Lumipas ang mga araw na trabaho nalang ang inatupag niya. Nag muni muni siya habang Nasa harap siya ng computer sa office ni mam annie sa bahay nila seth, napakaganda ng bahay nila at napakaluwang, pati ang guest room na gamit niya eh napakaganda din, kumpleto sa gamit at may bathtub pa. Di naman mahirap ang mga pinagagawa ni man annie sa kanya, mostly nag tatype ng mga report at letters, tatawag siya sa mga client or investors pag rescheduling ng meeting or delays, so far eh kayang kaya niya, kung sa office nila eh for sure tambak na tambak na ang work niya.
Ngaung gabi eh matutulog siya sa bahay nila Seth, at bukas diretso siya sa office nila Seth, kinakabahan siya pero kelangan niyang tibayan ang isip dahil umuoo na siya sa usapang ito, iniisip niyang sana matapos na lahat para di na siya magtagal dito.
Ayon sa ina ni seth, Minsan ay umuuwi daw si Seth sa bahay nila at minsan ay Condo nito, so naisip niyang marami siyang pagkakataon na gawin ang plano nila.
Kinaumagahan ay nagbihis siya ng pencil skirt na navy blue at blouse na white, mas lalong lumitaw nag figure niya, ngaun palang sila magmemeet ni Seth kaya pinaghandaan niya talaga.
Driver ni mam annie ang naghatid sa kanya, may id na din siya kaya nakakpasok na siya ng normal sa building nila, pagpasok niya sa office ni Seth ay naimpress siya, napaka masculine, black and white ang pintura at napakalinis, may sarili pang toilet at private room ang office nito, siguro pag pagod ito ay dito ito nagpapahinga.
Nilalatag niya ng paisa isa ang papers na kelangan ni Seth sa table nito, nakatalikod siya ng pumasok si seth.
" good morning, you must be nicole?" tanong nito.
Halos mahimatay siya sa kaba at humarap. Huminga siya ng malalim. This is it! sabi niya sa sarili.
" Good morning po sir, ako nga po si Nicole, temporary secretary ni mam annie" sagot niyang halos mautal utal siya sa pagsasalita.
Super gwapo pala ni seth sa personal, medyo wavy hair at medyo brown ang skin, ang tangkad pa nito.
Sa height niyang 5'6 eh halos maliit pa rin siya dito." I will leave you now sir, just call me if you need something" sabi niya at umalis.
Nakahinga siya ng maluwag ng makaupo na siya sa table niya, Never siyang nagkainteres sa mga lalaki pero bakit kay seth ay kabang kaba siya, never siyang naging ganito sa lalaki, siguro dahil sa misyon niya kaya siya nagkakaganito ngayon.
Pinikit naman ni seth ang kanyang mata, nicole was a hottie, habang nakatalikod ito kanina na may inaayos sa kanyang table ay kitang kita ang kurba ng katawan nito, baka attractive lang siya dito pero no! nagbago na siya, may rhianna na siya, he doesn't want to
ruin their relationship. Nagbago na siya, ayaw na niyang maging player ulit. Baka pag di siya seryoso ngayon sa kanyang relasyon at hindi nila eto employee ay baka agad niyang yayain si nicole for something.He misses his rhianna kaya agad niya itong tinawagan pero walang sumasagot, busy siguro ngayon sa business nila dun, umalis ito kahapon for cebu, baka isang linggo or more pa doon ito, di siya makasama dahil marami siyan meetings na naghihintay. He has the perfect girl un ang nasa isip niya.
Nagsimula na siyang basahin ang papeles at tinawag niya si nicole para ixerox ung mga ibang papeles.
Napakasarap ng ngiti nito sa kanya, minsan ay halos lapit na lapit na sila sa isa't isa, he feels it attractive din si nicole sa kanya, he might kiss his secetary pag di siya makapagpigil.
May meeting siya sa isang restaurant at si nicole ang isasama niya, halos di siya makaconcentrate dahil katabi niya si nicole at medyo open ang blouse nito, he can see part of her breast at nag iinit siya, pero pinipilit niyang magconcentrate.
Luminga linga naman si Nicole sa paligid, nakita niya ang photographer na pasikretong kumukuha ng picture nila, mas nilapit niya pa ang katawan kay Seth, sinadya pa niyang tinabig ang tubig niya ng matapos umalis na ang mga kameeting nila, nabasa naman ang long sleeve polo ni seth kaya kunyari siyang sa pagpunas ng polo nitong nabasa, sobrang kaba siya habang ginagawa niya ito.
Bigla namang hinawakan ni Seth ang kamay niya, natigilan siya at nagtitigan sila, tinititigan ni seth ang lips niya at di niya din maintindihan ang damdamin, bakit parang hinihintay niya ang halik ni seth, pumikit pa siya.
" are you ok? , I will justo go to the toilet to fix this" sabi nito at umalis na. Binitawan nito ang kanyang kamay.
Minulat niya ang kanyang mata, akala pa mandin niya eh hahalikan siya ni seth, at bakit nga ba siya nag eexpect?, agad naman siyang umupo ng maayos, ano bang nangyayari sa kanya. Bakit parang siya ang naakit.
Pagkapunas naman ni seth ang kanyang polo at mukhang di na obvious ang nabasa na part eh tumingin siya sa salamin, halos gusto na niyang halikan si nicole kanina, nag iinit siyang kasama eto, buti napigil niya pa ang sarili. Nirelax niya ang sarili saka lumabas at bumalik na sila sa office ni Nicole ng walang imikan.
Tinawagan naman ni nicole si brian pag uwi niya sa apartment niya pero walang sumasagot kaya tumawag siya sa secretary nito, nasa cebu daw si brian baka buong week na nandoon, ano naman kaya ginagawa ng boss niya sa cebu? pero sige ayusin niya nalang ng maayos ang misyon niya para bago matapos ng isang linggo eh nagawa na niya na baka ano pa mangyari sa kanila ni seth, nagiging jelly ang mga paa niya pag naglalapit sila, ayaw niyang mabali ang mga sarili niyang plano dahil sa lalaki. Pagkatapos nito ay alam niyang magiging maayos lahat, di rin sila magkikita pa. Yun ang isipin niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/185515956-288-k984596.jpg)
BINABASA MO ANG
Take a chance with me
RomanceSeth is one of the richiest bachelor in the country, he loves to play with girls at walang sineseryoso pero ng makilala niya si Rhianna ay nagbago ang lahat, naging seryoso siya dito pero iniwan siya ni Rhianna dahil sa kagagawan ni Nicole. Ambisyos...