Chapter 11

38 12 8
                                    

BLAKE’S POV

Gusto kong tumakbo, tumalon, at sumigaw na “Bakit gan’to mga tropa ko?”

Kasi naman, akala ko kung anong ‘brilliant’ idea ang naisip nila. May nalalaman pang theory of falling in love at laws of infatuation. Eh ang engot ng naisip nila eh! Gan’to kasi sinabi nila:

“Alam mo Blake, may naisip akong paraan para makausap mo si Ms. Kathleen.”-Sid

“Tama! Kanina pa namin ‘to nai-formulate using the theory of falling in love and the laws of infatuation kaya siguradong asintadong-asintado nito ang hangarin mong makausap ang iyong iniirog, ang maningning na tala sa kalangitan ng iyong damdamin!”-Ken

“Tss. Dami niyong satsat mali-mali namang pangalan ang sinabi.”

“Ayaw mo?”

“Gusto mo?”

“Siyempre, gusto. Ano ba yun?”

Napangisi naman ang dalawang loko kaya parang nakaramdam ako ng konting regret sa sinabi ko. Uh-oh. Ano na naman ang balak nitong dalawa?

“Magtapos ka muna ng pag-aaral tas pag tapos ka na, mag-doktor ka. Magtayo ka ng sarili mong ospital. Tas kunin mo si Ms. Nurse Ganda bilang head nurse tas boom! Mai-inlove siya sa’yo kasi napakabait mo. After that, magde-date kayo, magfi-flirt, magpapakasal, gagawa ng baby, magpapabinyag, magpapalaki ng bata, magkakalabuan, mag-aaway, tas magkakahiwalay. O diba? Lamporeber! Nyahahahahahaha!”-Ken

“Oo nga! Base na yun sa theory of falling in love, sabi kasi, open qoute, Love is not forever, it is eternally not for ever, close qoute.”-Sid

“Kaya kung kami sa’yo pareng Blake, itigil mo na yang pag-ibig pag-ibig na yan, lintek lang yan sa buhay nating mga pogi eh!”-Ken na luluha-luha na

“Oo nga. Living proof at epitome na niyan si Ken d’great!”-Sid sabay tapik kay Ken

“Kaya ka rin ba single Sid?”-Ken

“Yup! I live by the philosophy of theory of falling in love.”-Sid

“Kaya pareng Blake, welcome to camp ampalaya! Where we make bitter better!”-Sid/Ken sabay palakpak

Napahilamos na lang ako sabay tingala.

“Yung totoo, advice ba yun? O propaganda? O purong pambi-bwisit lang talaga?”

Nagkatiginan lang silang dalawa sabay tango.

“Yes!”-Sid/Ken

Kaya naman nakatikim sila ng isang juicylicious pambabatok mula sa akin. At bago ko pa makalimutang kaibigan ko sila, hinigit ko na lang sila papuntang school clinic.

“Uy Blake, matagal ka pa ba dyan? Nangangawit nakami dito eh!”-Ken

“Sandali lang! Di ko makita eh kasi may tambok na mataba na ayaw tumabi!”, sabi ko naman na halos maging giraffe na kakasilip dito sa likod ng clinic namin.

“Ba’t ba kasi di na lang tayo pumasok? Mas madali kaya yun, alam niyo ba yun? Ha?”- Sid na halatang inip na rin.

“Sandali nga lang eh! Tsaka ayokong pumasok doon knowing na wala naman si Ms. Nurse Ganda, kaya sisilipin ko na lang muna kung andito ba siya.”

“Ba’t di ka nalang magtanong sa loob?”

“Brad, usong mahiya, alam mo yun?”, sabi ko

At sa wakas! Tumayo na rin yung kanina pa nag-oobstruct sa view namin. At hola! Nakita ko na rin si Ms. Nurse Ganda na nakaupo sa table niya.

“Bilis mga itlog, dito nga kayo!”, dali-dali kong sabi sa kanila, kaya naman lumapit sila sa akin.

“Bilang pambawi sa pangu-good time sa akin, tutulungan niyo akong makausap si Ms. Nurse Ganda.”

“Sa anong paraan?”-Sid

Ngumiti ako sabay sabing,

“Ikaw ang paraan.”, pagkatapos kong sabihin yun, isang malakas na sipa ang natanggap ni Sid sa bandang binti niya. Yeah!

“ACKK! ARAY!”, Sid na tatlon-talon na sa sakit.

“Oops sorry!?”, sabi ko sabay ngi-ngiti-ngiti pa.

“Langya! Blaaaake!”

“Grabe pareng Blake! Lakas talaga ng tama mo! Alagang Red Horse?”-Ken

Biglang lumabas sa pintuan ng clinic (alangan namang sa bintana di ba?) si Ms. Nurse Ganda.

*lub dub dub dub

Yiiee hart hart!

“Oh anong nangyayari dito?”, ani ng malamyos at mala-musika niyang tinig.

“Ah eh ito po kasing kaibigan ko bigla na lang nanini—”

“—nanininig sa sakit ng binti.”

Wooh! Lapit akong mabuking dun ah! Langya Ken! Ang sama na ng tingin sa akin nina Sid at Ken kaya naman napakamot na lang ako sa ulo.

“Oh tara sa loob, gamutin natin siya.”, mahinhing sabi ng aking sinisinta.

Aalalayan ko sana si Sid nang tapakan niya ang paa ko.

“ACKK! ARAY!”, kagat-labi kong sabi.

Ngingiti-ngiti lang si Sid papasok ng clinic. Aba, nakaganti!

Mukhang napansin ata ni Ms. Nurse Ganda ang paghihirap ko kaya naman sinabi niyang pati ako’y gagamutin niya.

Tahimik kami sa loob ng clinic kasi wala namang ibang tao bukod sa akin ang andoon. Sa sinabi kong tao, ang nire-refer ko ay ako LANG. Yung dalawa kasing kasama ko ay mga unggoy na itlog, tsaka si ehem, si Ms. Nurse Ganda ay hindi isang tao kundi isang ANGHEL. Yiiee!

Habang naglalagay ng bandage si Ms. Nurse Ganda sa injury ni Sid ay napapansin ko ang pagtitig ni niya kay Ms. Nurse Ganda. Anong ibig sabihin nito?!

“Ehem ehem, arayy! Hooh ang sakit hooh!”, arte ko pa sabay pangiwi-ngiwi para intense.

“Sumasakit na naman? Teka lang kukuha ako ng pain reliever.”, sabi ni Ms. Nurse Ganda sabay binilisan ang pagbabalot sa bandage ni Sid. Tumayo siya pagkatapos nun at umalis.

‘Hah! Buti nga sayo! Mwahahaha!’

Nakita ko si Sid na parang nanghihinayang o ano. Basta yung tipong nalugi o nabitin?

“Eto na, inumin mo para mawala yung sakit.”, sabi ni Ms. Nurse Ganda sabay abot sa akin ng isang tableta ng pain reliever.

“Pantulong rin po ba ito sa heartbreak?”, tanong ko kaya napatawa ng napakahinhin si Ms. Nurse Ganda dun.

(A/N: Ehem, pede makisingit? Oo, alam kong okay lang kaya makikisingit ako. Hoy Blake! Tigil-tigilan mo na nga kakatawag kay Katherine na Ms. Nurse Ganda! Ang haba eh! Nakakapagod i-type!)

Ey author na pinaglihi sa mushroom na tumubo sa pupu ng puppy!

(A/N: Ano?! Pakiulit nga?)

A-ay may sinabi ba ako? Wala naman ah! Anyways sige na Ms. Author, gagawin ko po yung sinabi niyo. Hehe.

Anubayan! Nawala na tuloy tayo sa estorya, continue na nga. So ayun nga, tinanong ko siya kung pwede ba ito sa heartbreak. Sabi niya naman,

“Heartbreak? Hindi ko alam, masubukan nga mamaya.”- Ms. Kath

“Heartbroken ka Miss?”-ako

“Unfortunately yes.”-Ms. Kath

“Can I be the one to fix that?”-Sid

Uh-oh. Napatingin ako kay Sid, ganun din siya. Binigyan ko siya ng ‘anong-ibig-sabihin-nito’ look. Nag-smirk lang siya sa akin sabay balik ng tingin kay Ms. Kath.

What the topps! May karibal na ba ako?

----------------------------------------------------
(A/N: Again and again, thank you so much sa pagbabasa! Please don't forget to VOTE and COMMENT.)

감사~

--lihs--

My Psychometric GirlWhere stories live. Discover now