Chapter 15

21 7 0
                                    

IRIS’ POV

Napukaw ang diwa ko dahil sa isang ingay.

“Buljangnan! Oh oh oh oh! My love is on fire! Wooohhhh!~”

Yeah! Omo! Hangaleeng! Yeah yow! Ahah! Yiee sana oil hot!

Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at dahan-dahang bumangon. Nagulat ako nang makita ang isang babaeng naka-headphones habang pakanta-kanta at pa-headbang headbang pa sa sulok ng kwartong kinaroroonan ko. Napagtanto kong sa kanya pala ang boses na narinig ko kanina sa isipan ko. Pero teka nga! Bakit ko ba naririnig isipan niya? Isa lang ang sagot dito, malamang hinawakan niya ako. Nasa’n nga ba ako?

Sinubukan kong bumangon at umalis sa kama pero naramdaman ko ang pagkirot ng sentido ko.

“A-aray,” usal ko. Mukhang napansin naman na ako nung babae sa sulok kaya naman tumigil na siya sa paghe-headbang at naglakad papunta sa’kin. Teka! Siya yung babaeng nakita kong sumugod sa mga lalaki nang mahimatay ako ah!

“Ay ate! Buti naman at gising ka na! Sorry ah, baka nagising kita sa ingay ko, hehe di ko kasi mapigilan ang activation ng aking Blink hormones, kasi naman eh! Isang beat lang ng kanta nila, waah! Wala na, parang nakakalimutan ko na ang paligid ko! Kaya sorry ate ah, hihi. Anyways ate, bumalik ka na muna sa kama at magpahinga parang di ka pa masyadong ayos eh,” napanganga na lang ako dahil sa kadaldalan ng kaharap ko ngayon. Wow! Host ba siya?

“A-ayos na ako. Teka, nasa’n ba ako? Sino ka ba?”

Tinanggal naman nung babae yung suot niyang headphones saka nag-flip hair at nag-pose na para bang model bago nagsalita.

“Good afternoon! My name is Myrtle Janine Dominguez Lucero! A fifteen-year old stunner from the land of the Northern Woods, Northwood! Nice to meet you ate na nag-collapse after pinakita ang iyong kind-heartedness sa isang musmos na batang inapi ng kapalaran!”

Literal na napanganga nalang ako dahil sa babaeng ito na nasa harapan ko ngayon. Nakakatuwa siya habang nagsasalita kasi bawat words na sinasabi niya eh may katumbas na gesture. Whew.

“Uhm ate, okay lang kayo? Oops siguro ang ingay ko masyado ehehe,” sabi niya ng mapansing hindi ako nakaimik. Ang ingay ng isipan niya kaya naman sinubukan kong isara ito.

“Ah hehe ayos lang ako, Myrtle tama? Salamat sa pagtulong sa’kin kanina, di ka ba nasaktan? Bata ka pa naman at babae pa,” tanong ko sa kanya.

“Nako naman si ate! Wag po kayong mag-alala sa’kin! Blackbelter ata ‘to! Tsaka ako lang naman ang nag-iisang gandang babe na mix breed nina Alexander the Great, Jackie Chan, Lara Croft, at Cardo Dalisay!”, napatawa naman ako sa sinabi niya.

“Nako ikaw ah! May pagkamaloko ka rin pala.”

“Naks proud lang po haha. Nagkataon lang kasi na napadaan ako sa parteng yun tsaka narinig kong parang may nag-wa-war galore sa kanto kaya ayun, keribels ko naman yung mga pugitang yun eh.”

“Nga pala, asan na yung batang lalaki kanina? Yung mga lalaki?”, nakita ko nmaang biglang lumiwanag ang mukha niya.

“Ah! Si Clarence? Hinatid ko na sa pamilya niya, pero don’t cha worry ate, na-report ko na po yung incident sa mga otoridad,” nakangiti niyang sambit kaya nginitian ko na rin siya. Pero napatigil ako nang maisip na baka ay nakita niya ang pagte-telekinesis ko kanina.

“Ah, Myrtle, wala ka bang napansing kakaiba kanina nung makita mo ako?” “Anong klaseng kakaiba ate?”, kunot-noo niyang sabi.

“Ah wala wala, wag m—”

“Sa pagkakatanda ko, panay sabi nung mga lalaki kanina na nakakatakot at kakaiba ka raw. Bakit nga ba? Ah siguro kasi ang bait-bait niyo po tsaka siguro natakot yung mga pugitang yun kasi mabait ka haha.”

Paktay! Malamang mamukhaan ako ng mga ugok na yun! Sigurong ipagkakalat nila na may kapangyarihan ako! Lagot!

“Oh ate bakit? Nag-aalala parin po ba kayo? Nako wag na po kayong mai-stress, na-report ko na naman po sila eh.”

“Salamat, pero—”

“Ay nako! Sige para mawala na po iyang alalahanin sa dibdib niyo eh mag-ice cream nalang po tayo, tara, ate?”, na-gets ko namang tinatanong niya yung pangalan ko.

“Iris.”

“Tara ate Iris!”, nakangiti niya pang sabi sabay hila sa’kin palabas ng kwarto niya.

Mukhang mayaman nga itong sina Myrtle dahil ang laki ng bahay. Dinala niya ako sa kusina nila. Sabay binuksan niya ang refrigerator nila at kinuha mula doon ang isang gallon ng ice cream.

“Sshh wag maingay ate ah! Baka marinig tayo ni Kuya, madamot pa naman yun haayss,” kumuha siya ng baso at naglagay doon ng ice cream. Napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan siya. Ang saya pala sa pakiramdam ng ganito. Yung may kasama ka.

“Taga-sa’n ka po pala ate?”, andito kami ngayon sa garden nila. Nakasakay si Myrtle sa hammock samantalang nakaupo naman ako sa isang stool habang kumakain ng ice cream. Feel na feel ko ang afternoon breeze kasi nutty chocolate yung kinakain namin. Favorite ko ‘to eh!

“Taga-Northwood,” napatingin naman siya sa akin, tipong nagtataka. May mali ba sa sinabi ko? Kaya naman nagulat ako nang bigla siyang tumawa.

“Ahahaha, joker ka rin pala ate? Malamang sa Northwood haha. Kaya pala talaga ang gaan-gaan ng loob ko sayo eh, birds of the same feather pala tayo eh. Joker na, maganda pa. Hashtag talented.”

Nagtataka man, sinubukan ko nalang sumabay sa tawa niya.

“Sa Northwood High ako nag-aaral, ikaw po?”

“Sa Northwood din.”

“Yey! Buti naman at pareho tayo ng school! Madalas na tayong magkikita at magha-hang out. Anong grade ka na po?”

“Grade 12 na’ko, ikaw ba?”

“Ayy, grade nine pa ako eh. Pero grade 12 ka na po? Di ba kayo classmate ni kuya?”

“Bakit? Sino ba’ng kuya mo?”

“Francis Lucero, pero mas kilala siya bilang Sid.”

Napakamot nalang ako dahil ang totoo, di ko naman talaga kilala yung mga classmate ko.

“Ah ganun ba. P-parang di ata eh.”

“Di bale. Nga pala ate Iris, andun sa bike mo yung mga pinamlengke mo kan—”

Napatayo ako matapos marinig ang word na ‘palengke’. Lagot ako kina tita nito! Tiningnan ko yung suot kong wristwatch at nakitang alas-tres y media na kaya naman dali-dali akong nagpaalam kay Myrtle.

“Ah sige po. Sa uulitin ha ate! See you in school bye!”

Kinawayan ko nalang siya sabay padyak sa bisekleta ko.

Lagot talaga!

My Psychometric GirlWhere stories live. Discover now