Hello! Ako si POU. Maybe your android phones know me better. Ako yung pet na inaalagaan lang kung gugustuhin, papakainin ng kung ano ano, binibihisan ng parang pantanga lang na style at hinahayaang magkasakit all the time. Parati nga akong hinuhulog sa Sky Hop eh, nilulunod din sa Water Hop, at kahit may fear of heights ako, pinapalaro ako sa free fall. Imagine! Its so nakakalula like oh my god. Nakakastress!
Anyways, I appreciate din naman my masters of ceremony (AMO) kasi hindi ako naauninstallationabilitation (UNINSTALL). So fun talaga my life here in POU world. As in super saya like oh em jeeeee.
"Di mo ayam dahin sayo indi to matatain.."
Oh! Ang pangit ng boses ng singerita corales na to ah! Sintunado pa kay *toot* . Hahahaha.
"Hoy TAE! Ang pangit ng boses mo! Tunahimik ka nga't nakakasira ka ng araw ko.", eh nakakainis kasi eh. Bwi****.
"Che! Tumayemi ka na! Wayang batagan ng tyep!", sagot ng TAE na itatago natin sa pangalang Mimi (Milisa Mindusa).
"Gusto mo daspanin kita't ipakain sa Syberian Husky?", ewan ko kung kumakain yun ng tae. Hahahaha.
"Ito naman indi na mabeyo.", lukaret talaga to. Nakakairita na.
"Ahhhhhh. Si Jojo! Oh my Gosh!", sigaw ng mga TAENG DALAGA na sina Lulu (Lucia Lukban), Nene (Nenita Neri), Shasha (Shalani Shakol) at Tata (Talia Tan). Ito yung mga dalagang nagpapatira! At yung Jojo (Joel Jokno) namang yun, ang hilig tumira. Tirador kasi yung mukha. Tsk tsk. Ewan ko ba kung bakit hearthrob tong Jojo na to eh mas pogi pa ako sa kanya.
Actually ako yung pinakamayaman sa mundo kong ito. Yung pera ko lang naman ay 9999999999999. Hindi nababawasan at hindi nadadagdagan. Eh kasi, nakaCHEAT. Hahaha. Miami Cheat kasi ako! Hihihi xD (Alam kong waley, huwag ipagsigawan, nakakahiya.)
Well, may sarili akong kotse, swimming pool, play ground, soccer court, tennis court or for short may sports complex ako! Lahat ng yaman nasa akin na pero isa lang ang wala ako. . . . . . .
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ANG HIYAS NI INUYASHA!
Eh kasi naman naaadik ako sa mga palabas na ito. Nakakaluka ang mga super powers. To the highest maximum lebel. Hoo Grabe!
"Anong problema mo?"
"Ay anak ng taeng dinapuan ng sandamakmak na bangaw!", diyos ko naman kasi, parang horror lang tong TAENG to. Nakakashocking!
"Aray ko naman. Alam kong tae ako. Wag mo namang lagyan ng intensifyers!", sagot ng taeng bestfriend ko, si Lala (Lavi?a Lastimosa)
"Eh pano ba naman? Di ka man lang nagPM or nagstatus sa pangit mong fb o nagtweet sa akin sa precious kong twitter na darating kang Tae-na ka!", oops! Hindi yun profane! Tae-na yung sinabi ko.
"Ang bobo mo rin no? Wifi Zone tong mundo mo? Wifi Zone. Kala mo naman sinong mayaman eh di ka nga nakabayad ng bill mo sa internet connection eh.", aba lumalaban pa tong Taeng to ha. To the maximum level din to eh.
"Eh paano ba naman? Napakaabusado niyong mga TAE kayo, may rules na nga na no wifi during free time, only when everyone is working harder like holcim cement, eh napakatanga tangahan pa! Oh sino ngayon ang bobo? Ako o kayo?", segway ko.
"Eh, okey sorry na. Pagsasabihan ko yung mga taeng yun. So, please ibalik mo na ang Wifi dito.", pagmamakaawa ng TAE.
"Okey! But before that, tipunin mo muna ang mga Tae sa kaharian ko.", utos ko. Bukod kasi sa BFF ko ito, utusan ko rin siya.
For your info kasi, ako ang Presidente ng Republika ng POULIPINAS (yan yung tawag sa mundo ko). Ako ang may hawak sa lahat ng patakaran dito. Lahat ng TAE dito, mga poorita corales! Ako lang kasi ang mayaman dito.
Actually, laganap ang riot dito at isa sa mga dahilan ay ang mga Virgin virginang dalaginding. Mga Mutya ng KaTAEhan. Yan yung term ko sa kanila. Si Jaja (Jakilin Jacinto) 18 taong gulang at kakaDEBUT lang, si Gigi (Gizel Ginulaman), at NingNing (Ningreta Ningas), sila yung tinutukoy ko. Hindi masyadong maganda pero malakas ang mga appeal.
By the way, may mag-asawa ding lider ng Sanggunian ng mga Taeng Tanga Tangahan at Bobo Bobohan o STTTBB. Ang pangit ng mga miyembro pati yung lider na mag-asawang TAE. Si Bengbeng (Bengigna Benge) at Bongbong (Bongualdo Bongifacio). Hindi sila kasal kaya magkaiba ang epilyedo nila. Hahai, effort talaga akong ipakilala ang populasyon ng aking mga utusan.
"Toto (Tomas Torpio), Dodo (Doglass Dogstyle), Nono (Nonito Nonaire), halikayo!", at lumapit ang tatlong TAENG Sundalo.
"Ihanda ninyo ang social hall dahil kakain ako. Narinig niyo?", sabi ko.
"Sir yes sir.", sabayang pagbigkas nilang tatlo.
Maya maya, nasa social hall na ako mag-isa. Ang sad ng life ko. Super duper sad kasi Bitter ako. Bitter pa sa Ampalaya. Hahahaha :P
Imagine? Kahit isa man lang, wala talaga akong relatives dito. Iniwan nila ako when they already know my SECRET.
![](https://img.wattpad.com/cover/23837446-288-k537101.jpg)
BINABASA MO ANG
Si POU at ang mga TAE
HumorParati nating pinaglalaruan si POU. Pero ano kaya ang istorya niya?