Nicole's POV
Almost a month ng matapos ang kasal ni Lucas at Lara ay wala ng balita si Nicole about kay Seth, buti nalang at walang binabanggit si Seth sa mga kaibigan nito, ayaw niyang malaman pa ni Lucas ang nangyari sa kanila ni Seth, Halos di pa rin siya makahanap ng trabaho, kung hindi siya overqualified eh kulang naman sa experience ang sinasabi sa kanya, yung iba eh gusto siyang kunin pero may pagkamanyakis ang titig sa kanya kaya di niya tinatanggap, ubos na ubos na ang ipon niya, bayad sa upa at sa paglabas niya araw araw, nahihirapan na siya kelangan na niyang makahanap ng trabaho sa mas madaling panahon, iniisip niyang mag aapply sa kompanya ni Lucas, for sure magkakatrabaho siya agad.Lulunukin na niya ang kanyang pride para sa kailangan, nung nagkamustahan sila ni Lucas nung nagusap sila minsan ay nagdahilan siyang may trabaho siya.
Napapansin niyang antukin siya madalas ngayong nagdaang araw, dahil siguro sa pagod sa paghahanap ng trabaho, agad siyang pumunta sa banyo para magprepare, binuksan niya ang cabinet para kunin ang tootbrush niya at nakita niyang di nagalaw ang mga napkin niya sa gilid, Napaupo siya sa toilet bowl, hindi siya pwdeng buntis, huwag ngayon, andami na niyang problema.
Delayed na siya ng almost two months, normal sa kanya na minsan delayed pero bakit kabado siya ngayon.. Ayaw niyang magpanic kaya hihintayin niya ngayong buwan kung datnan siya. Huwag naman siyang buntis un ang panalangin niya, halos magtwotwo months mula nung may nangyari sa kanila ni Seth at isang beses lang yun nangyari.
May kanya kanya na silang buhay, maayos na lahat ayaw na niyang maugnay pa dito, Huminga siya ng malalim saka nagtuloy sa pagaayos ng sarili dahil mag aaply siya ulit ngayong araw.
Seth POV
Si Seth ay kasalukuyang nakikipagusap kay Juliet ng dumating ang kanyang ina, may bago na itong secretary, mabait at medyo may edad." how's Nicole?" tanong ng mama niya ng makaalis si Juliet kasama ang bagong sekretarya nito saka umupo sa sofa sa gilid ng office niya.
" mama, I don't know wala akong pakialam sa babae na yun" sagot niyang naiinis.
" so after what you did? eh di mo inalam kung buntis si Nicole?!" sumbat ng mama niya.
Natigilan siya sa narinig, imposibleng mabuntis si Nicole once lang un pero wala siyang ginamit na protection, kay Rhianna at other girls ay gumagamit siya regularly.
" I want you to check on her, Kung ok siya I will not bother you again about her, ikaw ang nang aggrabyado sa tao" utos ng mama niya.
" mama, bakit ba panay ang tanong mo sa babaeng yun, don't tell me pati ikaw eh naloko niya na din."
" No, I like Nicole kaya ako nagtatanong, just check on her and give me an update, hindi kita pinalaking maging ganito, so please give me a peace of mind." madiing sabi ng kanyang mama.
" ok, I will let my investigator check it para matapos na eto mama, sasabihan kita."
" I will be waiting Seth." At umalis ito kasama ng kanyang bagong secretary.
Dumagdag pa sa stress niya ang utos ng kanyang ina,
kaya tinawagan niya ang kanyang private investigator para ipachek si Nicole at para na din sa ikakatahimik ng mama niya.Nicole's POV
Di na naman siya tanggap sa trabaho, naupo siya sa upuan sa park malapit na dinadaanan niya, pagod na siya sa kalalakad at ang init pa ng panahon, nangasim ang sikmura niya pagkakita sa nagtitinda ng mangga kaya agad siyang bumili at kumain, sarap na sarap siya kaya bumili pa siya ng ilan para iuwi sa apartment niya.Di na niya afford ang pagtaxi kaya nagjejeep na siya kahit hirap, halos patong patong na ang problema niya. Lumipas na rin ang dalawang buwan na di pa rin siya dinadatnan, kaya para mawala ang kaba niya ay nagpachek up siya sa isang clinic na nakita niya malapit sa apartment niya at confirm nga, two months na siyang buntis! pano na to, wala pa siyang trabaho, napaiyak siya sa toilet ng clinic na yun, sobrang karma na ang nangyayari ngayon sa kanya, paano na sila na anak niya. Gulong gulo na ang kanyang isip at wala na rin siyang budget.
Nung last time na nag meet sila ni Catherine eh eto pa nga nanglibre sa kanya, Sinabi niya lahat dito, from end to end. Nagtampo si Catherine sa kanya dahil sa mga maling decisions niya pero still full support parin ito sa changes ng buhay niya. At ngayon naman ay may isa pang tao na kelangan niyang buhayin.
Di na siya makaisip pa ng ibang paraan para magkatrabaho at Pag uwi niya sa apartment ay agad siyang nahiga, nakatulala siya sa kisame at nakatulugan niya eto.
The next day ay halos wala siyang ganang lumabas, hinimas niya ang kanyang impis na tiyan, di maiwasang tumulo ang kanyang luha dahil di niya alam kung pano aayusin ang kanyang buhay. Halos Dalawang araw siyang mgmukmuk sa kanyang apartment.
Kinaumagahan habang nagluluto siya ng kanyang pang agahan at biglang nagring ang kanyang cellphone. sinagot niya eto.
" Hello Nicole, available ka ba bukas? may modelling job na offer sayo para sa isang local brand, mga skinny jeans ang imomodel mo, ok ka ba?" tanong agad ng baklang agent niya.
" oo, ok na ok ako, isend mo ung address at oras para makakapunta ako" galak niyang sagot.
" irerecomend sana kita sa bagong labas ng bathing suit ng din nila, malaki offer nila ngayon sayo para sa pagmodel mo ng dalawang bathing suit nila, mag oo ka na!" payo nito.
" sige papayag na ako" sagot niya agad, susunggaban na niya, sa dami ng gastusin niya at wala pa siyang trabaho eh wala na siyang pagpipilian.
" hay salamat naman at sa wakas ay pumayag ka na! kung noon pa ka pumayag sa mga ganitong modelling eh baka sikat ka na ngayon" dagdag pa nito.
" oo na nga pumapayag na ako, pero sa mga susunod eh pag isipan ko pa, kelangan ko kasi ng pera ngayon." paliwanag niya.
" hay naku, basta bukas hintayin kita, isesend ko address alam ko namang di ka malalate." sabi nitong maarte, bakla kasi ang agent niya.
Susunggaban na niya ang offer nito, mas ok na to na gagawin niya dahil wala na siyang kelangan pang lokohin, lakasan niya lang loob niya para sa pagpapakita ng katawan.
Nawalan siya ng ganang kainin ang niluto niyang pagkain ang kinain niya ay ang mangga na nasa mesa niya at natulog ulit, saka na niya iisipin ang kung kelan niya sasabihin sa pamilya niya na buntis siya pag medyo malapit na sigurong lumaki ang tiyan niya, kelangan ngayon eh mas doble ang trabaho niya dahil may dagdag responsibilidad pa siya.
Seth's POV
Tinitingnan naman ni Seth ang report na binigay ng private investigator na hinire niya, ayon sa nakasulat ay nagresign si Nicole sa trabaho at naghahanap ng trabaho ngayon, pero wala pang bagong trabaho, may picture din na kagagaling nito sa isang clinic, buntis kaya eto?, sa kanya kaya ang pinagbubuntis nito kung sakali?, baka hindi?, binasa niya nag ibng report at nakasaad doon na nagpapartime modelling ito pero puro lang mga damit, may papel na nakasulat ang next na schedule ng modelling nito at nakasulat doon na may kasamang swimsuit na imomodel nito, ewan ba niya pero parang nagagalit siya na magpapakita si Nicole na katawan, May pamilya ito na nasa cavite, ang ina nito at dalawang kapatid higit doon wala na.Kelangan niyang malaman kung buntis ito, kelangan niyang makausap ito sa mas madaling panahon. He hates na si Nicole ang magdadala ng kanyang anak, ang babaeng sumira ng relasyon niya, sumakit ang ulo niya sa pag iisip nito. Mas mauugnay siya dito pagnagkataong buntis nga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/185515956-288-k984596.jpg)
BINABASA MO ANG
Take a chance with me
RomanceSeth is one of the richiest bachelor in the country, he loves to play with girls at walang sineseryoso pero ng makilala niya si Rhianna ay nagbago ang lahat, naging seryoso siya dito pero iniwan siya ni Rhianna dahil sa kagagawan ni Nicole. Ambisyos...