Chapter 12

23 6 0
                                    

IRIS’ POV

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa ballpen ko nang maramdaman na naman ang pagtingin ng Damian na yun sa akin.

Napaigting nalang ang mga mga panga ko. Kanina ko pa talaga naiisipang tusukin ang eyeballs ng lalaking yun kasi ayaw talaga akong lubayan ng tingin. Tas yung tingin pa niyang daig pa si Daniela Mondragon sa talim, isa lang ang masasabi ko, NAKAKAINIS TO THE NTH POWER!

Yung seryoso, bakla ba siya o ano? Daig pa niyang mga na seen-zoned sa badtrip. Ano ba’ng problema niya sa akin? Ako ba tumuli sa kanya? Ninakaw ko ba Choco Mucho niya? (pero kung meron man, eh nanakawin ko talaga hoho)

(A/N: Tsk tsk tsk, Iris bad yan.)

Wala naman akong utang sa kanya ah? Eh kung ganun, ano ba’ng ikinapuputok ng butsi niya?

Kaya naman bago ko pa maisipang ituloy ang binabalak kong pag-barbecue sa eyeballs niya eh tumayo na ako at nagtungong canteen para bumili ng happy pill ko, Choco Mucho~

Pagdating ko sa canteen, wala na akong naabutang bakanteng upuan kaya naman naisipan ko nalang na lumabas at magtungo sa plaza malapit sa school.

Hindi na ako mag-eestabay dun sa punong mangga kasi nakagat na ako ng langgam dun. Baka mamukhaan ako at kagatin na naman ako ulit. Ayoko rin sa room. Makikita ko na naman ang aburidong pagmumukha ng Damian na yun. Kaya dito na lang ako sa plaza. Tahimik na, malamig pa.

Walang masyadong tao sa plaza. May dalawang grupong nagpipicnic lang at mangilan-ngilang couple na nagde-date. Kaya naman naupo ako sa bench malayo sa sinuman. Kinuha ko ang ipod ko para mag-soundtrip sana kaso isa’t kalahating kanta lang ay na-lowbat na agad ito. Hayss.

Kaya naman naglakad na lang ako papuntang seaside para doon na lang mag-senti.

Isang langhap sa simoy ng hangin malapit sa dagat ay nagbalik sa akin ang alaala noong sinubukan kong wakasan ang buhay ko sa pamamagitan ng pagpapakalunod dito. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at naramdaman na naman ang pagbigat ng aking dibdib. Trauma? Siguro ganoon nga.

Muntikan na akong malagutan ng hininga noon. Nararamdaman ko na ang unti-unting pagkawala ng ulirat sa aking pagkatao. Wala na akong maramdaman. Namamanhid na ako. Ganito ba ang pakiramdam ng namamatay? Dahan-dahan na akong napapikit. Tapos na, sambit ko sa sarili ko. Wala na akong matandaan pagkatapos no’n kaya naman laking pagtataka ko nang magising ako sa isang ospital. Sabi ng mga nurse, may nagdala raw dito sa akin na isang lalaki. Hindi na ako nagtanong dahil nayayamot na akong isipin na pinigilan na naman 'niya' akong makatakas sa suliranin ng buhay ko.

Napabuntong-hininga nalang ako sabay tawa.

“Ang drama ko talaga.”, pero kasabay no’n ang pagtulo na naman ng mga butil ng luha galing sa mga mata ko. Kagya’t ko itong pinunasan sabay pikit at tingala sa langit.

“Haha nakakatawa ka Iris. Iyakin mo, parang di ka na nasanay.”

Dahan-dahan kong hingop lahat ng hangin bago ito pabagsak na ibinuga. I pressed my lips together and stared out into the never-ending blue water.

Celestina

Napalingon akong nang tila may bumulong sa tenga ko ng pangalan na iyon. Naalala ko bigla nung time na naglalakad ako papuntang school, may bumulong na Celestina sa akin. Sino ba kasi ito?

Celestina!

This time, mas malakas na ang bulong kaya bahagya akong napatalon dahil sa gulat.

Celestina! Celestina!

Ang lakas-lakas na ng tinig at sinasabayan narin ito ng isang pagtawa. Pagtawa ng isang babae. Ang ingay kaya naman napatakip ako sa tenga ko.

“Tigil! Tigilan mo na’ko!”, hikbi ko pero hindi pa rin napaparam ang mga ingay.

“TIGIL NA SABI!”, buong-lakas kong sigaw kaya naman naramdaman ko ang takang tingin ng mga taong nasa plaza sa akin. Pero, mabuti na lamang at nawala na ang ingay. Ngunit naramdaman ko naman ang unti-unting pagkirot ng sentido ko.

Ang sakit! Parang mabibiyak ang ulo ko.

Napaupo ako habang patuloy na hinihilot ang sentido ko. Ilang minuto rin akong ganoon nang maramdaman ko ang unti-unting paghupa ng kirot. Kaya naman nang bumalik ako sa school ay napagpasiyahan kong dumiretso na lang sa clinic. Pagkatapos asikasuhin ng nurse na andoon ay kaagad akong nakatulog. Nagising na lamang ako dahil sa ingay ng mga taong tila nag-aasaran.

“Ahahahaha! Anu ba naman yan Sid ang korni-korni mo! May nalalaman ka pang fix-fix dyan.”

Parang pamilyar ang tinig na iyon kaya naman sinilip ko kung sino ang nagsasalita.

Tsk. Si Damian na naman. Ba’t ba parang kabute ang taong yan at kung saan-saan sumusulpot?

Napabalik na lamang ako sa pagkakahiga, pero sadyang ang lakas-lakas ng mga boses nila kaya hindi na ako makapagpahinga.

At mas lalo pa akong nainis dahil ang engot-engot ng mga pinagsasasabi nila.

Tungkol sa ‘pag-ibig’ kaya gustong masuka.

BWACK! Cringe.

------------------------------------------
(A/N: Ayo guys! Thanks for reading! Please don't forget to VOTE and COMMENT!)

--lihs--

My Psychometric GirlWhere stories live. Discover now