Chapter 5

47 34 13
                                    

IRIS’ POV

Shet na malagkit! Nagulat ako nung itinulak ako ng lalaking yun, Damian ata? Ang sakit ng likod ko dahil dun.

Pero ang mas nakaalarma sa akin ay ang pagkakahawak niya sa akin. Arrgghh! Ano na? May manggugulo na naman sa isip ko?

Payapa na ang isip ko simula nang dumating ako dito. Wala na akong masyadong naririnig dahil hindi ko naman kakilala ang mga tao dito. Liban sa kanilang apat na kasama ko sa bahay ay wala na akong mga naririnig pang iba. Ayoko nang magulo! Lintek naman oh!

Tinahak ko ang daanan patungo sa bahay nina Tita Mely. Sa isang simpleng bahay lang kami nakatira sa Northwood ngayon. College na kasi si Kuya Warren. Overprotective sina Tita Mely at Tito Josh kaya naman lumipat din sila dito para lang mabantayan si Kuya Warren. As for Ritz, nasa girls’ high school siya nag-aaral ngayon, dito pa rin sa Northwood.

Pabukas palang ako ng gate eh rinig na rinig ko na ang pagtatalo nina Tita Mely at Tito Josh. Mas lalo pang dumoble ang ingay sa isipan ko nang papalapit na ako sa pinto. Mga isipan na naman nila. Napabuntong-hinga nalang ako sabay pihit sa doorknob.

Pero bago ko pa man mabuksan ito eh iniluwa nito ang mga damit ni Tito Josh kasabay ng isang maleta.

“Wala akong pakialam! Lumayas ka nang hayop ka!”

Nakita ko si Tita Mely na may bitbit pang mga bag, kasabay naman niya si Tito Josh na pinupulot ang mga damit niyang ipinanghahagis na ni tita.

“Mely! Ano ba?! Sinabi ko na naman yung totoo diba?!”

“Totoo mukha mo! Magsama kayo ng kerida mo!”

“Anong kerida?! Kaibig--”

“Kaibigan?! Anong klaseng kaibigan ang--” Naputol ang panenermon ni tita nang makita niya ako. Uh-oh.

“O ikaw! Bakit ngayon ka pa?! Nambubulakbol ka na naman ha? Pambihira! Wala na ba akong maasahan sa bahay na ‘to?! Puro na lang kunsimisyon!”

Itinulak niya pa ako papasok ng bahay kaya halos mamudmod ako sa sahig dahil sa mga bitbit kong supot at mga libro.

Narinig ko namang patuloy na naman silang nagtatalo sa labas kaya naman minabuti ko ng pumunta sa kwarto ko para magbihis.

“Oy Iris paki-laba nga nito tsaka paki-plantsa na rin. Lagay mo na lang sa kwarto ko. Bilisan mo kasi kakailanganin ko yan bukas ng umaga.”-Kuya Warren

“Opo Kuya.”

Pumunta na ‘ko sa kusina at nagluto ng hapunan. Pagkatapos nilang makakain, ginawa ko na ang paglilinis tapos pag-aasikaso sa ibinilin sa akin ni Kuya Warren.

Pagkatapos nun, saka pa lang ako kumain. Nagagalit kasi sila pag kumakain ako nang hindi pa tapos ang mga gawain ko. At ang mas masaklap pa, hindi nila ako pinapayagang magluto ng iba pang pagkain bukod sa mga pagkain nila. Kaya heto ako, kumakain ng kung ano man ang matira sa pagkain nila. Kaya naman dumiskarte na ako at nag-ipon ng pera para may maibili ako ng makakain ko.

Dati sa Greenstone eh may trabaho ako tuwing gabi sa isang convenience store kaya kahit papaano eh may kita ako. Pero ngayon sa Northwood, heto ako nganga. Napabuntong-hinga na lang ako sabay kuha ng sketchbook ko.

Naisipan kong iguhit dito ang nangyari ngayong araw. Pag naaalala ko iyon, sumasakit na naman ang ulo ko sa kunsimisyon. Tsk. May kalbaryo na naman ako.

Bigla kong nakita ang sulat sa last page ng sketchbook. Kinilabutan ako nang maalalang may nakakita na pala nitong sketchbook ko. Arrgghh! Lagot!

Lagot siya sa akin pag nakilala ko siya!

Umaga na. Pagkatapos ‘pagsilbihan’ ang ‘pamilya’ ko, inasikaso ko naman ang sarili ko. Mukhang ayos na sina Tita Mely at Tito Josh. Ganoon naman talaga sila, mag-aaway ng mga 5 hours tapos magkakabati rin naman agad. Hayss.

Naririnig ko na naman ang mga boses nila sa isipan ko at tama nga ako, ayos na sila. Pagkatapos maihanda ang lahat, nagpaalam na ako at nagsimulang maglakad papuntang school.

Habang naglalakad, kitang-kita ko ang kaibahan ng Northwood sa Greenstone. Dito napakaaliwalas ng hangin. Yung tipong mapapakanta ka nalang habang naglalakad. Doon kasi sa Greenstone eh masyadong polluted ang hangin.

Celestina

Bigla akong napahinto nang may marinig akong pangalan. Lumingon ako upang malaman kung kanino ito nanggaling, subalit wala. Kaya naman pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad. Celestina? Sino kaya yun?

Nakarating na ako sa room namin at as usual, ang ingay na naman nila. Tinungo ko ang upuan ko at natulog. Ganito ako pag dating sa room. Para sa akin, sleep is an escape from this oh-so noisy world. Pero napatuwid ako ng upo bigla nang may maalala ako. Si Damian!

Hinanap ko siya at nakita ko siyang nakaupo kasama ang mga barkada niya.

Weird.

Akala ko may maririnig na naman akong boses ngayon. Tinignan ko ulit siya. Wala talaga. Tsk. Weird. Oh well, mabuti na yun at least matatahimik ako.

Pero kasi naman, pag naka-skin-contact ko na ang isang tao eh automatically talagang nakakapasok na ako sa isip niya at naririnig iyon. Pero kay Damian eh wala talaga. Nakakapanibago lang.

Nagsimula na ang klase. Pumasok si Ma’am Liza sa room at agad na nag-announce ng mga di nakapagpasa sa composition na pinagawa niya kahapon.

“So class, I have this output whom I liked the most. I will give the owner the privilege to read his composition in front of you. So this composition is from Mr. Damian.”

Tumayo si Damian at agad na kinuha ang papel niya upang basahin ito sa amin.

“The Saddest Story I’ve Ever Heard.”

Tahimik ang buong klase habang nakikinig sa kaniya. Ipinagpatuloy niya ito.

“Just recently, I met a girl. Under some weird circumstances, I accidentally got a glimpse of how lonely her life was. She was just eight when her life crumbled down. Her parents died due to an accident and she was taken care of her aunt. But her life under the care of her aunt became more miserable than being alone in life. She was treated like a trash, a lofty dust.”

Habang nagbabasa si Damian sa harapan ay di ko mapigilang makaramdam ng familiarity sa mga pinagsasabi niya. Pakiramdam ko, ako yung babaeng ikinukuwento niya.

“But there’s this special thing about the girl. When her parents died, she acquired a special ability, an ability to read minds, she acquired the talent of psychometry. The girl’s name was Ivy.”

Naramdaman ko ang biglang pag-iinit ng tenga ko sa narinig. Ivy? Psychometry? Is it just too coincidental na magkapareho kami ng babaeng sinasabi niya? I have to know the truth. Kung ang lalaki nga bang ito ang nakabasa sa sketchbook ko. Kasi kapag nagkataon, I’m gonna break his neck bruh!

Kaya nung breaktime ay pasimple kong kinuha ang notebook niya para i-compare ang penmanship ng nag-vandal sa sketchbook ko at ng sa kanya. Naikuyom ko na lang ang kamao ko nang mapagtantong si Damian nga ang nakaalam sa sketchbook ko. Naalala ko bigla nung hapong nawala ang sketchbook ko, siya ang last na taong lumabas sa room bago ako. Napabuntong-hininga na lang ako sabay ng pag-igting ng panga ko. Hmm, so ikaw pala ha?

Lagot ka sa akin, Damian.

My Psychometric GirlWhere stories live. Discover now