Sweet's Point Of View
"Bakit mo ko dinala dito?"tanong ko. Napatingin ako sa kanya. Nakangisi ito sa akin.
Lumingon ako sa labas. Nasa taas kami ng bundok. Kita mula rito ang mga building at bahay. Gabi na noon kaya mas lalo itong gumanda dahil sa ilaw ng building at bahay.Ngunit natatakot ako na baka hinahanap na ako ni kuya at ni nanay. Baka mapagalitan nanaman nila ako.
Lumabas ako sa taxi at umupo sa may harap ng sasakyan. Sumunod no'n ay si Trill na umupo rin sa tabi ko.
Nakasuot pa rin ako ng uniform hanggang ngayon at dala ko pa rin ang bag ko.
"Napakatahimik diba? Ang mga gusali,napakagandang pagmasdan."sabi nito.
"Oo nga eh. Pero bakit mo ko dinala rito?"tanong ko."Gabi na. Baka hinahanap na ako ni kuya."dugtong ko pa. Napatingin ako sa kawalan. Mga bituing kumikislap sa ilalim ng mala-mundong pantasya.
Umalis ako sa pagkakaupo ng sasakyan. Umupo naman ako sa damuhan habang pinagmamasdan ang magandang view.
"Ang ganda naman dito."sabi ko.
"Mas maganda ka pa dito."napatingin siya sa akin.
Opz! Tama ba yung narinig ko? You made me crazy. Nananaginip lang ako.
Sinampal ko ng paulit ulit ang mukha ko. Nasasaktan ako ah.Bat di pa rin ako bumabangon?
Panaginip...
Panaginip lang ito.
Tumawa siya"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bat mo sinasaktan ang sarili mo?"tanong nito.
"Eh ano pa edi gumigising ako sa katotohanan. This is a dream. I want to back in my reality now! Siguro dahil lang sa pagpapahiya nila sa akin kanina sa school."sagot ko naman. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit sumama pa ako sa kanya.
"Tsk. Ano ka ba? Totoo ito,kasama mo ko."sabi nito tsaka tumingin sa mga mata ko.
Lumapit ito sa akin at umupo.
"Hindi ito totoo."pilit kong sabi.
"Totoo ito."sagot naman niya.
"Waaaahhhh help me!"napasigaw ako.
"Wag kang sumigaw."sabi nito. Tinakpan niya ang bibig ko. Hayst!
"Ano bang nangyari sayo kanina? Bat ka nila pinagkakaguluhan?"tanong nito sa akin.
"Ayun,"humiga ako sa may damuhan at tumingin sa kawalan. "Pinagtripan ako ng mga bullies,napunit tuloy tong palda ko."
Sumunod siyang humiga sa damuhan. Tumingin ito sa akin kahit hindi ko ito nakikita. Nakatingin pa rin ako sa kawalan. Tinitignan ang mga bituin sa langit.
"Mabuti pa ang mga stars noh? Malaya. Hindi kayang bulihin kasi malayo sila sa atin."sabi ko sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa ro'n?
"Mas mabuti pa talaga ang bituin------,"humarap ako sa kanya. Tumingin din ito sa akin at titig na titig sa mukha ko.
Napakagwapo niya talaga.
"Mas mabuti pa talaga ang bituin-------,sa kalangitan. May constellation,tayo na lang ang wala."nagulat ako sa sinabi niya. What the!? Oh my gosh! So ibig sabihin... Hayst nag-iilusyon ka lang Sweet. Tama na yan. Gumising ka na sa katotohanan.
Oh my gesh! Nahihibang na talaga ako.Sa dinami dami ng taong makikilala ko. Bakit ito pang maa matanda pa sa akin ng pitong taon?
"Bakit kasi lahat na lang binubuhos ang malas? May galit ata sa akin si tadhana."tanong ko sa sarili ko.Hinawakan niya ang mukha ko tsaka pinisil-pisil iyon."Hindi yan kamalasan. Isa yang uportunidad na ibinigay sa iyo ng panginoon. Binibigyan ka niya ng mabigat na pagsubok para mas maging matatag ka pa sa susunod mo pang mga pagsubok."sabi nito sa akin na may ngiti sa kanyang labi.
Napatingin ako ng deretsahan sa kanya. Titig na titig pa rin ito sa akin. Ngunit saglit lang ay tumingin ito sa kalangitan.
"Sweet,You're my moon and I am your sun. Kahit gaano pa kainit ang araw at kahit gaabo pa kalakas ang araw,natatalo iyon ng buwan sa gabi. Parang pagpaparaya lang iyan. Si araw kahit malakas siya,nagpaparaya pa rin siya sa pinakamamahal niyang buwan."nagbibiro ba siya?Hay naku mga lalaki talaga oh!
"Hugot?"tinanggal ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa mukha ko.
Itinapat niya sa mukha ko ang kamay niya at hinawakan niya iyon. Hindi ako nakagalaw dahil nabigla ako.
"Sweet... Mahal kita. Mahal na mahal."nagulat ako sa sinabi niya. Wala akong nagawa kundi ang tumingin lang sa mga mata nito.
Totoo ba yung narinig ko?Mahal niya ako?Mahal na mahal?
Paano kung mahalin ko rin siya?Sasabihin ko na ba ang tunay na nararamdaman ko?Paano kung masaktan lang ako?
"T-trill,ahhmmm.... paano ka ba sasabihin to. Ahh... Trill, ahhhmmmm....."pautal-utal kong sabi sa kanya.
Hindi ko naaabi kaagad ang sinasabi ko kay Trill. Sa di kalayuan,narinig ko si kuya na sumisigaw.Pero paano siya napunta rito?
"Sweeeeeet!!!"teka!? Si kuya ba yun? Si kuya nga. Pero paano niya ako nahanap?
Sigaw ni kuya.
"Magtago ka Trill. Baka makita ka ni kuya at makita niya akong kasama kita."sabi ko sa kanya.Agad na nagtago si Trill sa may puno. Nakita naman kaagad ako ni kuya Sam at agad itong lumapit. "Sweet,bakit ka nandito?"
"Ahhh.... kuya,kasi...."tumingin ako sa punong pinagtataguan ni Trill. Nakangisi pa rin ito sa akin habang kumakaway at nagtatago sa puno. Muli akong tumingin kay kuya.
"Sweet,alam ko kung nagsisinungaling ka."sabi nito sa akin. Hays!
Alam niya kung nagsisinungaling ako. Nginig na nginig kasi ako kaya alam niya iyon. Iyon ang senyales na nagsisinungaling ako.
"Tsaka isa pa kaninong kotse ito?"pagtataka nito.
"Kay----kay T-Trill po kuya."ops! Nadulas ako. Lagot!
"Sino si Trill?"tanong ni kuya.
Lumabas si Trill sa puno kasabay no'n ang pagngisi niya sa amin.
"Hi?"lumabas si Trill sa may puno.
"Anong ginawa mo sa kapatid ko?"tanong ni kuya.
"Kuya huminahon ka lang! Wala siyang ginagawang masama. Ako ang nagpasama rito. Kuya,"napaluha na ako. Hinawakan naman ni kuya ang pisnge ko at pinunasan ang mga tumutulong luha sa mga mata ko. "Mahal ko si Trill kuya. At mahal niya rin ako. Nagmamahalan kaming dalawa.""Ano? Nahihibang ka na ba Sweet? Tignan mo nga oh,mas matanda pa siya sa akin. Mahal? Mahal mo ang lalaking iyan?"hinawakan ako ni kuya sa braso.
"Kuya,ipangako mo sa akin. Tatanggapin mo siya at hindi mo siya ipagkakalat kahit kanino."sabi ko sa kanya. Mahal ko na siya.
Ano bang kalokohan ang ginawa ko? Bakit ko sinabi iyon?Anong nangyayari sa akin?Tinamaan na ba talaga ako kay Trill?
"Pero Sweet..."hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil inunahan ko na siya.
"Kuya! Mahal! Ko! Si ! Trill!"sabi ko sa kanya habang tumutulo na ang luha ko sa gilig ng mga mata ko.
"Paano kung malaman ito ni nanay?"tanong niya na may pag-aalala
"Basta wag mong sabihin kuya."sabi ko naman sa kanya. Ayokong malaman ito ni nanay,mas lalo pa niya akong pahirapan kapag nagkataong malalaman niya lahat.
"Si-sige."tumingin siya kay Trill. Napatigil naman sa paglalakad si Trill sa narinig niya. Ilang saglit pa ay naglakad na ulit siya papunta sa akin.
Nang makatapat siya sa akin,hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Sumunod ay hinalikan niya ako sa pisnge.
Si kuya naman ay walang nagawa kundi igalang ang desisyon ko.
Mahal ko siya. Mahal na mahal. Nainlove na ako sa kanya.
Noong una,I hate him but now? I Love him so much!
"Tara na Sweet."hinawakan ni kuya ang kamay ko tsaka hinila niya ako papalayo sa kanya. Ngumiti naman si Trill sa akin kaya napangisi ako ng konti sa kanya.
"Paalam prinsesa ko."aambit nito bago kami tuluyang nakaalis sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
16 Year Old Wife [PUBLISHED UNDER IMMAC HEART PUB]
РомантикаSometimes,we need to be strong to be conquered all the dreams you have.It is difficult to enter into a relationship especially when everything is in your hands. But the love you feel right now can be understood at the right time. What the heck is it...