BLAKE’S POV
“Ahahahaha! Anu ba naman yan Sid ang korni-korni mo! May nalalaman ka pang fix-fix dyan.”
Oh ayan, patawa-tawa lang ako pero nanggagalaiti na yan. Pero agad na nawala ang inis ko nang narinig kong tumawa ang aking anghel na sinisinta, este, si Ms. Kath.
“Naku ano ba naman kayo. Joke lang yun. Actually masaya nga ako ngayon eh.”, sabi niya habang nakapaskil ang isang napakatamis na ngiti sa maganda niyang mukha.
“Oh? Talaga Miss? Buti naman. Dapat sa mga magagandang dilag ay pinapasaya at hindi pinapaiyak. Ganyan ako eh”, banat ko.
“Anong ganyan? Magandang dilag ka rin Blake?”, bara ni Sid
“Ahahaha! Nice one Sid!” –Ken Sinimangutan ko lang sila.
”Mga sira! Ibig kong sabihin dun, ganun ako ka-gentleman.”
“Owss? Maniwala?” –Ken/Sid
Pucha talaga ‘tong mga unggoy na ‘to eh! Nambabara pa eh kung suporthan na lang kaya nila ako noh? Kung di lang dahil kay Ms. Kath eh kanina ko pa ‘to pinagsasapak.
“Anyway, ayos na yung mga injury niyo nagamot ko na. Pahinga na lang kayo rito. If ever may kailangan kayo, just call my attention, okay? Excuse me.”
Umalis na si Ms. Kath para bumalik sa office niya. Kaya naman nalungkot ako, gusto ko pa siyang makausap!
“Oh Blake! Yung nguso mo mukhang masasabitan na ng pendulum clock sa tulis! Ahahaha!” –Ken
“Aww, kawawa naman.” –Sid
Sinamaan ko sila ng tingin sabay pitik sa noo nila.
“Aray! Napakabayolente mo talaga Blake! Yan ba yung pinagmamayabang mong gentleman?”
“Gago! Sa mga ‘magandang dilag’ lang ako gentleman, di ko naman sinabing para sa mga ugok na unggoy na mukhang calamares na sinawsaw sa panis na bagoong!”
“Oy cool down pareng Blake!”
“Oo nga. Magmumukha ka ng Hulk na may pinagsamang genes nina Spongebob at Peppa Pig eh!”
“Ewan ko sa inyo. Bigti na kayo, bilis alis na!”, sabi ko na lang sabay higa at pikit ng mga mata ko.
“Geh teka lang, dyan ka muna Sid, maghahanap lang ako ng lubid,” saad ni Ken sabay alis.
“Geh, hihintayin kita Ken!”-Sid
Tss. Mga mentally retarded nga. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang akong magpahinga.
Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nasa gitna ng isang napakagulong pangyayari.
Ang ingay.
Naghahalo ang mga sigaw, palahaw, halakhak, at mga pag-uusap sa kinaroroonan ko.
Pag lingon ko, nakita ko ang tatlong babaeng tila dahilan ng lahat ng ingay. Nakatali ang kanilang mga kamay at nakabusal ang kanilang mga bibig. Naglalakad sila kasama ang mga lalaking nakaitim, mga guwardiya sa tingin ko.
Nagulat na lamang ako nang makitang nakatingin sa aking direksyon ang isa msa mga babaeng bihag. Malayo man, tanaw na tanaw ko ang emosyong namumutawi sa kaniyang mga mata…
Galit
Maya-maya pa’y nakita ko na lamang ang isang kahindik-hindik na pangyayaring ngayon ka lamang matutunghayan.
Ibinitay ang mga babae. Pagkatapos, bigla na lamang lumiyab ang ang paanan nila at dahan-dahan iyong umaakyat, nilalamon ang kanilang pagkatao.
Gusto kong sumigaw na itigil na nila ang ginagawa nila subalit walang boses na lumalabas sa bibig ko.
‘Tigil!’
Sa gitna ng aking mga pagsigaw, isang kamay ang tumapik sa akin mula sa likod. Pag lingon ko…
Si Ms. Pula?
“AAAHHHH!”, sigaw ko kaya naman bigla siyang napalayo. Nagulat na lang ako nang bigla na lamang niya akong binato ng unan.
“Hoy! Manahimik ka nga! Kanina ka pa sigaw ng sigaw!”
Nagtaka ako. Wala na ako sa lugar na iyon.Kung ganun, panaginip lang pala yun?
Pag lingon ko sa kabilang bed, wala na sila Ken. Asan sila? Wag niyo sabihing…
Tinotoo nila yung sinabi kong pagbibigti?
Siguro. Sa liit ng mg utak nu’n posible ngang ginawa nila yun. Atsaka teka nga, ba’t ba andito ‘tong pula na ‘to?
“Oy Pula!”, tawag ko sa kaniya na abala sa pagtatali ng sapatos niya. Pero para atang nagsasalita ako sa hangin kasi di man lang siya kumibo.
“Oy! Psst! Pula!”, tawag ko ulit sa kanya. Ayaw pa rin. The fudge?! Bingi ba ‘to o ano?
“Hoy! Ikaw! Babaeng nagtatali ng sapatos!”, this time napaangat na talaga yung tingin niya sa akin. At andun na naman yung expression ng mga mata niya. Hollow. Blank.
“Ano?!”, asik niya sabay balik sa pagtatali ng sapatos niya.
“Hoy! May itatanong lang ako wag kang suplada!”
“Eh di itanong mo! Kanina ka pa tawag ng tawag eh kung tinanong mo na lang yun noh?”
“Oh eto na nga magtatanong na. Pula, asa—”
“Hindi Pula ang pangalan ko!”
“Ayy eh di sorry! Bakit ano ba?”
Sinamaan muna niya akong ng tingin bago nagsalita.
“Wag mo ‘kong kausapin hangga’t di mo alam ang pangalan ko.”
Sabay tumayo na siya’t umalis. Kaya naman hinabol ko siya ng sigaw.
“Hoy! Ikaw! May utang ka pa sa’king ‘thank you’, ‘sorry’, at mga sagot! Lagot ka sa’kin pag nalaman ko pangalan mo!”
Pero hindi man lang siya natinag sa paglalakad.
Tss. Suplada! Bakit ba kasi siya ang nakasama ko rito? Asan na ba yung mga ugok? Tsaka asan si Ms. Kath?
Di bale, makauwi na nga.
YOU ARE READING
My Psychometric Girl
FantasyTwo lovers haunted by the magic of the past. Can they prove that love is stronger than vendettas?