KABANATA 12 [✔]

167 12 1
                                    

Sweet's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sweet's Point Of View

Walang tigil pa rin sa pagputok ng baril ng mga pulis laban kay mang Inggoy.Sumilip ako sa butas ng mesa at nakita ko si Trill papunta sa kinalalagyan namin. Agad naman akong tumayo para pumunta sa kanya.

"Anak waaaagggg!"sigaw ni mama sa akin ngunit nanaig parin ang desisyon kong lumapit kay Trill. Nang malapit na ako sa kanya ay sakto namang hinila ako ni mang Inggoy tsaka hinawakan ako sa leeg. Ikinasa niya ang baril niya tsaka itinutok sa ulo ko.

Trill's Point Of View

"Wag... wag mong gawin yan Inggoy."mahinahon kong sabi habang humihinga ng malalim.

"Anong akala mo sa akin,tanga? Hahahaha.... kung hindi ko makukuha si Sweet,mas mabuti pang mamatay na lang siya kasama ko o kasama mo."sigaw ni Inggoy sa akin.

"Trill wag kang makinig sa kanya."sigaw ni Sweet.

"Shut up your mouth Sweet!"sigaw ni Inggoy kay Sweet.

Tumingin ako sa paligid ko. Maraming mga nakahandusay. Maraming dugo sa loob ng simbahan. Patay na lahat ng kasama ni Inggoy. Siya na lang ang natitira.

Tumingin ako sa altar. Nagdasal ako sa panginoon na tulungan ako at si Sweet. Ilang minuto ang nakalipas,lumabas ang mama ni Sweet sa mesa. Sakto namang nakita iyon ni Inggoy at pinaputukan ito. Natamaan sa tiyan ang mama ni Sweet. Nakita naman iyon ni Sam at napasigaw.

"Ma----ma------!!!!!!!!"halos tumigil ang mundo ko nang makita ko ang nanay ni Sweet na nakahandusay sa sahig ng simbahan.

Agad itong tumakbo papunta sa mama niya. Bihag pa rin ni Inggoy si Sweet hanggang ngayon.Lumingon ako sa paligid ko. Sa bandang kanan ko,nakita ko ang isang baril. Tumingin ako kay Inggoy at agad na kinuha ang baril tsaka ko pinaputok kay Inggoy at saktong natamaan siya sa balikat

Napadapa siya dahil sa nangyari. Umaagos ang dugo nito ngunit hindi niya iyon ininda bagkus ay tumayo ito at pinagbabaril ako. Buti na lang ay agad akong nakatago ngunit nabaril ako sa kanang braso ko Hindi ko alam kung paano bumaril pero nagtataka ako kung paano ko iyon nagawa.Di na bale basta ang mahalaga ay mailigtas si Sweet at ang mama niya.Tinignan ko ang baril na hawak ko. Dadalawa na ang bala nito. Nabingi ako sa sinasabi ni Inggoy.

"Trill! Papatayin kita!"sigaw nito sabay putok ng baril.

"Ikaw ang magbabayad sa ginawa mo!"sigaw ko tsaka ko siya pinagbabaril. Natamaan naman agad siya sa tiyan at sa tuhod kaya agad siyang natumba. Nakahandusay na siya. Punong puno ng dugo ang buong simbahan.Tumingin ako sa altar at nagdasal. Pagkatapos ay pumunta sa kinalalagyan nina Sweet,Sam at ang mama nila. Dumudugo pa rin ang tiyan niya.

"May tama ma,Trill."pag-aalala ni Sweet sa akin.

"Wag mo kong alalahanin. Ang importante ay mailigtas natin ang mama mo."sagot ko naman kay Sweet. Pinunasan ko ang luha niya gamit ang palad ko.

Binuhat ko ang mama nila at agad na itnakbo papunta sa labas. Meron ng nakarespondeng mga nurse at agad na isinakay ang mama ni Sweet. Ako naman ay agad ring isinakay dahil sa tama ng baril sa braso ko. Bago pa man kami umalis ng simbahan,nakita pa namin si Inggoy na isinasakay sa kabilang ambulansya. Patay na siya... hindi na siya muling babalik.

Tumingin ako kay Sweet. Nakangisi ito sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya. Bigla niya akong sinunggaban at tsaka binigyan ng isang matamis na halik.

"Salamat,Trill."sambit nito.

"Patay na siya. Tapos na ang paghihirap mo Sweet. "sabi ko kay Sweet ngunit hindi pa rin maipinta ang mukha nito dahil sa nangyari sa nanay niya.Pinaandar nila ang ambulansya. Tumingin pa ako sa labas habang umiiyak dahil sa nangyari.

"Bat ka umiiyak?"tanong ko sa kanya.

"W-wala. Masaya lang ako."sagot naman ni Sweet sa akin.

Tumingin lang ako sa sa simbahan hanggang sa nagdilim ang paningin ko.Ito na ata ang huling buhay ko.Narinig ko pa si Sweet na humahagulgul sa iyak. Napapikit na lamang ako at saglit lang ay nawalan na ako ng malay.

16 Year Old Wife [PUBLISHED UNDER IMMAC HEART PUB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon