Chapter 5

637 13 1
                                        

Maayos naman ang buong linggo na pagtrabaho niya as a secretary ni seth at mama nito, napakabait ng ginang sa kanya, ang gaan din ng loob niya dito at maayos din na boss si seth, naghihintay siya ulit ng isa pang pagkakataon para mas intimate pa ang kuha nila mas kapaniwalang paniwala na nagloloko si seth, un ang hinihintay niya, nakononsensya siya minsan dahil sa pakay niya pero binabalewala nalang niya.

Kelangan niya ang promotion na eto, kaya dun siya dapat magconcentrate. Ngaung weekend eh may modelling siya pero saglit lang, kaya nang natapos ay nagmeet sila ni catherine at nagkwentuhan, di naman nag usisa pa eto sa pagleave niya sa trabaho at pag uwi niya ay tinawagan niya naman ang kanyang kapatid, maayos naman ang kanilang ina at maayos din ang pag aaral ng dalawang kapatid niya.

Nagiipon siya para sa opera ng nanay niya ganon din sa tuition fee ng mga kapatid niya, buwan buwan simot na simot ang sweldo niya pero ok lang basta maayos ang ina at mga kapatid.

Lunes ngayon at usual maaga siyang pumunta sa bahay nila seth, di na siya nagdala ng mga gamit papunta doon dahil nagiwan na siya ng konting gamit niya sa guest room doon last week.

Pagpasok niya ay nabungaran niya si mam annie at seth na nagbrebreakfast, niyaya siya ni mam annie na makisabay sa mga ito, di na siya tumanggi at kumain na din siya.

" mama, I think it's time na makilala mo na si rhianna, dadalhin ko siya dito pagbalik niya from cebu, magugustuhan mo siya for sure." saad ni seth sa ina.

" It's up to you son, I'm willing to meet her" saad ng mama ni seth na mukhang di naman excited.

Di siya nakikialam sa usapan ng mag ina, pagkatapos ay umalis na si seth, napakagwapo nito sa slacks at coat nito, nakasuot naman siya ng black na dress na medyo hapit at walang manggas kaya kitang kita ang kaputian ng braso at binti niya dahil above the knee.

Nasa office na sila ni mam annie sa bahay nila seth pero parang matamlay ito.

" ok lang po ba kayo mam?" tanong niya.

" I'm ok, naiisip ko lang ung girlfriend ni seth, ngayon lang nagseryoso sa relasyon ang anak ko pero I don't know at hindi ako panatag sa girlfriend niya." paliwanag nito.

" mukha naman pong marunong mamili sir seth, for sure eh maayos na babae un." sabi naman niya.

" sana, alam mo bang I like you for my son, napakagaan ng loob ko sayo, kaya ikaw ang napili ko sa lahat ng applicants." sabi nitong nakatingin sa kanya.

" salamat, pero nandito lang po ako as a secretary niyo." utal niyang sagot.

" I know, but I don't believe na hindi attracted ang anak ko sayo, do you find seth handsome?."

" worker niyo lang po ako kaya di ko po iniisip ang mga ganong bagay saka I'm  sure magugustuhan niyo din ang girlfriend ni sir seth." paiwas niyang sagot.

" mas nagugustuhan kita iha dahil professional ka when it comes to work baka pag sa ibang babae ko tatanungin yun eh agad silang mag aask kung pano nila makukuha seth."

" salamat po mam annie sa tiwala niyo po sakin." sabi niyang nakangiti.

" ayusin na nating ang mga reports natin para makapagpahinga na tayo." sabi ng ginang at hinarap nito ang mga papeles sa nasa harapan nito.

Nagulat siya sa sinabi ng ginang, pero mas may rason na siyang tapusin ng mas maaga ang pakay niya, di bale bukas ay sa office siya ni seth kaya sana siya ulit ang dalhin sa mga meetings nito sa labas.

Maaga siyang pumasok kinabukasan dahil siya ang nagpreprepare para sa mga papeles na pipirmahan at babasahin ni seth, pagkalatag niya eto sa mesa ni seth ay agad naman siyang naupo sa mesa niya sa labas ng office nito.

Maya maya ay dumating na ito at bumati pa sa kanya, bumati naman siya pabalik, ng makapasok na ito sa office nito ay napangiti siya, ewan ba niya ganito ba siguro ang magkacrush, dumagdag pa ang pinag usapan nila ng mama ni seth kahapon...ilang taon na siya pero parang ngayon lang siya humanga sa lalaki at un ay si seth, kelangan niyang patayin ang damdamin para dito, mas madali siyang makaalis kung matatapos agad ang misyon niya.

Tumawag ito sa intercom at nagpapasabing may meeting ito sa isang hotel, siya ang isasama kaya dapat ay magawa na niya ng mas maayos ang plano.

Naglalakad na sila sa parking lot at medyo nauuna eto sa kanya, pinagbuksan pa siya nito ng pinto at kahit nagulat siya ay nagpasalamat nalang siya at ngumiti.

Alam niyang nasa tabi tabi lang ang photographer kaya dapat eh magmukhang nagdadate sila kaya medyo binabagalan niya ang kilos.

Nang nasa parking na sila ng hotel na may meeting ito ay hinintay niya ulit na pagbuksan siya ng pinto, hindi nga siya nabigo at binuksan ang pintuan niya.

Akmang tatayo na siya ay kunwaring natapilok siya kaya agad namang umalalay si seth, hinawakan siya sa bewang at humawak naman siya sa balikat nito, nagtama ang kanilang mata at ang tagal nila sa posisyong ganon, ewan din niya kung bakit naeenjoy naman niya ang pagdidikit nilang iyon.

" are you ok? may masakit ba sa iyo?" tanong nito.

" medyo masakit ung paa ko, medyo mataas kasi ung heels ko ngayon, pasensiya na medyo clumsy ako minsan" sabi niya, nagsinungaling siyang masakit ang kanyang paa. Pinaupo siya konti nito sa sasakyan.

" gusto mo bang pumunta sa hospital?" tanong pa nito.

" naku huwag na, kaya ko to. maya maya ok na din ang paa ko." sabi niya agad, kelangan na niyang magawa lahat ngayon.

" so you think you can walk normally?, huwag mo nang pilitin kung masakit."

" kaya ko, tara na po sir para di po tayo malate. "
sabi niya at tumayo.

Tumingin ito sa kanya, mukhang di naniniwala ang itsura saka siya inalalayan, nakahawak siya sa nga braso nito kaya mukha silang couple na pupunta sa hotel, Nakangiti siyang naglakad papasok sa hotel.

Almost an hour yung meeting pero wala namang masyado itatake note dahil pirmahan lang ng contracts, after nun eh naiwan ulit sila.

" we can have lunch here before we will go back to the office" sabi nitong nakatingin sa kanya.

Tumingin din siya dito at tumango. " thank you sa pag assist sakin." sabi niya.

Halatang nagpipigil itong halikan siya, kaya siya na ang naglapit sa kanyang mukha, kahit di niya alam humalik ay ginalaw niya ang kanyang labi at agad namang tumugon ito sa kanya, medyo matagal ang halik nila at natauhan lang siya ng si seth ang tumigil.

" sorry" sabay tulak siya kay seth, nahihiya siya sa kanyang ginawa pero she knows for sure na nakakuha na siya ng sapat na pictures ung photographer. Nagexcuse siya at pumunta sa toilet, kinuha niya ang kanyang bag para makapag ayos.

Take a chance with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon