Chapter Eleven

55 36 26
                                    


Mican's POV

_

Bilis, doon sa tent!" sigaw ko habang hingal kabayo kaming tumatakbo. Patungo sa tent ng aming Head Organizer. Upang agad ipaalam sa kanila ang nakaambang na panganib sa buong team.

"Kailangan nating magmadali, bilis!" tili ko sa nahuhuling sina Rutch at Nesa.

"Kailangang makaalis agad tayo sa islang ito. Bago pa tayo mahawa sa mga ulol na iyon!" turan naman ni Rutch habang inaalalayan ang nang hihinang si Nesa.

Pagkuway, minabuti ni Jhaizee namauna na ito sa pagtakbo. Nang marating niya ang tent agad niyang tinawag ang H.O nila.

"Sir, Sir?" sabay hawi pa nito tarangkahan at napatili ng makita ang hinahanap ay gimbal itong na pasigaw ng

"Siiirrrr!"

Kaya naman, awtomatikong binitiwan ni Rutch si Nesa at patakbong sumugod kay Jhaizee. Matapos ay mabilis niyang pinulot ang may kalakihang kahoy na nasa sa tabi. Pagkuwan ay walang habas na humugot ng malakas. Saka walang takot na nagpakawala ng sunod sunod na malulutong na hampas sa ikinatili ni Jhaizee.

Malakas niya itong hinataw hanggang sa masiguro ni Rutch na wala na ngang buhay ang mabangis na nilalang na nasa loob ng tent.

Nang malapitan ko ito't mapagsino. Nanlaki ang mga mata ko't nasuka sa nakakahindik na itsurang inabot ng infected na tao. Warak ang ulo nito habang nagkalat naman ang mga dugo na may halong lasog lasog na utak sa loob ng tent.

Sa tindi ng lansa at baho nito'y Halos malunod ako sa nakakasulasok na amoy. Kaya nama'y napatakip ilong ako't napa-atras ako palabas. Matapos ay napabagsak balikat sa kadahilanang. Masakit man isipin. Ngunit wala na ang inaasahan naming tulong , na si Sir Jayvee. Dahil maging siya'y tuloyan na rin palang naging zombie.

'Paano na kami ngayon?' na-iiyak kong pag-iisip.

"Ahhhh!" hiyaw na nagwaglit sa aking pag-alala at agad kaming napalingon sa may-ari ng boses.

Doon bumulaga sa amin ang mga gutom at nagkukumpulang mga kasamahan namin, na ngayo'y infected na rin gaya ni sir Jayvee.

"Waaahhhhgggrrrr!" ungol nila at nagsidumogan na papalapit ang mga mabangis na ulol.

Habang si Nesa ay kasalukoyang paika-ika sa pagtakbo papunta sa kinaroroonan ko. Agad akong naghanap ng pamalo. Pagkuwa'y, nagkatinginan kami ni Rutch. Matapos ay suminyas siya't magkasabay na nga kaming sumugod sa mga ulol na zombie.

"Jhaizee! Nesa! Bilis umakyat kayo sa punong kahoy, bilis!" hiyaw ni Rutch habang kaming dalawa ang siyang humarap at humarang pansamantala sa mga infected na mga zombie. Habang si Jhaizee at Nesa nama'y atubili na sa pag-akyat sa ligtas na bahagi.

Sa aming apat. Kami ni Rutch ang may tapang na makipag sagupaan at basagan ng bungo sa mga zombie na ito.

"Mican, Rutch dumadami na sila. Umakyat na rin kayo dito. Hindi n'yo na kakayanin pa ang iba pang paparating na mga infected." nahihingos na sigaw ni Jhaizee.

"Umakyat na kayo bilis!" sigaw naman ni Nesa.

At nang lingonin ko ang paligid. Nagkalat na nga ang mga zombie. Lalo na nga silang dumadami. At oo nga't hindi na namin sila kakayanin. Pareho na kami ni Rutch na nauubusan ng hininga, sa sobrang pagod. Kaya, kailangan na nga naming umatras at umakyat sa kinaroroonan nila.

"Rutch takbo, bilis!" sigaw ko at nag-unahan na nga kami sa pagsampa sa malalaking sanga ng puno kahoy.

Halos muntikan pa kaming maabot ng mga infected. Habang bakas sa mga itsura nila ang magiging hayuk sa laman.

Mutation Infection - The Invaders [ Completed]Where stories live. Discover now