Chapter Eight

72 46 31
                                    


Nesa's POV

_
Habang papasok ng kami sa madilim na lugar na siyang kinabagsakan namin ni Jhaizee. Hindi ko mapigilan ang nag-uumapaw na sa dibdib ko. Habang papasok kami ay siya namang pag kabog lalo ng puso ko.

Iyong mga palahaw at ungol kasi naririnig namin sa hindi mawaring pinagmumulan, ay mas lalong naghahatid ng kilabot sa pandama namin.

Pakiramdam ko'y sandamakmak ang nakatinggang mga infected na bahageng ito. Lalo kaming pinagatugan ng mga tuhod. Nang mapansin pa namin ang mga naglalakihang, nakahilirang tarangkahan.

"Anong klaseng lugar ba ito, Nesa? Ba't ang lansa ng amoy?" takip ni Jhaizee sa ilong niya.

"Grabe, nakakasuka. Mukhang mamamatay tayo nito sa baho." dagdag niyang himutok na gumawa ng pag alingaw-ngaw sa kabuohan ng aming binabagtasan. Kaya nama'y lalong lumakas ang kalampagan at ungolan, na nagmumula sa nakakandadong mga pintoan.

Nanlaki ang mga mata namin at napatakip bibig.

"Sshhh," saway ko sabay takip ko sa bibig ni Jhaizee at saglit kaming tumahimik.

Nang makahinahon kami ay huminahon rin ang palahawan ng mga nagwawalang ulol.

"H'wag kang maingaw, Jhaizee. Mukhang naririnig nila tayo." bulong ko na sinundan naman niya nang tango.

"Anong gagawin natin?" ngatog niyang bulong.

"Hindi ko alam." halukipkip namin sa isa't isa sa takot. Habang patuloy lang kami sa paglalakad.

Sa totoo lang hindi namin alam kung saan kami tutungo. Wala kaming maisip na ideya, kung ano ba talaga ang gagawin namin sa mga oras na ito. Basta ang magagawa lang namin ay maglalakad ng maglalakad. Bahala na kung saan kami mapadpad.

"Saan ba tayo talaga tayo lalabas nito? Si Rutch kasi eh. Kasalanan niya ito!" nanggigil pang paninisi ni Jhaizee.

Napahinga ako ng malalim.

"Wala na tayong magagawa Jhaizee, andito na tayo. Mabuti pa maghanap na lang tayo ng paraan, para makalabas dito." tugon ko habang napaikot tingin sa kinahintuan naming eskinita.

Sa bahaging ito, ay may tumatanglaw na, na maliit na bombelyang kulay dilaw. Kahit papaano'y may linawanag na Rin at nagagawa na naming makita ang itsura ng paligid.

Napagtanto ko na, mukhang nasa drainage area kami o kung nagkakamali man ako'y nasa pinaka underground kami ng gusaling ito. Mukhang ito ang unang palapag.

At sa dulo ng aming tinatahak na daan. Kita ko mula sa kinatatayuan namin. Ang naiibang bakal na pintoan bukod sa lahat. Nakadama ako ng saya at pag-asa. Dahil baka ito na nga ang hinahanap naming pintuan palabas.

Agad akong nabuhayan ng dugo at napangiti. Bumuhos ang pag asa ko sa puso ko.

"Ayon, may pintoan. Bilis Jhaizee, baka iyan na ang daan palabas dito." masigla kong takbo.

Ngunit ng maaninag ko ang nakasulat sa tarangkahan. Napatigil ako't napalunok.

"Shit!" anas ko ng mabasa ko ang mga katagang

DON'T OPEN. LOTS OF INFECTED INSIDE

WARNING! DANGEROUS INSIDE. DONT YOU DARE TO OPEN IT.

"Ohw shit!" bulalas ni Jhaizee at napa-atras pa siya sa takot.

"Paano na? Paano na tayo makakalabas nito? Kung totoo nga ang nakasulat na 'yan?" puno ng pagkadismaya kong himutom at ramdam ko Ang pumipitik na kirot sa utak ko. Pagod na ko't gutom na. Pakiramdam ko mukhang mababaliw na ako sa kinahinatnan naming ito.

Mutation Infection - The Invaders [ Completed]Where stories live. Discover now