Chapter Three

84 47 60
                                    


Nesa's POV

_
Sa paghahanap namin ng lubid. Isang  baging ng punong dalakit ang aming nakita. Gamit Ang matibay na baging na ito. Maari na nga naming hatakin si Rutch.

"Ayon Nesa, may baging."

"Oo nga, pero paano natin iyan kukunin?" tingin ko sa baging na nakakulambitin sa may kataasang puno.

"Akong bahala. Basta hilain mo lang sa abot nang iyong makakaya. Habang ako nama'y aakyat at doon ko sa itaas puputulin ang baging na 'yan." swestyon ni Mican

Saka tumalima na siya sa pag-akyat. Gamit ang baging. Maari na nga naming hilahin si Rutch pataas.

Sa kalagitnaan ng aming ginagawa. Napapansin ko na mukhang nakakubli sa may mayabong na talahiban. Hindi ko mawari kung ano ito. Basta ang alam ko, may nilalang na nakakubli sa bahageng iyon.

Actually, kanina ko pa naririnig ang mahinang kaluskos  na nagmumula roon at panay galaw rin ng mga talahib sa bahageng iyon. Imposible naman kung  hangin lang ang dahilan.

Gayong hindi naman mahangin ang panahon. Lalo namang matiwasay ang buong paligid. Kaya nakakapagtataka naman . Kutob ko pa'y hindi magtatagal. Ano mang oras ay tiyak na may lalabas na nilalang na siyang sasalakay sa amin.

"Mican, siguro mas maigi pang umalis na lang tayo dito. Humingi na lang tayo ng tulong sa mas nakakatanda sa atin. Tara na, umalis na tayo." kinakabahang hatak ko sa kanya.

Habang hindi ako mapalagay sa kinalalagyan namin.

"Naku, baboy ramo lang iyan, Nesa. Huwag ka ngang matakot, d'yan." sagot naman niya. Habang patuloy lang siya sa ginagawa niya.

"Hindi Mican, eh. Basta tara na. Umalis na nga tayo rito. Parang may something doon, oh. Baka mapano pa tayo rito eh. Just believe me, please!" nginig kong pamimilit sa kanya na umalis na.

Pero ayaw niyang makinig sa akin. Hindi ko rin maaring iwan siya. Dahil bukod sa hindi ko siya maatim na iwan siya ng ganoon ganoon na lang. Takot rin ako mag-isang maglakad sa madilim at sa mapunong lugar.

Tangi ko tuloy nagawa ay 'wag na lang alisin ang mga mata talahiban. Babantayan ko na lang ito ng maiigi. Para kung sakali mang may lalabas doon. At least, kung panganib man iyon, ay magagawa ko pang sumigaw at makakaroon pa kami ng pagkakataong tumakbo palayo.

Hindi naglaon. Sa kakatitig ko, ay may na aninag akong imahe. Isang bulto na may hugis tao. Napalunok ako at nagsimula ng  bumilis ang tibok ng puso ko.

Kinurap ko mga mata ko. Dahil baka nagha-hallucinate lang ako, sa kapraningan kong ito. Ngunit kahit anong gawin kong kurap, ay mas lalong luminaw sa akin, na hugis tao nga, ang lumalabas sa mayabong na damohan.

Iyong balahibo ko. Wari may sariling buhay na nagsitayuan sa takbot. Habang puso ko nama'y panay kabog. Lalo pa akong na sindak nang gumalaw ito't humakbang papalapit sa amin.

Napansin kong kakaiba ang kilos at dating ng nilalang na ito. Kaya sumidhi ang takot na nararamdaman ko. Para itong pilay na matamlay. Paika-ikang humakbang. Para itong isang—

'isang walking dead?' ngatog na turan ng isipan ko at nagsimula ng mangatog ang tuhod ko.

"M-mican!" nginig kong hila sa kanya.

"Nesa, ano ba. Umayos ka nga." sita niya sa akin.

"M-mi-mics," na uutal kong bulong na pakiwari ko'y umatras na ang dila ko sa takot.

Habang nakikita ko na humakbang na naman  ang nilalang papalapit pa. Doon napagtanto ko nga, na tao ito. Ngunit sigurado ako na hindi ito normal na tao. Dahil sa inaakto niya'y tila may mali sa paglalakad.  Pansin ko mukha siyang nabibigatan sa sarili niyang mga paa. At iyong ulo niya, bakit ganoon? Bakit tabingi? nginig kong pagtataka.

Mutation Infection - The Invaders [ Completed]Where stories live. Discover now