Chapter Six

73 51 49
                                    


Nesa's POV

_
Hindi ako makapaniwala na ganito pala ka intense ang mararanasan naming adventure, excitement at thrill, na sinasabi ni Rutch.

Pakiramdam ko pa'y pinapatay na ako sa bangungot. Grabe ang thrill na ito. Yanig pati DNA ng pagkatao ko.

Talagang nanunuot nginig ko hangang bone marrow. Tila ba sa tense ng pangyayari ay ginagataan ako na parang ulam na bulalo. Ganoon ka tindi ang pressure nf takot bumabalot amin ngayon.

Hindi pala biro ang ganitong pangyayari. Nakakapagod, nakakasagad ng lakas at boses. Halos mamaos na nga ako, kakaiyak at tili sa sindak.

"Jhaizee, anong gagawin natin ngayon?" naiiyak kong hikbi.

"Shhh, h'wag kang panghinaan. Tatagan natin ang mga sarili natin, Nesa." hagod niya sa likuran ko at niyakap niya ako.

Ramdam ko, na maging siya'y takot na takot rin.

"Kumusta na kaya si Mican at Rutch. Buhay pa kaya sila?" naalala ko.

"Hindi ko alam. Baka wala na sila." hikbi ni Jhaizee, na kinaiyak na nga namin pareho.

"Paano na tayo ngayon?"

"Hindi ko alam," napapasinghot sa sipong hikbi ni Jhaizee. Nang biglang may kumalabog sa ibabaw ng elevator namin. Kasunod noo'y may sira ulong kumakalampag mula roon.

Isa

Dalawa

Tatlo

"Aaaahhh!" tili nanaman namin.

At dumadami pa ang kalampagan na sinundan ng malakas na hampas.

"Ano 'yon? Ano 'yon Nesa?" buong nginig na yugyog ni Jhaizee sa akin.

At dumami pa lalo ang kalabog sa ibabaw namin. Tila mga zombie na nagsitalunan kula sa ibabaw ng kinasasakyan namin.

"Aaahh!" hiyawan namin at yakapan.

Matapos may pinagpupokpok ng mga ulol ang salamin na nagsisilbi emergency exit sa ibabaw ng elevator.

Pagkatingala namin. Dahan dahan nang nababasag ito. Matapos ay nagsipasokan ang mga malilikot na kamay na puro dugoan at sugatan. Mga kamay ng mga infected.

Nag-unahan pa sila pagtatangkang pag-abot sa amin, mula sa taas. Winawagayway pa nila ang mga nalalantang kamay nila. Pilit kaming inaabot. Buti na lang talaga at mga bobo sila't hindi nila naisipang paisa-isang puasok. Dahil maging sila'y nag unahan at agawan sa pagpasok sa butas na iyon. Kung kaya't wala pa, ni isa sa kanila ang nakababa.

Ngunit kung tuloyan nilang mababasag ang salamin. Tiyak ay tuloyan na rin itong bibigay at lahat sila'y babagsak sa kinalalagyan nami. Panigurado ay malalapa na nga nila kami.

Iyong mga itsura pa nila'y gigil na gigil na wasakin ang salaming kinakalampag nila. Para silang mga lion na naglalaway sa amin.

"Aaahhwwwaargggrrr," muling pagwawala ng mga ulol.

Nagsiunahan pa ang bawat isa sa kanila sa pagpaalo gamit ang mga kamao. Mabuksan at makapasok lang sa kinalalagyan namin.

Habang kami naman ni Jhaizee ay napapaakap sa isa't isa. Tarantang isinisiksik ang mga sarili sa isang sulok. At walang humpay na inuubos ang mga boses sa kakasigaw sa takot.

Nginig na nginig ako. Wala akong ibang maisip na gawin. Kundi ang mapadali pa lalo ang pagbaba ng elevator.

Binalingan ko ulit ang up and down button, na tangin iyon lang meron ang sinasakyan namin ito.

Mutation Infection - The Invaders [ Completed]Where stories live. Discover now