Prologue

211 58 57
                                    

"Bilis, doon sa tent!" sigaw ko habang hingal kabayo kaming tumatakbo, patungo sa tent ng aming Head Organizer, upang agad ipaalam sa kanila ang nakaambang na panganib sa buong team.

"Kailangan nating magmadali, bilis!" tili ko sa nahuhuling sina Rutch at Nesa.

"Kailangang makaalis agad tayo sa islang ito. Bago pa tayo mahawa sa mga ulol na iyon!" turan naman ni Rutch habang inaalalayan ang nang hihinang si Nesa.

Pagkuwa'y, minabuti ni Jhaizee na unahan na kami sa pagtakbo. Nang marating na nga niya ang tent agad niyang tinawag ang H.O.

"Sir, Sir?" sabay hawi pa nito sa tarangkahan at buong nginig na napatili ng makita ang hinahanap nito. Gimbal itong na pasigaw ng

"Siiirrrr!"

Kaya naman, awtomatikong binitiwan ni Rutch si Nesa at patakbong sumugod kay Jhaizee. Matapos ay mabilis niyang pinulot ang may kalakihang kahoy na nasa sa tabi. Pagkuwan ay walang habas na humugot ng malakas. Saka walang takot na nagpakawala ng sunod sunod na malulutong na hampas sa ikinatili ni Jhaizee.

Malakas niya itong hinataw hanggang sa masiguro ni Rutch na wala na ngang buhay ang mabangis na nilalang na nasa loob ng tent.

Nang malapitan ko ito't mapagsino. Nanlaki ang mga mata ko at nasuka sa nakakahindik na itsurang inabot ng infected na tao. Warak ang ulo nito habang nagkalat naman ang mga dugo na may halo pang lasog lasog na utak sa loob ng tent.

Sa tindi ng lansa at baho nito'y Halos malunod ako sa nakakasulasok na amoy. Hindi ko makaya ang amoy nito. Maging pagtakip sa ilong ko'y hindi sapat para ibsan ang tindi ng baho.

Halos maputol ang paghinga ko habang napapa-atras palabas. Matapos ay napabagsak balikat sa kadahilanang, masakit man isipin. Ngunit wala na ang inaasahan naming si Sir Jayvee. Dahil maging siya'y tuloyan na rin palang naging zombie.

'Paano na kami ngayon?' na-iiyak kong pag-iisip.

"Aaahhhh!" hiyaw na nagpawaglit sa aking pag-alala at agad kaming napalingon sa may-ari ng boses.

Doon bumulaga sa amin ang mga gutom at nagkukumpulang mga kasamahan namin, na ngayo'y infected na rin gaya ni sir Jayvee.

"Waaahhhhgggrrrr!" ungol nila at nagsidumogan na papalapit ang mga mabangis na ulol.

Habang si Nesa ay kasalukoyan na ngang paika-ika sa pagtakbo papunta sa kinaroroonan ko.

Agad akong naghanap ng pamalo. Pagkuwa'y, nagkatinginan kami ni Rutch. Matapos ay suminyas siya't magkasabay na nga kaming sumugod sa mga ulol na zombie.

"Jhaizee! Nesa! Bilis umakyat na kayo sa punong kahoy, bilis!" hiyaw ni Rutch habang kaming dalawa ang siyang humarap at humarang pansamantala sa mga infected na mga zombie. Habang si Jhaizee at Nesa nama'y atubili na sa pag-akyat sa ligtas na bahagi.

Sa aming apat. Kami ni Rutch ang may tapang na makipag sagupaan at basagan ng bungo sa mga zombie na ito.

"Mican, Rutch dumadami na sila. Umakyat na rin kayo dito. Hindi n'yo na kakayanin pa, ang iba pang paparating na mga infected." nahihingos na sigaw ni Jhaizee.

"Umakyat na kayo bilis!" sigaw naman ni Nesa.

At nang lingonin ko ang paligid. Nagkalat na nga ang mga zombie.  Habol hininga na rin kami, sa sobrang pagod. At dahil na-uubusan na rin kami ng lakas ni Mican, kinailangan na naming umatras at umakyat na sa kinaroroonan ni Nesa at Jhaizee.

"Rutch takbo, bilis!" sigaw ko at nag-unahan na nga kami sa pagsampa sa malalaking sanga ng puno kahoy...


Paano ba nag-umpisa ang lahat? Saan nga ba galing ang mga zombie? Alamin dito sa kwentong napupuno ng aksyon, kaba at kapana-panabik na tagpo. Dito lang sa Mutation Infection- The Invaders
____________________________________

Writer's Note:

Hi to you! Hope you support my story po. By hitting the ⭐ and leaving your reaction regarding with my works! At kung hindi Po kalabisan. Pwede Po bang e share n'yo na rin Po? Salamat ng malaki po. 😊

Mutation Infection - The Invaders [ Completed]Where stories live. Discover now