Rutch's POV_
Nang ganap na nga kaming nakalayo sa taong humahabol sa amin. Isang panibagong silid naman ang aming napasokan. Silid na napakagara. May malaki itong oval na lamesa at mamahaling upoan, na yari sa bakal at soft leather na upoan.Sa aking pagtatanto. Isa itong board room ng mga influencer leader o hindi kaya'y silid pulongan nang mga batikang mga scientist, na siyang may hawak at gumagawa ng mga eksperimento sa lugar na ito.
Mula sa kinatatayuan namin. Tanaw namin ni Mican ang mga sumunod pa na silid, na pinaghihiwalay lamang ng babasagin na salamin.
Mula sa kinaroroonan namin. Mga pang-ikatlong silid. Tatlong lalaki na may suot na kulay puti ang aming nakita.
Mukha silang mga doctor o mga scientist. Kaya naman nakadama ako ng saya at pag asa, na makakalabas rin kami sa weirdong lugar na ito.
"Tulong! Tulongan n'yo kami!" walang pagdadalawang isip na sigaw ko sabay kaway ko sa kanila. Hindi nila ako marinig dahil syempre nasa sound proof ako na silid. Lumapit ako ng bahagya sa salamin na dingding at kinalampag ko ito. Para gumawa ng vibration at ng marinig nila ang saklolo ko. Naisipan kong sumigaw ulit sabay kalampag sa salamin ngunit ng sumigaw ako ng
"Sak-" agad tinakpan ni Mican ang bibig ko.
"Rutch, anong ginagawa mo? Nag-iisip ka ba?" awat niya sa akin na kinainis ko
Ang sakit pa ng pagkakataon niya sa bibig ko. Kaya hinila ko ang kamay niya. Matapos pa'y tinulak ko siya palayo sa akin.
"Ano ba sa tingin mong ginagawa ko, huh? At oo nag-iisip ako ng matino. Kaya pwede ba 'wag mo akong mahak-hawakan" asik ko
"Oo, alam kong humihingi ka ng saklolo." salta rin niya. Mukhang gusto pang magmagaling ng pabida na ito.
"Pero 'di mo ba na iisip, na baka katulad na rin sila noong lalaking humahabol sa atin, huh?" pagmamagaling pa niya.
"Ngunit paano kung hindi, huh? Paano kung sila ang makakatulong sa atin. Para makalabas sa creepy na lugar nato, huh?" kontra ko.
"Paano kung hindi?" pamimilit naman niya sa ideya niya.
"Bakit ba alam na alam mo na hindi?" pagtatalo pa namin at sinamaan ko siya ng tingin.
Nakakainis talaga ang pagmamagaling niya. Ano ba siya manghuhula, para pangunahan ang lahat?
"Kailangan natin makasiguro Rutch. H'wag ka nga basta basta gumawa ng kilos na 'di mo alam ang maging resulta nito." nagawa pang sermon sa akin.
"Shut up! I don't need your opinion! Hindi kita Mommy para pagsabihan mo ako. Kung ano ang magiging pasya ko, okey? Kung gusto mo, magkanya kanya na lang tayo!" inis kong turan sa kanya at tinalimoran siya. Matapos ay nagmadali akong lumayo sa kanya.
"Rutch!" tawag niya pa sa akin. Pero wala na akong balak na pakinggan siya.
"Bahala ka na sa buhay mo! Bahala na rin ako sa buhay ko!" sigaw ko sa kanya at tumakbo na ako papalayo kay Mican. Habang tinahak ko naman ang daan papunta sa tatlong tao na natatanaw ko.
____________________________________
Mican's POV
_
'Ang sakit niyang magsalita. Ganoon ba talaga siya?'simangot ko saka napatalikod. Pagkuwan ay naalala ko ang dalawa.
"Si Jhaizee at Nesa pala. Kailangan ko silang hanapin." kaya tumakbo na ako pabalik sa dinaanan namin kanina. Umaasa ako na sana ay wala na iyong na bubuang na bangkay kanina sa dinaanan namin.

YOU ARE READING
Mutation Infection - The Invaders [ Completed]
HorrorHanap lang nila ay adventure, excitiment, thrill at hindi malilimutan na sa SUMMER VACATION. Kaya naman hindi sila nag atubli na sumali sa isang nakakaingganyong CAMPING TRIP. Lalo pa't idadaos daw ito sa isang maalaparaisong isla. Ngunit ang inaasa...