KABANATA 10 [✔]

164 12 2
                                    

Trill's Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Trill's Point Of View

Nagpunta na kami sa pinanggalingan ng putok. Isang bahay at sa tingin ko'y bahay ito ng isang dumukot kay Sweet. Kinakabahan ako. Pinapawisan. Hindi ko alam kung anong nanagyari kay Sweet. Nasaan na siya?

"Sweet?"sigaw ko at pumasok ako sa loob ng bahay. Nilibot namin ang buong bahay ngunit wala sila roon.May ibinigay sa akin ang mga pulis na bagay.

"Sir,ito lang po ang nahanap namin. Isang ballpen,bala ng baril. Meron ding dugo sa pinangyarihan ng krimen. Eto po sir baka sa kanya po ito!"ibinigay ni PO2 Magnatu Comlingko ang bag ni Sweet.Tama ang hinala ko! Dito hinostage nila si Sweet.

"Tara doon tayo. Alam kong hindi pa nakakalayo ang mga dumukot kay Sweet."sabay takbo sa labas ng bahay.

Agad kaming umalis ng bahay at hinanap ang mga dumukot sa buwan ko.Hindi ako makakapayag na may masamang mangyari sa pinakamamahal ko. Hindi ako makapapayag!Hinanap nanamin sila sa kung saan ngunit hindi namin sila naabutan.Sweet ko! O Diyos ko,tulungan niyo po kaming mahanap si Sweet.

Hindi ako makapapayag na may mangyari sa kanya. Dahil kung may nangyari sa kanya hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Sam's Point Of View

"Sir,yung kaso po ng kapatid ko ano na pong balita? Sir?"Halos mapaos ako sa pagsasabi sa mga pulis ngunit hindi nila ako pinapakinggan.Ilang saglit pa ay may lumapit sa akin na isang babaeng pulis. Napakaganda nito at napakaamo ng kanyang mukha.

"Anong pangalan ng kapatid mo?"tanong nito.Napakaganda ng boses niya. Napakaganda rin niya. 

"S-sweet po. Sweet Dalioan."sagot ko naman sa kanya habang nakatitig sa maamong mukha nito.

"Ahhh sir nasa pangangalaga na ni Mr. PO2 yung kaso. May kasama silang isang lalaki and his name is Trill Ocampo. Ri-rade-in daw nila ang dumukot kay Ms. Sweet Dalioan. Hahanapin na nila siya. Wag na po kagong mag-alala nasa pangangalaga na po ni Mr. PO2 ang kaso."sabi naman ng babaeng pulis na nasa harap ko.

"Saan daw sila nagpunta? Sabihin niyo sa akin!"nag-aalala kong tanong. Baka kasi may mangyari kay Sweet.Si Trill. Hindi pala siya ang may pakana ng lahat ng ito.Eh sino?Kung sino man siya papatayin ko siya.Magbabayad siya sa ginawa niya sa kapatid ko!

"Sa kasalukuyan sir,tinutugis pa rin nila ang dumukot kay Ms. Sweet. Sasabihan ko na lang po kayo kung meron na pong update!"ibinigay ng babaeng pulis ang isang papel na naglalaman ng pangalan niya at numero ng telepono niya.

"Salamat po"sambit ko. Tinignan ko ang papel. Nang makita ko na ang pangalan ay sinambit ko ito. "Salamat po Ms. Rachel Bacabac!"

Umalis ako sa police station dala ang ibinigay na papel ni Rachel. Bakit gano'n anong nangyayari sakin?Bakit ako nagkakaganito?Parang naiinlove ako sa pulis na iyon.

Pero hindi... kailangan kong mahanap si Sweet sa lalong madaling panahon. Kailangan kong gantihan ang dumukot sa kanya. Magbabayad siya!Magbabayad siya!!!

2 days ago... araw ng kasal

Sweet's Point Of View


"Ms.Sweet,ready na dawpo si Mr.Inggoy.Isuot niyo na daw po yung gown niyo. Kayo na lang po ng hinihintay nila. "sabi ng isang coordinator ng kasal. Minimake-up-an pa rin ako ng mga made ni Mang Inggoy. Parang ayokong dumalo. Pero kung hindi ako dadalo,mamamatay kami ni mama.

"Anak,kaya mo yan."pinapalakas ni mama ang loob ko. Lumapit si mama sa akin. Ngumiti naman ako. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Nay,ayokong magpakasal sa lalaking iyon. Ayoko! Ma,buntis ako. Buntis ako. Ang ama ay si Trill. Si Trill Ocampo ang ama!"sabi ko. Nabigla naman si mama.

"Kelan pa yan?"tanong ni nanay

"Ilang araw na po. Nararamdaman kong nahihilo lagi ako at nasusuka kahit hindi ako gumagalaw. Kahit nakaupo lang ako."sagot ko naman sa tanong ni nanay.

"Shhh... wag kang maingay. Ano bang sabi sayo ni Inggoy? Anong ibinulong niya?"tanong ulit ni nanay sa akin.

"Iimbitahan niya daw si Trill ma. Ma,ayokong makita ako ni Trill na nakikipagkasalan sa lalaking hindi ko kailanman nagustuhan."pag-aalala ko.

"Wag kang maingay... Tiyak na dadating yang si Trill para iligtas tayo. Magiging maayos din ang lahat ng ito."sabi naman ni nanay. 

"Ma,paano kung patayin nila si Trill? Hindi ko kayang nakikitang nasasaktan siya nang dahil sa akin. Ma,anong gagawin ko?"tanong ko.

"Oh sige na. Andiyan na yung sundo natin. Isuot mo na yung gown mo. Pumunta ka na sa Dressing room ."sabi ni nanay tsaka lumabas ng dresing room.

"Ma'am Sweet,isuot niyo na po yung gown niyo."Sabi ng coordinator.Ayoko talaga!Kainis!Wala naman akong magawa kundi ang manahimik na lamang.

Pumunta ako sa dressing room. Tumapat ako sa bintana. Nakita ko ang sarili ko habang isinusuot nila ang gown ko.Isang napakagandang white gown ang nakasuot sa akin. Isinuot na rin nila ang para sa ulo ko. Hindi ko alam kung anong tawag doon pero napakahaba no'n.

Sa laylayan ng gown ko,may design na ilang diamond at sa tingin ko'y napakamahal no'n. Abot hanggang isang billion ang halaga ng lahat ng diyamante kung ipapatubos iyon sa pagkakaalam ko.

"Ah ma'am,tumawag na po si Mr. Inggoy. Kanina pa daw siya naghihintay."sabi ulit sa akin ng isang coordnator ng kasal.

Oh my gosh! Napakaganda ko. Ngunit mas gaganda iyon kung ang ikakasal kong lalaki ay si Trill at hindi si Mang Inggoy.Ngunit wala akong magagawa.Ibinigay nila sa akin ang bouquet of red and white roses. Bumaba kami ng bahay at tsaka pinasakay sa magarang sasakyan. Sumakay din doon si mama.Pinaandar na nila ang sasakyan papunta sa simbahan.Hindi maaalis sa isip ko ang kaba. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.Panay dasal na lang si mama sa oras na iyon .


Nagsign of the cross siya tsaka pumikit.Nag-umpisa na siyang magdasal. Ako naman ay tinitignan si mama. Nagbago na talaga siya.Hindi na siya ang dating ina na mukhang pera at disperada.

"I love you ma."sambit ko. Tumingin naman si mama sa akin tsaka ngumiti. Itinuloy na ni mama ang naudlot niyang pagdarasal.

16 Year Old Wife [PUBLISHED UNDER IMMAC HEART PUB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon