng babae. Sino kaya siya noh? Gusto kong itanong sa kanya kung totoo nga ba ang nasa sketchbook. O kung hindi man, may pinaghuhugutan ba siya para masulat ang ganitong katha.
Kaya naman ang ginawa ko, sa pinakahuling page ng sketchbook ay nagsulat ako.
"Nice drawing :)"
Kinabukasan, ibinalik ko ang sketchbook sa ilalim ng desk kung saan ko ito nakuha kahapon. Classmate ko ata may-ari nun. Di ko lang alam sino, wala namang nakaupo sa desk na iyon eh.
Another day at school. Boring ng GenMath. Skl~
"Mr. Damian, ipinapatawag ka ni Ma'am Stella sa office niya."
Nagulat nalang ako nang sa gitna ng pagmumuni-muni ko ay may sumulpot sa gilid ko. Pagtingala ko, si red-haired transferee pala. Hindi siya nakatingin sa akin pero ako yung sinasabihan niya. Eh? Wirdo talaga nito bruh!
"Sinong kausap mo?" panti-trip ko lang.
"Ikaw malamang. May iba pa bang Mr. Damian dito?" hindi pa rin siya nakatingin sa akin nang sinasabi niya yun.
"Ba't di mo ko tingnan?"
Bumuntong-hininga siya. Tapos tumingin sa mata ko. Taena talaga lang tong mata niya oh!
Andun na naman yung napakatalim niyang tingin. Ganyan ba talaga siyang tumingin? Parang wala pa talagang pagkakataon na nakita kong normal yung pagtingin niya. Matapos niya akong takutin eh umalis na siya at bumalik sa upuan niya. Arrggh! Wirdo talaga!
YOU ARE READING
My Psychometric Girl
FantasyTwo lovers haunted by the magic of the past. Can they prove that love is stronger than vendettas?