" Seth Castillo, next week if possible pag isipan mo ng mabuti, I can give you the promotion right away pag alis na pag alis ni mrs. Reyes , mas tataas ang sweldo mo, better benefits, like company car and some paid trips with your family twice a year" mahabang paliwanag nito.
" Pano pag di maging succesful ang plano mo?"
" well, I will still give you the promotion" sabi nito na parang sinisigurado ang lahat.
" let me think about it, I will call you on monday in the morning pag nakadecide na ako." sagot niya.
" that's nice to hear, one more thing pag payag ka na eh I will give you two weeks paid leave para makapagtrabaho ka na agad doon." pahabol nito.
Umupo siya sa kanyang table, pinag iisipan niya ang offer nito, very tempting dahil makikipagflirt lang naman siya dito, pero hindi niya alam kung pano dahil never pa naman siyang nakipagdate. Iniisip niya ang promotion at ang importente eh makuhanan silang very close or kissing but she was never been kissed, kaya niya kaya? kaya niya bang makipagflirt eh wala naman siyang karanasan doon mas lalo tuloy lumalim ang pag iisip niya sa dahil doon.
Ginogoole niya ang Seth Castillo at lumabas nga sa google ang profile nito, nakaimpressive ang profile nito at higit sa lahat ay nakapagwapo, halos di siya makakurap pagkakita sa mga stolen pictures nito, may mga ibang pictures na may kasamang babae, iba iba mukhang playboy nga.
Kakayanin niya kayang sumira sa relationship ni Seth Castillo na ito, pero according to brian eh si Seth ang sumulot sa girlfriend nito. Alam niyang players ang mga ito kaya hindi malayong nakuha nito ang babae ng walang kahirap hirap, lalo na at higit na gwapo at makapangyarihan si seth kesa kay brian, sinasabi niya sa sarili na di naman niya sisirain ang relasyon ng mga eto at nasa babae talaga pag maniniwala sa kanila. Maybe very beautiful ang babaeng eto at pinag aagawan nila.
Umuwi siyang mas lalong napapaisip, buti nalang Sinundo ni Rex si Catherine kaya hinatid nila muna siya bago umuwi ang mga ito.
Wala siyang modelling offer ngaung weekend kaya binabad niya sa sarili sa pag aayos ng apartment niya, paglalaba at paglilinis, halos di siya mapakali sa pag iisip sa offer nito. Lumipas na ang mga araw at lunes na ngayon, halos di siya nakatulog ng ilang araw dahil doon, agad niyang tinawagan ang secretary ni Brian, ang boss niya, agad namang sumagot si brian ng alam na siya ang nasa kabilang linya. Bahala na pero sige susubukan niya.
" pumapayag na ako sa usapan natin, gagawin ko ang usapan natin in return sa offer mo." ani niya.
" great! sobrang salamat, isesend ko sayo details ng plans natin, I'm sending you now so you can check your email later."
" ok, send to me so that I can prepare." sabi niya at binaba ang phone.
Pagtingin niya sa oras ay alas otso palang kaya naligo siya agad at saka binuksan ang laptop, nasa email nga niya ang mga sinend ni brian.
Mag aaply siya as a temporary secretary ng mama ni seth, naghahanap ng mama ni seth ng temporary secretary at un ang aaplyan niya, may nagawa na ding resume niya at recomendation later, talagang pinaghandaan ni brian lahat. Agad niya itong prinint at nag ayos, nakaformal suit siya at as always sophisticated nag itsura niya, magaling siyang magdamit at bagay sa kanya lahat.
Agad siyang nagtaxi at pumunta sa address na binigay ni brian sa kanya, ang taas ng building na nabungaran niya paglabas niya sa taxi, pagpasok niya ay talagang luxurious lahat. Lumapit siya sa reception area.
" Are you an applicant for the position as a secretary for Mrs. castillo?" tanong nito.
" yes I am, where is the interview?" sagot niya, alam siguro ng receptionist na applicant siya dahil wala siyang id gaya lahat ng pumapasok.
" 6th floor, room 607" sagot nitong pormal.
"thank you" ngumiti siya.
Wala ng atrasan, andito na siya, panindigan na niya.
Pagpunta niya sa room ng sinabi ng babae ay may iba ding applicant, mga tatlo at pang apat siya. Umupo siya sa gilid, mga thirty minutes din ng siya na, binigay niya ang kanyang resume sa babae at pumasok ito, after five minutes eh pumasok na siya.
Si Mrs. Castillo pala ang mag iinterview, so far ok naman lahat, napakabait nito at parang naimpress naman sa kanya.
Pag uwi niya ay agad tumawag si brian kaya sinabi niya ang kanyang report at nagtext naman si catherine hinahanap siya, ang haba ng message nito, nagrason siya na kelangan niya ng rest para sa pamilya niya kaya siya nag leave konti, ayaw pa niyang sabihin ang pinapagawa ni brian sa kanya, lalo na at personal ang hiling nito.
Kinabukasan ay tumawag ang HR ng company nila seth at tanggap siya sa work, pinapapunta siya ng hapon para sa orientation dahil mgiistart na rin siya agad the next day.
Tumawag siya kay brian at agad nag ayos ng sarili saka pumunta na sa building nila seth.
" congratulations iha, jus call me Annie, anyway si juliet ang mag oorient sayo ng ibang job mo dito, Kelangan kita tuwing Monday and friday only, may sarili akong office sa bahay kaya doon tayo during those days, during tuesday to thursday eh kay seth ka magwowork so you will stay here to help juliet kasi masyadong marami inaayos si juliet so she needs help mostly pag kelangan ni seth someone during meeting or something." paliwanag nito.
" thank you mam annie, pero may I know kung bakit temporary lang hinahanap niyo na secretary?" tanong niya.
" well, magreretire na ako sa end of this year, ayaw na ni seth na magtrabaho pa ako kaya pumayag na ako dahil kaya naman na niya, I'm just holding some business pero di na yung mga big projects, mga maliit lang."
" thank you mam annie for giving me this opportunity" saad niya.
Ngumiti ito, matanda na pero halatang maganda pa rin at very elegant.
Masaya ang orientation niya dahil mabait si juliet kahit stress sa boss nito. Mostly siya ang mga paper works at si juliet naman sa scheduling ni seth at appointments, kaya almost nasa phone eto parati.
Hindi pa sila nagkikita ni seth dahil nasa Japan daw ito for a new project, bukas pa ang balik nito kaya ok lang naman sa kanya.
Nagimpake siya ng mga gamit niya dahil kelangan niyang magstay at magpahinga sa guestroom nila seth sa bahay nila pag kay mam annie siya na days, un ang sabi ni mam annie kaya relaxing siguro work niya, lalo na mukhang mabait din si mam annie.

BINABASA MO ANG
Take a chance with me
RomanceSeth is one of the richiest bachelor in the country, he loves to play with girls at walang sineseryoso pero ng makilala niya si Rhianna ay nagbago ang lahat, naging seryoso siya dito pero iniwan siya ni Rhianna dahil sa kagagawan ni Nicole. Ambisyos...