Chapter 6

52 31 14
                                    

BLAKE'S POV

Kanina pa tumatayo ang balahibo ko dahil sa paulit-ulit na pagtitig ni red-haired weirdo sa akin. Yung tingin niya na tipong may ipinahihiwatig na death threat. Bruh, goosebumps. Kung nakakamatay lang ang tingin eh siguro nga kanina pa akong chugi.

~Konna koto ii na
Dekitara ii na
Anna yume konna yume ippai aru kedo Minna minna minna~

"Putspa! Ano yan Sid?", muntikan na akong mabilaukan sa iniinom kong Coke nang marinig ang ringtone ni Sid. Akala ko may napadpad na alien sa canteen namin! Napakamot sa ulo si Sid.

"Tss, wag ka nga.", sabi niya sabay check sa phone niya. Napailing na lang ako sabay ubos ng iniinom kong Coke.

*cruuk cruuk~

Kung iniisip niyong ibon yan, tsk tsk nagkakamali kayo dahil ang tiyan ko yan. Putspa, napahawak ako sa tiyan ko sabay tayo.

"Ugh, tatae muna ako pre." Nabilaukan si Sid sa sinabi ko.

"Naman Blake! Ang bastos mo!"
Tinawanan ko pa siya bago tumakbo papuntang CR kasi naman jebs na jebs na ako.

Relief.
Translation: kaluwalhatian huwewew

Matapos kong mailabas ang dapat mailabas ay kaagad akong naglinis. Hinawakan ko ang doorknob ng cubicle upang makalabas na ako. Pero nagtaka ako nang di ito bumukas. Sinubukan ko ulit itong buksan pero kahit anong pihit ko ay ayaw talaga.

"Pucha naman oh! Hoy! Kung sino ka mang nanti-trip jan lagot ka sa'king mokong ka!"

Ang ipinagtaka ko ay wala namang tao kanina rito pagkapasok ko. Wala rin naman akong namalayang pumasok dito. Pero paano na-lock 'tong pinto? Nagulat ako nang biglang sumirado ang mga bintana sa CR. As in yung sabay sabay pa!

Nakakabakla mang aminin pero, taena, nakakaramdam na ako ng takot dito.

Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng mga gripo, kasabay nito ang isang malakas na kalabog mula sa isang cubicle. Nanayo ang mga balahibo ko nang makarinig ng mga yabag ng paa. Yung tipong naglalakad siya sa basang sahig dahil sa pag-apaw ng mga gripo sa lababo. Kinilabutan ako nang maramdamang papalapit ang mga yabag sa akin.

Sinubukan kong silipin kung sino man ito sa pamamgitan ng pagtingin sa reflection ng tubig sa sahig. Pero payuko pa lamang ako nang biglang bumukas ang pintuan ng cubicle ko. Kaya ang nangyari, namudmod ako sa sahig.

"Aray! Lintek! Nananakot na nga nangugulat pa! Wag naman ganun brad!"

Sinubukan kong tumayo. Medyo madilim-dilim na rin dito sa loob ng CR kasi sinarhan ang mga bintana. Pero bigla na lamang akong napaupo ulit nang makita ko ang isang babaeng nakasuksok sa isang sulok. Mahaba ang buhok nito, natatakpan ang kabuuan niya.

Maya-maya pa'y narinig ko ang mahina nitong pag-iyak. Dumagdag pa sa takot ko ang malamig at walang-buhay nitong tinig na nag-e-echo sa buong CR. Napasiksik na lang ako sa sulok nang mapansin kong dahan-dahan itong lumilingon sa akin.

At sa panahon ding iyon, ewan ko kung nabkla ba ako, pero bigla na lamang akong napasigaw.

"AAAAAAAHHHH!!!"

Kasabay ng halakhak ng babae ay ang pagkahimatay ko. ______________________________

IRIS' POV

Kanina ko pa pinipigilang tumawa dahil sa reaksiyon nitong si Damian. Naisipan ko kasing paghigantihan siya sa pangingialam sa sketchbook ko sa pamamagitan ng pantatakot sa kanya. Wahahaha. Bahag pala buntot nito eh. Kay simple-simple lang naman ng mga pinanggagawa ko.

Sinundan ko siya dito sa CR. At siyempre, naisip ko na ito na ang perfect timing para takutin siya. Gamit ang aking telekinesis na minsan ko lang ginagamit dahil nakakaubos enerhiya, pinagalaw ko ang isang mannequin na nakabihis multo. At voila! Passed out si Mr. Pakialamero.

Kaya moral lesson: Huwag va-vandalan ang sketchbook na hindi naman sa iyo kung ayaw mong matikman ang galit ni Ivy. Aguas? Ay hindi naman, Villamor lang. XD -------------------------------------------------

BLAKE'S POV

Nagising nalang ako sa isang lugar na puro puti. Napakatahimik. Nasan ako? Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako?

"Di pwede 'to! Hindi pa ako nakaka-first kiss! Wala pa akong jowa! Yung cellphone ko lowbat pa! Si Mingming di pa kumaka-ayy teka wala pala kaming pusaa!"

Naghuhurumentado ako nang bumungad sa aking harapan ang isang... anghel!

"Hi! Mabuti naman at nagising ka na."

Nakangiti pa siya sa akin habang may chine-check sa braso ko. Pakiramdam ko anytime matutunaw ang braso kong hawak niya dahil sa sobrang----

"Oh ayan ayos na ang blood pressure mo. Magpahinga ka na lang at hintaying matapos ang class hours. Don't worry excused ka na.", nakangiti parin siya habang sinasabi yun, at itong puso ko, kumakabog!

"Aytinkayminlab~", wala sa loob na sambit ko.

"Excuse me? Ano yun?" Bigla na lamang nagising ang diwa ko nang mapagtanto ang sinabi ko.

"Ay wala wala. Hehe."

Tumango siya sa akin bago umalis. Huhu my hart.

Sakto namang pagdating ng dalawang kolokoy sa kinaroroonan ko.

"Huy pareng Blake! Ayos ka na ba?"- Sid

"Oo nga, akala nga namin nahimatay ka na kaka-ire dahil ang tagal mong bumalik."- Ken

"Ulol! Baka ikaw!"- ako

"Huh? Ba't ako? Eh ikaw yung tuma--"-Ken

"Oy hep hep hep---"-Sid

"HURRAY?!"-Ken/ako

Sinamaan nalang kami ng tingin ni Sid. "Ayan na naman kayo sa non-sense na pagtatalo niyo. Nga Blake, ano ba kasing nangyari at nakita ka nalang na passed out sa CR?"

"Ayy, siguro nasabugan ng ibon. Hahaha"-Ken

Sinamaan namin ng tigin si Ken.

"SHUT UP KEN!"-Sid/ako

"Eh ganito kasi yun, minulto ako sa CR."

"HA?!"-Sid/Ken

"Oo! Pero wag niyo nang pansinin yun. Nga pala, sino yung nag-attend sa'kin kanina? Yung assistant nurse ata?"

"Uyy nagtatanong, type mo pre?"

"Oo eh."

Napakamot pa ako sa ulo habang patudyo naman nila akong tiningnan.

My Psychometric GirlWhere stories live. Discover now