Mican's POV_
NAPAPALINGO na lang ako sa inakto ni Jhaizee. Ewan ko kung matatawa ba ako o babatukan ko siya sa pinagsasabi niya."Jhaizee tama na, wala kang mapapala d'yan." awat ko na.
"Mukhang nalipasan na iyan ng gutom ah." natatawa pang aasar ni Rutch.
"Pwede ba tigilan mo ako. Baka kagatin kita d'yan, eh."
"Na uulol ka na nga" pang-aasar pa nito lalo.
Habang si Nesa naman ay may nirurorok sa may kalayuan.
"Nesa, okey ka lang ba?" tanong ko ng mapansin kong may pilit siyang tinatanaw.
"Guys may paparating"
"na ano?" si Jhaizee.
"na mga tao. Ayon oh." Sabay turo niya sa may kalayuan. Kaya lumipat kami ng pwesto. Para makita ang pinagsisino niya.
"Oo nga. May paparating nga."
"Mukhang sila iyong naghatid sa atin 'di ba?" alala ni Rutch sa mga taong in charge sa yating sinakyan namin.
"Oo nga. Sila nga 'yon. Humingi tayo ng saklo." si Nesa.
"Teka, bigyan natin ng babala." si Rutch at umakyat pa ng bahagya para pumwesto ng mabuti. Matapos ay buong lakas siyang sumigaw ng
"May mga zombie!" sigaw niya sabay wagay-way niya sa kamay.
Ngunit mukhang hindi naririnig ang tatlong lalaki ang isinisigaw ni Rutch.
"Mga bingi atah sila eh." naiinis na himutok ni Jhaizee.
"Ahm guys yugyogin natin ang mga sanga ng punong kahoy. Para makita nila tayo at marinig." swestyon ni Nesa.
"Sige tama nga."
"Manong! Mag-ingat kayo, may mag zombiieee!" sabayan pa naming sigawan ngunit bingi talaga sila. Ni hindi man lang nila nagawang pansin ang paggalaw ng mga sanga ng pinong kinalalagyan namin.
Hanggang napahingal na lang kami't napagod, kakayugyog at sigaw.
"G-guys sa baba, tingnan n'yo sa baba." nanginginig na turan ni Nesa at napaaunos tingin na nga kami.
Doon napamaangbaba kami sa hindi inaasahang nagaganap. Iyong mga infected zombie. Iyong mga ngumatngat sa ahas na inihulog namin ay nagbago ang mga itsura nila.
Lalo kaming kinalabutan sa nasaksihan.
"Anong nangyayari sa kanila? Ba't nagbabago ang mga itsura nila." 'di makapaniwalang anas ni Jhaizee. Habang napalunok naman ako sa nakikita ko.
Bakit ganoon. Bakit lahat ng nakakain sa ahas na iyon ay may mga parti ng katawan nila na nagiging ahas. Iyong mga braso ng iba, nagiging katawan ng ahas. Iyong iba naman nagkaroon ng dila na parang ahas. Habang iyong iba nama'y nagmumukhang ahas ang mga itsura. Anong klaseng virus ba ito't kung ano ang kakainin nila'y nagiging ganoon sila.
"G-guys ka-kailangan nating ma-makaalis rito ba-bago ba maging ahas ang isang iyon at akyatin tayo rito." nauutal na saad ni Nesa sabay turo sa nag iisang infected sa tabi.
Kasalukoyan itong nangingisay at kita ng mga mata namin ang pagpapalit niya ng itsura at katangian. Mabilis nagbago ang hugis at struktura ng katawan ng naturang infected. Dahan dahan itong nagiging taong ahas na halimaw.
"A-anong ga-gawin natin." natatarantang yugyog ni Jhaizee at hindi na naman ito mapakali.
"Humihanon ka at makinig kayo. Kailangan nating makabalik sa baybayin. Hindi ba iyang mga lalaking paparating na iyan, ay may dalang yati. Ngayon, kailangan nating makarating sa sasakyang iyon, para makatakas tayo dito." mahinahong swesyon ni Rutch.
YOU ARE READING
Mutation Infection - The Invaders [ Completed]
HorrorHanap lang nila ay adventure, excitiment, thrill at hindi malilimutan na sa SUMMER VACATION. Kaya naman hindi sila nag atubli na sumali sa isang nakakaingganyong CAMPING TRIP. Lalo pa't idadaos daw ito sa isang maalaparaisong isla. Ngunit ang inaasa...