IRIS’ POV
“Aaahh! Itigil niyo na ‘yan!”
Nagising na lang ako dahil sa sigaw na ‘yun. Kainis! Kung kailan naman ako nakokomportable na sa pag-idlip saka naman ‘to mag-iingay.
“Tigilan niyo na ‘yan! Parang awa niyo na!”
Pinilit kong magtalukbong ng unan pero wa epek. Naririnig ko pa rin ang nakakinis na sigaw na ‘yun. Asan ba kasi yung nurse? Ba’t di niya patigilin ‘tong sumisigaw na kala mo minomolestiya?
“Tigil na! Please! T-tigil na…”
Di ko na talaga natiis ang ingay kasi may halo ng paghikbi ang kaninang pagsisigaw lang. Kaya naman tinungo ko ang kabilang kama na siyang kinaroroonan ng sigaw.
Tsk! Si Damian na naman?!
Walang humpay ang pagsigaw niya ng ‘tigil’ habang ang likot-likot ng katawan niya. Binabangungot ang kabute. Tsk. Kaya naman tinapik-tapik ko siya.
“Hoy! Gising!”
Hindi naman ako nabigo at nagising naman siya. Mukhang napakasama ng panaginip niya kasi nakikita ko ang mga butil ng pawis na namumuo sa noo niya.
“AAAHHH!”
Nagulat na lang ako ng bigla siyang sumigaw habang nakatingin sa akin. What the?! Kaya naman binato ko siya ng unan. Ano bang nalunok ng lalaking ‘to ngayon at tila naging hilig niya ata ang pagsigaw? Idol niya ba ang mga nagwewelga sa Quirino?
“Hoy! Manahimik ka nga! Kanina ka pa sigaw ng sigaw!”
Tinalikuran ko na siya at bumalik sa kama ko. Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakitang alas-kwatro na. Uuwi na nga ako. Baka mapagalitan na naman ako ng tita ko.
Pero di pa pala natapos sa pagsisisigaw ang pambubuwisit ng Damian na iyon. Habang nagtatali ako ng sapatos, kinukulit niya ako habang tinatawag akong Pula?! Just what the hakdog?! Kelan pa naging Pula ang pangalan ko? Sa pagkakaalam ko, biniyagan akong Iris Villamor. Grrr.
Kaya naman imbes na sagutin siya ng maayos, sinungitan ko na lang siya at iniwan doong mag-isa.
Sabado ngayon at napag-utusan ako ng tita ko na mamalengke.
“O pagkatapos mong mamalengke, bayaran mo na din ang bill sa kuryente at tubig. Mamayang hapon pa kami makakuwi kaya siguraduhin mong magtitino ka sa mga inutos ko.”
“Opo tita.”
Pupunta ngayon sila tita sa kabilang bayan. Dadalawin daw nila yung kapatid ni Tito Josh dahil bagong panganak ito. Tinanaw ko sila sa bintana at nakitang umalis na sila. Napabuntong-hininga na lang ako sabay tingin sa mga kalat sa paligid. Mukhang mahahasa na naman ang aking housekeeping skills ngayon.
Pagkatapos makapaglaba, maglinis sa garden, at mag-ayos ng bahay, naligo na ako para makapamalengke na. Pakanta-kanta pa ako habang naliligo. Ito kasi ang advantage kapag wala sila tita dito sa bahay kasi nahahasa ko ang sking 'singing skills' kahit na pambanyo lang haha.
Inilista ko muna ang mga kulang sa bahay na kailangang mabili sa palengke para di na ako maghirap pa mamaya kakaalala kung ano ang kulang at kung ano ang dapat bilhin. Pagkatapos, bitbit ang isang basket, lumabas na ako ng bahay at nagtungong pamilihan.
Masasabi kong mas mura nga ang mga paninda dito sa Northwood kesa dun sa Greenstone. Kung sabagay, urban dito at maraming nagtititinda kaya di hamak na bababaan nila ng presyo ang mga paninda nila dahil madaming supplier na tutugon sa demand ng mga consumer. Napangiti na lang ako habang palihim na pinpalakpakan ang sarili ko dahil sa pagkakaala sa mga lessons namin noong grade 9 sa Economics haha.
Pagkatapos mamalengke, nagtungo ako sa NORTHELCO, ang electric suplier dito sa Northwood at sa North Waters, ang water supplier naman dito.
Mga ala-una pasado na ng pauwi na ako sa amin. Pero habang tinatahak ko ang daan pabalik sa amin, nadaanan ko ang isang grupo ng mga kabataang may pinapalibutang isang batang lalaki. Inihinto ko muna ang bisekleta ko at nagtungo sa kanila. Mukha kasing hindi maganda ang pinanggagawa ng mga ito.
“Ha? Ano nga ulit yun? Bakit ayaw mo?!”, sigaw nung isang matabang lalaki na sa tingin ko’y katorse anyos pa lamang sa isang batang maliit na nakayuko ngayon paluhod sa kanya. Napansin kong humihikbi ang bata.
“M-may s-sakit ang n-nanay kay—”
“WALA AKONG PAKIALAM KUNG MAY SAKIT ANG P*NYETANG NANAY MO!!”, bulyaw nung mataba at akma pang susuntukin yung batang maliit kaya naman nagsalita ako.
“Tigilan niyo na nga yan!”, napalingon naman silang lahat sa akin at kitang-kita ko ang pagkainis sa mga mukha nila.
“Sino ka namang bakulaw ka?!”, asik nung mataba nila at narinig ko namang nagtatawanan ang mga kasamahan niya.
“Boss chicks oh!”, sabi naman nung isang mukhang kalansay na tinubuan ng mukha habang patudyo pang sumisipol. Nakita ko namang napangisi ang ‘boss’ kuno nila, yung mataba.
“Miss na maganda, ano ba ang iyong sadya sa lugar na ito? Naghahanap ka ba ng kaligayahan?”, tudyo pa ng boss nila, agad namang napatawa ang mga kasamahan niya. Tss. Mga manyak.
“Pakawalan mo na ang batang iyan,” mahinahon ko pang sabi sa kanila. Bigla namang natawa ang boss nila.
“Eh pa’no kung ayoko?”, tss, sinusubukan talaga ng tabang ‘to ang pasensiya ko ah, pwes, matakot na siya. Napa-smirk naman ako sabay sabi sa kaniya.
“Talaga? Sige, sabi mo eh,” pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon, bigla na lamang lumutang ang isang dos por dos na nasa gilid ko papunta sa binti ng taba na yun at nahampas siya ng pagkalakas-lakas. Hah! Telekinesis lang pala katapat niyo! Kitang-kita ko ang pagkagulat na may halong pagkatakot sa mga mukha nilang lahat.
“BWISIT KANG BABAE KA!”, pasugod na sa akin yung taba pero hinarangan ko ang dinadaanan niya ng isang basurahan kaya ayun, nadapa.
“Halika na bata!”, sigaw ko dun sa bata kasi alam kong hindi magtatagal ay mauubusan din ako ng enerhiya dahil sa pagte-telekinesis ko. Tumatakbo yung bata papalapit sa akin nang higitin siya ng taba-boss nila.
“HAH! SUBUKAN MO!”, sabi pa niya sabay tawa. Bigla namang nagsisuguran ang mga kasamahan niyang kanina pa pala natigalgal sa takot sa ‘kin. Tsk. Mukhang mapapasabak na nga talaga ako dito.
Buti na lamang at nasa kanto kami dahil kung hindi, nako, kanina pa magfe-freak out ang mga taong makakita sa amin ngayon. Nagliliparang mga piraso ng kahoy, lata, bato na animo’y may invisible na taong humahawak at sumusugod.
Maya-maya pa'y napahawak na ako sa sentido ko dahil nararamdaman ko na ang pagsisimula ng pagkahilo dahil sa ginagawa ko.
“WAG NA WAG KAYONG TITIGIL HANGGA’T DI NATIN NAGAGANTIHAN ANG BABAENG YAN!”
Napaupo na lang ako dahil umiikot na ang lahat sa paningin ko.
“HAH! NAGHIHINA NA ANG BAKULAW! BILIS!”
Tuluyan na akong napapapikit dahil sa panghihina pero nagulat nalang ako nang may isang babaeng dumating at pinagsisisipa ang mga kasamahan nung taba. Yun na ang huling nakita ko dahil napapikit na talaga ako sa pagod.
YOU ARE READING
My Psychometric Girl
FantasyTwo lovers haunted by the magic of the past. Can they prove that love is stronger than vendettas?