BLAKE’S POV
~Hey, beautiful beautiful beautiful angel
Love your imperfections every angle Tomorrow comes and goes before you know
So I just have to let you know~Luhh nakakabakla na talaga tong nararamdaman ko! Kanina pa yan paulit-ulit sa gwapo kong isipan. Simula kasi nung nakita ko si Ms. Nurse, para na siyang kuto, ang hirap tanggalin sa ulo ko! Yieee! Hihihi.
Pero may isa pa akong problema. Kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.
“Uy ano na? Alam niyo na pangalan niya?”, tanong ko sa dalawang kolokoy na nagtatalo over sa isang Chuckie na inilibre ko.
“Akin na nga yan Ken! Hintuturo ko ang unang nakalanding sa Chuckie na yan kaya akin yan!”-Sid
“Eh? SML Buto?”-Ken
“E-WAN-KO-SA-YO. Pambihira ka rin naman kasi Blake eh! Minsan na nga manlibre kuripot pa!”-Sid
“Oo nga! Kami nga pag nanlilibre halos isang grocery store eh! Tas ikaw—”-Ken
Sinamaan ko sila ng tingin.
“Kayo ah, nilibre na nga nanlalait pa, wow legendary!”
“Eh kalait-lait ka naman kasi eh!”-Ken
“Eh bakit, kalibre-libre ba kayo?”-ako Sumimangot sila sa sinabi ko.
“Haay. Sino nga ba naman kami para librehan. Tara na nga Sid, dun tayo sa mabait, dun tayo sa magaling, JV Ejercito~”-Ken
“JV good, JV good~”-Sid
“JV is the good one~”-Ken/Sid sabay walk-out.
“What the?! Hoy mga ugok bumalik nga kayo!”, sabi ko sabay higit sa kanila pabalik sa table namin.
“Wag na Blake, tutal, hindi mo naman kami mahal eh.”
“Oo nga, mga UGOK lang naman kami para sa’yo eh.”
At sabay pang umiyak ang dalawa. What the fudgee barr!
“Arrgghh! Ang drama niyo! Oh eto na nga ililibre ko na kayo. Ano bang sa inyo?”, labag sa loob kong sambit.
Lakas maka-high nitong dalawang ‘to! Kung wala lang talaga akong kailangan eh kanina ko pa ‘to sila kinalampag sa pinakakalampag-lampag na kalampag sa buong kasaysayan ng kakalampagan. Tsk.
Bigla namang lumiwanag ang mukha ng dalawang unggoy nang marinig ang sinabi ko. Yung tipong parang nakalunok ng bumbilya. Haays.
“Uhm, talaga? For real? Totoo?”
“As in? Di ka nagbibiro? Cross my heart PS aylavyuu?”
“Aysus dami pang satsat. Ayaw niyo? Ayaw niyo?”
“Yeyy! Yan gusto namin sayo eh, uto-uto.”
“HAHAHAHAHAHAHA!” At wagas nga akong tinawanan ng dalawa kong ‘bestfriend’. Yayyss.
“So ano na? Anong name niya? Sa’n siya nakatira? Sinong first crush niya? Anong motto niya? May boyfriend na ba siya? Sinong mas gusto niya, DOTA o ako?”
“Andami mo namang tanong Blake! Siguro mas mabuti pang kinuha mo nalang yung slum book niya noh?”
“Wow naman. Pagkatapos ko kayong ilibre eh babalang-balangin niyo ako? Legen—”
“—dary. Alam namin. Thank you sa compliment. Nyahahaha.”
Napabuntong-hininga nalang ako. Naii-stress ang aking poging sarili sa kabaliwan ng aking mga tropa. Pero kung para sa pag-ibig, naman! Handa kong hamakin lahat. Huwewewe.
“Anastacia Marianita Perlita Cargador dela Bintana.”
BWAAK! Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni Ken. The fudge?!
“Yung seryoso?”, tanong ko
“Oo. Yun yung pangalan…ng lola niya.”
“LOLA?! BAKIT, TINATANONG KO BA ANG PANGALAN NG LOLA NIYA? PANGALAN NIYA ANG TINATANONG KO! PANGALAN NIYAAAA!”, feeling ko naging green ako nang oras ding yon sabay napunit ang aking uniform at ang tanging natira na lang ay ang aking boxer shorts, oops! Pagpasensiyahan na ang nakalunok ng KrimStix.
“Uyy cool down pareng Blake! WJKA!”
“WJKA?”
“We’re just kidding around. Bruh.”
“Alam niyo, malapit ng maubos pasensiya ko, sasabihin niyo ba o sasabihin niyo talaga?”
“Okay. Rhianne. That’s her name.”-Sid
“Huh? Akala ko ba Marianne?”-Ken
“Rhianne kaya yun! Or Adrianne?”-Sid
“Baka Kurianne?”-Ken
“O kaya naman Durian?”-Sid
“HAHAHAHAHAHA!”-Sid/Ken
Napa-face palm nalang ako habang nakikinig sa kanila. Seriously? Pag-uuntugin ko na sana silang dalawa nang biglang may lumapit sa amin, hinihingal pa.
“Ken! Si Keziah nakikipagsuntukan!”, sabi nung lalaki. Dali-daling napatayo si Ken, bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
“Tsk. Kahit kailan talaga yung babaeng yun!”
Nadatnan naming nakikipagsuntukan nga si Keziah sa isang lalaking mas malaki pa sa kaniya. Andami ng mga estudyanteng nagkukumpulan para maki-usyoso. Nalaman kong yung kasuntukan niya pala eh yung ‘kabit’ daw ng syota ni Keziah. Kaya ayun, nakapag-boxing ng di oras.
Nakita kong pasugod na si Ken para umawat sa dalawa nang biglang may naisip na isang bright idea ang aking poging-poging isipan. Kaya pinigilan ko si Ken.
“Oops! Manood ka nalang. Ako na ang aawat sa kanila.”
“Hoy anong pinagsasasabi mo? Manood?”
“Oo. Ako ng bahala. Para naman may excuse akong mapalapit kay Ms. Nurse.”, sabi ko sabay wink.
Mwehehehe. Clinic na dis. Kaya naman sumugod ako sa dalawang nagsusuntukan. -----------------------------------------------
IRIS’ POVNagtaka ako nang may nadaanang kumpulan ng mga estudyante sa tapat ng isang classroom. Sakto namang padaan ako doon kaya naman dahil sa curiousity eh nakahanap ako ng paraan para makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila.
Bigla na lamang may kung anong tuwa ang naramdaman ko nang makitang nakikipagbugbugan si Damian sa isang lalaki. Wahahaha buti nga sa kanya.
Sa sobrang aliw ko ay hindi ko na namalayang napalakas na pala ang tawa ko.
“WAHAHAHAHAHA! SIGE PA! BUGBUGIN MO PA YAN! AYAN!”
Napalingon ang ilang mga estudyante sa akin. Kaya naman payuko akong umalis doon.
Pero ewan ko ba. Ang saya saya ko lang makita si Damian na nasasaktan. Parang basta. Ang saya. Ang weird lang. XD
YOU ARE READING
My Psychometric Girl
FantasyTwo lovers haunted by the magic of the past. Can they prove that love is stronger than vendettas?