Malayo na kami sa isla at hindi rin namin alam kung saan tutungo. Ang tanging magagawa namin ay hayaan na lang ang ihip ng hangin. Kung saan man kami nito dadalhin. Dahil hindi namin alam saan ang daan pauwi. Siguro nga magbabakasakali na lang kami na may mapapadaan na bangka o barko na pwedeng makatulong sa amin.
"May pagkain kaya dito? Gutom na gutom na talaga ako sobra." himas ni Rutch lalamaunan niyang nanunuyo na sa gutom. Matapos ay nagmadali pang tumungo sa kitchen area ng yatch. Habang kami naman ay abala sa pag-aayos at linis ng mga sarili.
Pinagdamutan na rin namin ang malalaking t-shirt at short mula sa closet ng naturang cabin makapagpalit lang ng malinis na damit.
Habang nagbibihis kami ni Mican at Jhaizee sa silid. Bigla kaming ginulat ng sunod sunod na kalampagan ng mga nahuhulog na mga stainless cook wears.
"Ano 'yun?" magkasabay pa naming taka.
"Anyare doon?" si Jhaizee at bigla akong may naalala kay Rutch. Kinabahan ako para sa kanya.
"Guys, pupuntahan ko muna si Rutch." saad ni Mican at tumayo na ito Para tumali sa pagsunod.
Pero malakas talaga ang kutob ko na katulad na si Rutch ng mga infected sa isla. Kaya bago pa makalabas si Mican sa silid na kinalagyan namin ay pinigilan ko na siya.
"Mican 'wag ka nang lumapit doon. Infected na si Rutch." pigil ko.
"Pe—"
"Aahhhhh tulong!" sigaw na umudlot kay Mican. Matapos ay nagmadali na itong tumakbo kay Rutch.
"Mics!" pigil kong tawag, ngunit tuloyan na siyang lumabas.
"Nesa, totoo ba? Infected na si Rutch?" pag-uulit pa ni Jhaizee.
Nabaling ako sa kanya at malungkot na tumango. Pagkuwan ay bigla na lang
"Aaaaahhhhh," sigaw ni Mican na may kasamang sunod sunod na kalabog.
"Nesa! Ano yun?" tili ni Jhaizee at napaigtad ng tayo. Kasunod noon ay pahampas na bumukas ang tarangkahan ng silid na inuukopahan namin ni Jhaizee.
Nang mapagsino namin ay nanigas kami sa aming nakita. Si Rutch tuloyan na nga siyang naging flesh eater. Halos mawalan ako ng lakas sa lungkot at pagkadismaya sa aking nakikita.
"Waaahhhhhrrrr!" hiyaw niya ng kay lakas at bangis. Pagkuwan ay lalong lumalala ang infection sa pagkatao niya. Lalong nagbago ang katangian at pisikal niyang itsura.
Naliligo na rin siya ng dugo mula sa taong kinagat niya, na malamang ay si Mican.
"Rutch 'wag maawa ka. R-Rutch. Ako ito si Jhaizee. Huwag mo kaming saktan." naiiyak na paki-usap ni Jhaizee.
Ngunit lalong lang nagiging mabangis si Rutch.
"Aaaahhhhhh!" tuloyan ataki niya at sinunggaban na kami ni Jhaizee. Buti na lang at nakaiwas kaming dalawa. Dumiretsyo si Rutch sa kama at sumubsob sa headboard. Kaya naman nagkataon kami ni Jhaizee na makalabas sa silid na iyon at isara si Rutch sa loob.
Ikakandado ko pa sana ang pintoan. Ngunit hinila na ako ni Jhaizee.
"Bilis halika na!" higit niya patakbo.
"Bilis doon tayo sa emergency boat." turo ni Jhaizee sa pwetan ng yati kung saan may nakahandang emergency boat na sinasabi niya.
Habang abala kami ni Jhaizee sa pagbaba sa naturang gate away boat. Hindi namin namalayan si Mican na biglang sumunggab sa likuran namin.
Nahila niya si Jhaizee at deritsyong sinakmal ang balikat nito.
"Aaahhhhh Nesaaa! Tulong!" buong pagpipiglas at pagwawala niya mula sa pagkakahawak ni Mican.
Napatingin ako sa paligid at ng makita ko ang sagwan, ay agad ko itong inabot. Humogot ako ng lakas upang hampasin si Mican.
"Nesa tulong!" naluluhang palahaw ni Jhaizee at nakita ko na dahan dahan na ring kinain si Jhaizee ng naturang impeksyon.
Ihahampas ko na sana ngunit hindi ko kaya. Hindi ko sila magawang hambalosin ng hawak kong sagwan. Hanggang sa nasaksihan ko kung paano sila nagbago ng itsura at naging gutom na mga halimaw.
"Aahhhhhhhhrrrrrrr!" tangisan nila at buong nagngangalit ang mga ipin nila. Habang ako naman ay bagsak balikat na nakatingin sa kanila na luhaan. Ngunit ano bang magagawa ko? Wala na sila. Infected na sila. Ang tangi ko na lang magagawa ay ang panoorin silang salakayin ako't sakmalin gaya sa nasaksihan ko.
"Waaaahhhhrrr!" sigaw sa kabilang deriksyon at ng lingonin ko, si Rutch papalusob na rin siya. Lalo akong nawalan ng lakas. Iyong naging kaibigan ko na kasa-kasama kong tumakas sa islang kasumpa-sumpa ngayon ay tuloyan na rin nilamon ng epidemya.
"Aaaahhrrrrmmm!" dumugon at sakmalan nila sa akin.
Doon naramdaman ko ang bawat pagbaon ng matatalim nilang mga ipin sa mura kong laman.
Iyong kirot at sakit sa bawat hatak nila ay dahan dahang pumapatay sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang panghihina at pagkawala ng malay ko.
Masayang masaya sila na pinagpistahan ang balingkinitan kong katawan. Habang ako nama'y dahan dahang nilalamon ng kamatayan. Ngunit bago pa man ako tuloyang bumagsak. Biglang may umalinga-ngaw na putok ng baril.
Matapos ay tuloyan na akong humandusay at nagdilim na rin ang paningin ko. Pinilit kong labanan ang dilim na lumulupig sa kamalayan ko. Ngunit tuloyan na akong nanghina. Nararamdaman ko na rin ang sakit na may kirot, na nanunuot sa kinailalaman ng laman ko. Para itong humihilab sa sobrang sakit.
Ramdam ko rin ang dahan dahang pagtigil ng tibok ng puso ko hanggang sa tuloyan na nga itong humina at kasunod noon ay dahan dahan nang nag dilim ang aking paningin. Ngunit bago pa tuloyang mawala ang pandinig ko ay isang mahinang sigaw pa ang narinig ko.
"Nes, Nesa I am here now. Wake up!" naririnig kong mahinang sigaw. Matapos ay isang malakas na saksak na mula sa isang maliit na bagay sa dibdib ko. Ang naramdaman ko. Pagkuwan ay nakadama ako ng kakaibang init mula sa sinaksak niya sa dibdib ko.
Pinilit kong magmulat ngunit saydang kay bigat ng aking mga mata. Habang dumadaan ang segundo. Lalong umiinit ang dibdib ko at dahan dahang dumadaloy sa kaugatan ng kalamanan ko ang pambihirang init na 'yon. Hanggang sa bigla na lang akong kinombolsyon at tuloyan na ngang nilamon ng dilim ang kamalayan ko...
Tuloyan na kayang mawawala si Nesa, Mican, Rutch at Jhaizee? O sila ang magiging rason para kumalat pa lalo sa buong mundo ang epedimyang nakatago lang sana sa secret hide out na pinasok nila?
Abangan ang susunod na kapana-panabik na mangyayari sa book 2 ng MUTATION INFECTION-The Outbreak
YOU ARE READING
Mutation Infection - The Invaders [ Completed]
HorrorHanap lang nila ay adventure, excitiment, thrill at hindi malilimutan na sa SUMMER VACATION. Kaya naman hindi sila nag atubli na sumali sa isang nakakaingganyong CAMPING TRIP. Lalo pa't idadaos daw ito sa isang maalaparaisong isla. Ngunit ang inaasa...