KABANATA 9 [✔]

166 11 2
                                    

Sam's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sam's Point Of View

Halos hindi ako makakain sa pag-iisip sa kapatid ko. Isang gabi siyang hindi umuwi ng bahay kaya nag-aalala na talaga ako. Si mama naman ay hindi pa rin umuuwi ng bahay ilang buwan na ang nakakalipas. Sa tingin ko'y pinabayaan na kami ni mama.

Agad kong iniligpit ang kinakain ko. Kinabahan agad ako. Parang naghina ako ng konte at agad kong naisip si Sweet. Baka may ginawang masama ang lalaking iyon sa kapatid ko. Humanda siya sa akin.Lumabas ng bahay para hanapin siya. Sa di kalayuan, nakita ko ang mga tao sa may daan. Nagkakagulo sila. Ilang saglit pa ay may lumapit sa aking isang babae.

"Ano pong nangyayari dito?"tanong ko sa babae. Ewan ko pero bigla akong kinabahan.Ewan ko rin kung bakit nagkainteres ako bigla.

"May dinukot na isang babae."sabi ng babae at agad tumakbo sa kinaroroonan ng mga taong nagkakagulo.

Lumapit naman ako sa kinalalagyan nila. Nang makasiksik na ako ay biga akong nanghina. Nakita ko ang pitaka ni Sweet at ang litrato kasama ang lalaking yon.Pero teka? Nasaan na ang lalaking iyon?Magbabayad siya! Siya ang may pakana ng lahat.

Agad kong kinuha ang pitaka at litrato ni Sweet tsaka agad na naghanap sa lalaking yon. Sabi ko na nga ba! Hindi siya mapagkakatiwalaan.Sa di kalayuan,nakita ko siyang naglalakad papunta sa direksyon ko. Agad namang uminit ang ulo ko't tumakbo ako sa kanya at pinagsusuntok siya sa mukha.

"Ow! Aray ano ba? Teka----bakit mo ko sinuntok?"tanong nito sa akin.

"Nasaan si Sweet? Saan mo siya dinala? Bakit mo siya dinukot?"tanong ko.

"Anong pinagsasasabi mo? Kanina umalis na siya. Nagpaalam siya sa akin na uuwi na daw sa bahay niyo. Di pa ba siya nakauwi?"pagdadahilan nito sa akin.

Ipinakita ko ang litrato at pitaka ni Sweet. "Dinukot siya ng kung sino. At alam kong ikaw lang ang palaging kasama ni Sweet. Ikaw lang wala ng iba!"

"Wala akong alam sa sinasabi mo. Te-teka? Anong sabi mo? Dinukot si Sweet? Dinukot ang prinsesa ko? Saan siya dinala? Sabihin mo sa akin!"halos mapuno ng galit ang mukha niya. Tumulo na rin ang luha niya sa mga mata niya.

"So ibig-sabihin,wala kang alam?"tanong ko.

"Dudukutin ko ba ang pinakamamahal ko? Tsaka isa pa,hindi ko iyon magagawa kay Sweet. Mahal ko siya! Mahal na mahal!"sabi niya sa akin.

"Hindi ako naniniwala sayo!"sigaw ko sa kanya.

"Samahan pa kita sa paghahanap sa prinsesa ko."sabi naman nito.

"Hindi na! Tatawag na lang ako ng pulis. Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito!"sigaw ko ulit sa kanya.

Umalis ako sa hanrapan niya. Pumunta ako ng police station para sabihin ang nangyari.

Trill's Point Of View

Ano bang nangyayari?Bakit nangyari pa to kay Sweet?Bakit siya dinukot?Anong kailangan nila sa prinsesa ko?Matino siya! Matino!Magbabayad ang dumukot sa prinsesa ko.Magbabayad ang dumukot sa pinakamamahal ko.Magbabayad sila!

Sweet's Point Of View

Nagising ako dahil sa kalaskas na narinig ko sa kung saan. Binuksan ko ang mga mata ko ngunit wala akong nakikita. Sisigaw sana ako ngunit may nakabara sa bunganga ko.

Naka upo ako sa upuan at nakatali ako. Ramdam ko ang sakit ng pagkakatali nila sa akin. Pilit kong tinanggal ang tali sa mga kamay ko pero hindi ko iyon magawa. Gusto kong sumigaw para humingi ng saklolo pero hindi ako makasigaw.

Isa na nila akong bihag.Pero bakit nila ito ginagawa?Bakit nila ako dinukot?Anong kasalanan ko sa kanila?Anong kailangan nila sa akin?

Sa di kalayuan , may narinig akong nag-uusap na babae at lalaki.

"Paano? Sayo na yang anak ko?"

"Basta pumayag lang aiyang magpakasal sa akin."

Teka kasal?Anak?Sinong nagsasabi nun?

"Ipapirma mo na yang Marraige Contract sa anak ko para makasal kaagad kayo."

"Sinong mag-aakalang magiging kabiyak ko ang anak mo,mama."


 Ano?Kilala ko ang mga boses nila.Gusto niya akong ipakasal sa ayokong lalaki?Gusto niya akong ipakasal sa hayop na yan?Magkasabuwat silang dalawa?Nasilaw lang talaga siya sa pera. Hindi niya ako iniisip.

Si Mama at si Mang Inggoy magkasabwat?

16 Year Old Wife [PUBLISHED UNDER IMMAC HEART PUB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon