Binigyan siya ng trabaho ni Lucas, accountant sa Human Resources department ng isang kompanya nito. Tanggap naman siya ng lahat at di mahirap ang trabaho niya. Mababait sila at lahat at masiyahin kaya ok siya sa trabaho niya. Masaya din siya, bagong office, bagong workmate at kaibigan.
Isang linggo na rin siyang nagtratrabaho at nakibasado niya naman lahat, iniisip niyang umuwi sa weekend para mabisita ang pamilya niya at makita rin ang kanyang ina, kulang pa ang kanyang ipon pero baka pwede na niyang maipaopera ang nanay niya sa mga susunod na buwan, doble din kasi sweldo niya dahil na rin kay seth, alam ng lahat na buntis siya pero di niya sinasabi ang ama, wala namang naglalakas loob na magtanong sa kanya.
Hatid sundo siya ng driver ng mama ni seth, kaya malaking ginhawa din sa kanya, medyo may umbok na rin ang kanyang tiyan kaya very excited ang mama ni seth na magshopping sila ng damit niya.
Ginugugol naman ni Seth ang sarili sa trabaho, oo masaya siya na magkakaanak siya kaya sinasabi niya sa sarili na ginagampanan niya lang pagiging ama sa anak niya. Pero hanggang ngayon ay di niya mapatawad si nicole.
" hindi mo man lang ba bibisitahin ang mag ina mo?, hindi mo man lang ba dinadalaw sa department niya si nicole?, baka naman subsub siya sa trabaho, aba ang apo ko!" saad ng ina, bigla itong sumulpot sa office niya.
" mama, ok lang siya, alam kung aalagaan niya ang sarili niya saka siya ang mapilit na magtrabaho." sagot niyang matabang. Parati nalang siyang kinukulit nito dahil kay nicole.
" hindi sa pinapangunahan kita pero isipin mo ang ang future ng anak niyo, wala ka bang balak pakasalan si nicole?"
" mama, that's too much, hindi ko papakasalan si nicole." tugon niyang madiin.
" well, it's up to you pero ayaw mo ba ng kumpletong pamilya?"
" not with her" sabi niya. Lalong umiinit ang ulo niya dahil nga pangungulit ng kanyang ina.
" sana subukan mong pakisamahan si nicole, alam kung may mali siyang nagawa sayo pero may nagawa ka ring masama sa kanya, sa ayaw at sa gusto mo eh nasa tiyan niya ang anak mo" pangaral ng kanyang ina.
" pero mama, gold digger siya, gagawin niya ang lahat dahil sa pera!, ni hindi na natin alam kung anong klaseng pamilya meron siya!."
" bakit hindi ko paimbistegahan?, kung di mo siya ginalaw eh hindi ka magkakaanak sa kanya, hindi kita pinalaki para maltratuhin ang mga babae, I like nicole at naiintindihan ko ang mga pagkakamali niya."
" It's ok if you don't want to marry her pero for the sake of your child, itry mong maging civil kay nicole" payo nito.
Naiwan naman siyang napapaisip, kelangan din ni nicole ang suporta niya emptionally pero kaya niya bang maging mabuti dito, tuwing tinitingnan niya ito ay naalala niya si rhianna. Pinilig pilig niya ang kanyang ulo ayaw niyang isipin si nicole.
Tinapos niya agad ang kanyang trabaho dahil Magkikita sila ngayong magkakaibigan sa bar, friday night kaya lahat sila eh available ang wala lang ay si lucas, he heard na magiging dalawa na ang baby nito.
Pagpasok niya ay nandoon na sila, kwinento niya na magkakababy sila ni Nicole, nagulat naman ang lahat.
" Nicole? you kapartner mo nung wedding? wow bro good for you, congrats, ikaw na rin ba susunod na ikakasal?" saad ni marco.
" no, I still love rhianna" sabi niya.
" ganyan din si Lucas nun, nagsimula sa baby" sabi naman ni Greg at nagtawanan silang lahat.
Hindi ang klase ni Nicole ang gusto niya, gagawin lahat para sa pera, walang konsensiya, baka nga may gagawin pa to pag lumbas na ang bata kaya nagpapagawa na siya ng contract sa attorney niya. Ayaw niyang maisahan ulit nito.
Nagpakasaya sila sa pag inom buong gabi, at sa huli eh umuwi na may mga kasa kasamang mga girls.
Dinala niya ang isang babae sa hotel and he's ready pero bakit parating mukha ni Nicole ang nasa isip niya, hinahanap ng katawan niya ay ang katawan ni Nicole. Hindi niya kayang makipagtalik dito kaya Iniwan niya ang babae at umalis.
Masaya namang nakauwi si nicole sa bahay nila, agad siyang inalalayan ng mga kapatid, buti nalang at nagsisikap din ang mga kapatid sa pag aaral kaya tuloy tuloy ang pag aaral nila. Maayos din ang nanay niya, tuloy tuloy pa rin ang gamot kaya maayos ang lagay.
" medyo tumaba ka yata ate" puna ni Nika sa kanya, first year college at business administration ang kinukuha nito, tahimik lang naman ang kanyang kapatid na si Marlon.
" ganon ba, masarap ang pagkain sa bago kung trabaho kaya napapakain ako ng madalas" sabi niya.
" mabuti yun anak, huwag mong pabayaan ang sarili mo, saka huwag kang papaloko doon." sabi naman ng kanyang ina.
" huwag kayong mag alala sakin nay, kaya ko ang sarili ko" pasinungaling niya, hindi pa siya handa para sabihin ang kanyang pagbubuntis, mas masahol pa siya sa kanyang ina, walang boyfriend pero nabuntis.
Maayos ang dalawang araw na dalaw niya sa kanila, Pinasyal niya ang mga ito sa mall at naggrocery ng mga stocks nila saka sila nagsimba ng linggo at pabalik na siya sa bahay nila Seth, nagcommute lang siya dahil ayaw niyang paghinalaan pa siya ng kanyang pamilya, naiintidihan naman siya ng mama ni seth kaya pinasundo siya sa terminal ng bus pagdating niya sa manila.
Napagod siya sa biyahe kaya agad siyang nagpahinga. Walang tao sa bahay dahil may pinuntahan ang mama ni seth, wala naman siyang contact kay seth pero siguro maayos lang un.
Seth' POV
Gusto pa ni seth nga mahaba habang tulog kaso ring ng ring ang kanyang phone, ayaw niya sanang sagutin pero pagkakita niya sa caller id ay si rhianna, sinagot niya naman eto, gusto nitong makipagkita kaya pinagbigyan niya.Pagpasok niya sa restaurant ay nakita niya agad si rhianna, habang palapit siya dito ay wala siyang nararamdaman, di man lang siya naeexcite o kaya'y pagkamiss, parang nakalimutan niya ito agad.
" kumusta ka na? alam kung galit ka sa akin, gulong gulo kasi ang isip ko nung nasa cebu ako at si brian ay nandun naman kaya pinatulan ko siya, pero sigurado ako ngayon na ikaw ang mahal ko." paliwanag nito.
Hinawakan pa nito ang kanyang kamay pero wala talaga siyang maramdaman.
" I think we need to think about everything kung magkakabalikan man tayo" sabi niyang pormal.
" pero pwede bang bigyan mo ako ng chance to prove to you na ikaw talaga ang mahal ko?" tanong nito sa kanya.
" I will think about it, It's not easy pero sa ngayon eh magkaibigan lang muna tayo."
" naiintindihan ko, no pressure" sabi nito.
Tumango siya, at pinagpatuloy naman nito ang pagkwento tungkol sa kanya pero ewan niya kung bakit di siya interesado.

BINABASA MO ANG
Take a chance with me
RomansaSeth is one of the richiest bachelor in the country, he loves to play with girls at walang sineseryoso pero ng makilala niya si Rhianna ay nagbago ang lahat, naging seryoso siya dito pero iniwan siya ni Rhianna dahil sa kagagawan ni Nicole. Ambisyos...