KABANATA 4 [✔]

209 17 7
                                    

Sweet Point Of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sweet Point Of View

Ilang araw din ang nakalipas noong sinuspende ang klase namin. Nagpaalam ako kay kuya na pumunta sa park para maglibang. Pumayag naman siya kaagad. Si nanay naman ay hindi pa siya umuuwi ilang araw na ang nakalilipas.


Hindi din namin sinisisi ang sarili namin dahil alam namin ni kuya na busy siya sa pag-inom ng alak.

Naupo ako sa bench ng park. Tumingin ako sa mga taong masaya. Mga complete family. Yung masasaya sila habang nagtatawanan,nagkukwentuhan. May mga naglalaro din kasama ang mga pets nila. Napakunot noo ako nang may aninong napunta sa harapan ko dahilan para matakpan ng mukha ko ng araw.

Tumingin ako sa pinanggaingan ng anino at nakita ko ang isang lalaking nakadamit ng long sleeve at nakapantalon ito. Simple lang ang ayos niya at napakagwapo niyang tignan.

"Hi!"napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano ano ng marinig ko ang malamig na boses nito. Hindi muna ako lumingon ng deresto dahil nasisinagan ng mata ko ng araw. Nasisilaw ako.

"Hi Sweet!"ulit nito na may pangalan ko na ng sinambit niya.

"Napalingon ako sa kinalalagyan niya. Simple lang talaga ang ayos niya. Napakagwapo niyang tignan. May dala siyang dalawang white roses. Tumingin naman ako sa kanya. Ang mata niyang napakaamo.

Ang mata niyang inosente.Napakasarap tignan.

"Flowers for you."

Kinuha ko naman yung flowers niya at patago ko iyong inamoy.

His voice.

His howling voice.

His sweet voice.

I like his voice.

I like his attitude.

I like his simple body.

I like his cute face.

His red lips.

Blue eyes and good looking eyes.

Tall.

I like him.

I fell inlove with him. I'd trapped on him.

Umupo siya sa tabi ko. Tinignan ko siya na nakatingin sa mga batang naglalaro. Bakat sa mukha niya ang masayang mukha.

Lumingon siya sa akin nang maramdaman niyang tinititigan ko siya.

Si Trill.

"Salamat."sabi ko sa kanya.

"Kamusta ka na?"tanong nito sa akin. Ngumisi naman ako sa kanya ngunit hindi deretso.


"Ok naman ako."sagot ko.

Ang ganda ng mata niya.

He's 23 and I'm 16 only when I first met and when I love at third sight.

"Gusto mo bang kumain? Libre kita."tanong niya sa akin.

"Wag na. Aalis na din naman kaagad ako maya maya."Pagtanggi ko.

Baka kasi dumating si nanay ng wala sa oras at baka hanapin niya ako.

"Sure ka?"siguro nito.

"Oo. Aalis na rin ako maya maya."sabi ko naman.

Ilang minuto din kaming magkasama sa iisang bench. Natutuwa ako sa kanya.

Feeling ko,comfortable ako sa kanya. Feeling ko,hindi niya ako papaiyakin kapag naging asawa ko na siya. Pero hanggang crush muna ako.

Tumayo ako."Oh sige alis na ako."paalam ko.

"Ihatid na kita?"tanong nito sa akin.

"Hindi na ho kuya."sagot ko. Magalang lang ako.

Oh my gesh!

"Kuya? Masyado namang matanda yan. Pwede namang baby haha..."hay naku!Loko toh.Pilosopo pa haha.. pero nice joke baby... wews!

Umalis na ako sa park habang siya ay naiwan doon.

FAST FORWARD....

Natapos na din ang pagkansela ng klase namin. Ngayon,ay balik na sa pagiging estudyante at alam kong marami pa akong kakaharapin.

Lunes,bandang alas dos ng hapon. Naglalakad ako kasama si Donna. Nakangiti siya palagi sa akin. But feeling ko,plastik lang iyon. Nandiyan siya kapag nakaharap ako pero kapag nakatalikod na ako ay para akong sinasaksak ng libo libong kutsilyo sa buong katawan ko.

Panay pambubully ang alam nila sa buhay nila.

Buti na lang hindi pa nila ako nabubully. At ngayon pa lang magsisimulang bullihin ako.

Kaya naman inihanda ko na ang sarili ko sa pwedeng mangyari.

Uupo na sana ako sa upuan ko pero sinuguro ko muna ang bitag nila. Ngayon,comfortable na ako.

Umupo ako. Wala namang nangyari. Lumingon ako sa kanilang lahat. Panay tawa sila ng tawa. Hindi ko alam kung anong pinagtatawanan nila pero hinayaan ko na lang iyon.

Sa bandang harapan,may mga kaklase akong sumasayaw,kumakanta at kung ano ano pang ginagawa.

May nagkakamustahan. May nagtatawanan.

Yun pala,yung pinagtatawana nila ay ako mismo.

"Tumayo ka Sweet!"sabi ng isa kong kaklase.

Tatayo na sana ako pero parang nakadikit na ako sa upuan. Nang tumayo ako ng deresto,sumama yung upuan. Panay ang tawanan nila. Hinayaan ko na lamang iyon. Ayoko ng gulo.

Ayokong matulad sa ibang estudyanteng hello guidance goodbye good manners.

Kaya pinasadiyos ko na lamang ang ginagawa nila sa akin.

Tinanggal ko ang upuan sa palda ko. Pagkaalis ko, napunit iyon kaya bumalot ng malakas na tawanan sa loob ng kwarto. Napunit ang palda ko.

Nakakainis!

Babawi ako. Promise yan!

Pero hindi pa ngayon.

Ilang saglit pa ay dumating na ang professor namin.

Umupo na ako ng maayos at hindi ko na inalintana ang palda ko. Tumingin ako ng deretso kay professor hanggang sa matapos ang klase namin.

16 Year Old Wife [PUBLISHED UNDER IMMAC HEART PUB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon