Chapter 10

33 18 9
                                    

BLAKE’S POV

Ang sama-sama talaga ng pula na yun!

Wirdo na nga, suplada pa, isnabera pa!

Akalain mo yun? Ni hindi man lang ako tinatapunan ng tingin pagkatapos niya akong ipakain sa lamok kahapon?! Hindi man lang ba siya magso-sorry o ano? Ganyan ba siya ka-cold? O sadyang manhid lang talaga siya?

Geh geh snob pa more! Kainis!

(A/N: Eh ba’t gusto mong mapansin ha?)

Ah eh, wala naman. Bakit ba?! Gusto ko lang mag-sorry siya sa akin, ang saklap kaya ng pinagdaanan ko kagabi! Tsaka may utang pa siya sa akin na ‘thank you’ dahil dun sa pagligtas ko sa kanya. O diba? Ang dami na ng utang niya sa akin. Tsk tsk tsk.

Snap!

Muntikan pa akong mapatalon dahil sa lakas ng kalampag na yun, dun pa mismo sa tenga ko.

“@#&(!”---- censored word ni Blake

“Uy pareng Blake! Buti at nakakapagsalita ka pa, akala kasi namin na estatwa ka na eh!”

Naningkit ang mga mata ko nang makita ang dalawang itlog na humahagalpak kakatawa habang may dalang sandok at takip ng kaldero. Talaga lang ha? Balak ba nila akong mabingi?!

“Masaya? Ang saya noh?!”, sarkastiko ko pang sabi sa kanila. Kaya naman bigla silang napaayos ng upo sabay tago ng mga dala nila sa ilalim ng mesa.

Narinig ko namang nag-clear throat pa talaga itong si Sid habang para namang pop corn ang mata ni Ken dahil sa likot. Up, down, left, right. Oh yeah oh yeah~

“Bakit ba kas—”, - ako/Ken/Sid Nagkatinginan kaming tatlo sabay tawa. Tapos tahimik ulit. Napabuntong-hininga na lang ako.

“Ano ba kas—”, -ako/Ken/Sid

“Teka nga ako muna!”, -ako/Ken/Sid

“Ako na nga muna eh!”, -ako/Ken/Sid

“Pucha!/Lintek!/Tungena!”, -ako/Ken/Sid

Napatawa na lang kaming tatlo dahil sa kabaliwan namin.

“AHAHAHA! Sa mura lang pala magkakaalaman eh!”, -Ken

“Nahahawa na ako sa kabaliwan niyo eh!”, -Sid

“Nahahawa? Eh ikaw nga ‘tong nanghahawa eh!”, -ako

“Oo, nanghahawa ng kagwapuhan! Kaya magpasalamat kayo sa master niyo! Nyahahaha!”, -Sid

“Oops! May kausap ba siya?”, -ako

“Sinong kausap niya? Naluwagan na ata ng tornilyo brad!”, -Ken

“Geh… bye. Mag-usap kayong DALAWA. Kakausapin ko na lang si Panda.”-Sid

“Panda? May Panda ka?”-ako

“Panda, yung ballpen niya. Tsk.”-Ken

“Mag-wo-walk out na lang ako. Bye.” –Sid sabay walk out, kaya naman hinigit siya ni Ken paupo.

“Ikaw ah! Ang hilig mong mag-walk out! Gusto mo lang atang habulin kita eh! Yiee!”

Napaubo bigla si Sid sa sinabi ni Ken kaya napatawa ako.

“What the what the Topps! Kilabutan ka nga dyan sa sinsabi mo Ken! Baka ikaw! Nanananching sa akin! May pahigit-higit pang nalalaman!”-Sid

Umakto naman si Ken na parag nasasaktan, may paplo-palo pa sa dibdib.

“Ba’t ako? Papa Blake! Ineewey eke ni Bete eii!”, sabi ni Ken sabay akmang yakap sa akin kaya naman tinulak ko siya kaya ayun nahulog sa akin yieee! Di joke lang, ano ba naman yan author! Kadiri! Bwacckk!

(A/N: Yiiee bromance is real! Shashashahh!)

Yuck author! Bigti ka na! Change topic na nga!

“Nga pala mga itlog! May utang pa kayong explanation sa akin!”, sabi ko sabay palo sa mesa kaya naman napatigil silang dalawa sa kaharutan nila.

“Oh? Ano?”

“Nalaman ko na KATHERINE with a capital K-A-T-H-E-R-I-N-E ang pangalan ni Nurse Ganda, kaya bakit naging DURIAN siya?!”

“Mali Blake. Hindi kina-capitalize ang ibang letters. Dapat Kathleen with a capital K.”-Sid

“Kathleen?! Kakasabi ko pa ngang KATHERINE diba?”

“Oo nga, Kathryn. Ikaw Sid di ata uso cotton buds sa tribo niyo eh.”-Ken

“Isa ka pa! KA-THE-RINE nga diba?! KA-THE-RINE!”

“Huh makati rin? Asan Blake? Sa singit mo ba? Kakamutin ko beh.”-Ken

Napasabunot na lang ako dahil sa sobrang frustration at inis dahil dito sa mga kasama kong mentally retarded na bingi.

“Bahala nga kayo! Talk to my ass!”, sabi ko sabay tayo. Pero nagtaka naman ako nang pumunta sila sa likod ko at lumuhod.

“Hoy! Anong ginagawa niyo ha?”, sabi ko

“Hi ass ni Blake! Alam mo bang ang bad niya kasi ayaw niyang kausapin kami face to face. Kaya sinabi niyang ass to face nalang.”-Sid

“Pero ayos lang! Ang saya kaya nito! Ang cute mo naman! Papisil nga!”-Ken

Akmang hahawakan na nila ang ‘cheeks’ ko kaya naman mabilis pa sa speed of light ko silang pinag-untog.

“Aray! Sakit!”-Sid

“Ay malamang masakit! Kelan ka pa nakakita ng pinag-untog na masarap ha?”-Ken

“Ewan ko sa inyo! Mababaliw ata ako sa inyo!”

“Okay lang yan Blake, baliw rin naman ako sayo eh yie—”, di na natapos ni Blake ang banat niya dahil nakita niyang nakatingin sa kanya si Keziah, at parang narinig niya rin ata ang pinagsasabi ni Ken. Kaya ang mukha ng itlog, parang nakalunok ng ketchup na dumiretso sa tenga imbes na sa bituka. Laftrip!

Pigil ang tawa naming dalawa ni Sid habang nagkukunwaring nagbabasa si Ken. Panay pa ang tanong,

“Uy nakatingin pa ba siya?”

“Oo!”, pabiro pa naming sabi kahit hindi naman talaga. Nakaalis na nga siya kanina pa eh.

Nang na-realize ni Ken na kanina pa namin siya niloloko eh isang malutong na pitik ang natanggap namin ni Sid.

“Alam mo Blake, may naisip akong paraan para makausap mo si Ms. Kathleen.”-Sid

“Tama! Kanina pa namin ‘to nai-formulate using the theory of falling in love and the laws of infatuation kaya siguradong asintadong-asintado nito ang hangarin mong makausap ang iyong iniirog, ang maningning na tala sa kalangitan ng iyong damdamin!”-Ken

“Tss. Dami niyong satsat mali-mali namang pangalan ang sinabi.”

“Ayaw mo?”

“Gusto mo?”

“Siyempre, gusto. Ano ba yun?”

Napangisi naman ang dalawang loko kaya parang nakaramdam ako ng konting regret sa sinabi ko. Uh-oh. Ano na namang balak nitong dalawa?

-------------------------------------------------
(A/N: Thank you for reading! Sana nag-enjoy kayo. Please don't forget to VOTE and COMMENT.)

고마워~

--lihs--

My Psychometric GirlWhere stories live. Discover now