Prologue (simula)

18 1 0
                                    

(Sa'n nga ba ako magsisimula? Huhu...ipapakilala ko na ba agad yung bida? Magkikita na ba agad sila ng kapareha niya? Huhu ano ba talaga? Self kalma, sapakin kita e.)

( T^T)

++++++

"I said let's talk! Ano bang inaarte arte mo ha? Mag uusap lang naman tayo! "

He keep on yelling on me. Parang mababasag na ang eardrums ko sa pag sigaw niya. My heart was beating so fast. My knees are trembling that i can't stand straight anymore. My palm sweating because of the situation. He's holding my hand tightly that i can't bear to get away. Malakas at masakit ang pag kakahawak niya sa kamay ko.

Namamawawis na ako dahil galing pa ako sa pagsasayaw. I'm a bit tipsy na din. Pero hindi pa ako lasing.

Kinakabahan na ako sa uri ng pag tingin ni Miguel. My ex-boyfriend. We're done two weeks ago. Tapos makikita ko siya dito? And yayain niya ko na makipag usap? Huh! Para saan pa? Magsisinungaling na naman siya? Ayaw ko ng makarinig ng panibagong kasinungalingan mula sa kanya. Kaya manigas siya jan at hindi ako makikipag usap sa kanya! Never!

I did my best para makawala sa hawak niya. Nagpumiglas ako kahit nasasaktan ako dahil sa kukong nababaon sa balat ko. Punyeta talaga tong lalaking to. Kahit kailan ay wala siyang respeto! Nasasaktan na ako't lahat lahat e wala siyang pakialam masunod lang ang kanyang gusto!  Nagpupumiglas ako gamit ang natitira kong lakas. I pushed him hard. Nakawala ako at agad ng lumipad ang kanang kamay ko sa muka niya.

He stiffened because of my sudden slap. Hindi ko pa siya nasasampal at ngayon pa lang.

Pulang pula ang kanyang muka. Mababakas ang pulang nilikha ko sa kaliwang pisnge niya dahil sa lakas ng sampal ko. Pero WALA AKONG PAKIALAM! He deserved that! Kulang pa yan sa lahat ng panloloko niya.

"And now, you have the guts to slap me! Ha! To hurt me Cassy! " He said gritted his teeth. His piercing eyes directing on me. I can see his anger and disbelief.

"Of course! Ikaw nga nagawa mo akong saktan ako pa kaya?! " I said leveling his anger.

Nag iinit na ang muka ko. My heart keeps on beating so fast. Nanginginig ang kamay ko na pinanampal ko sa kanya. Parang gusto ko ulit itong paliparin sa muka niya.

Nanggigil akong saktan siya. Iparamdam sa kanya ang pinaramdam niya. Ang kapal kapal ng muka niyang mag pakita pa sa akin sa kabila ng ginawa niya.

"I just want to have a talk with you Cass. I want to explain my side. Bakit kasi ayaw mo akong pag bigyan? " Bigla pumungay ang kanyang mga mata at banayad ang kanyang pagsasalita. It's like that he's tired. Huh! Hindi mo ako madadaan sa paganyang ganyan mo Miguel.

Nagmatigas ako sa kabila ng pag kalma niya. I keep on looking at him. Yung tinging pamatay.

"Wala na tayong dapat pang pag usapan. We're already done. Tapos na tayo at hindi na tayo mag uusap kahit kailan. "

"Babe, sasayangin mo lang ba ang dalawang taon natin?" Malumanay ang pagkakasabe niya nun.

Nag init ang gilid ng aking mga mata. Suddenly our sweets moment appeared on my mind. Our smile. Our loud of laughs because of our own corny jokes. Our holding hands while walking. Our moments on cinehan. And many more appeared on my mind.

I felt melted. Nanlambot ang tuhod ko. Bumagsak ang balikat ko. Napatingin ako sa aking mga paa'ng nanginginig.

Lumandas ang mainit na luha sa aking pisnge. Mahal ko siya e. Mahal na mahal ko siya. Minahal ko siya ng sobra sobra. Yeah.... Bata pa ako. Pero may pakiramdam din ako. I love him truly and wholeheartedly. I fought our relationship to my parents. Ayukong mawala siya. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Nagawa kong maging bingi at bulag. Huminga ako ng malalim. Pinilit kong tumingin ng walang ekspresyon sa kanya.

"Sana ay...naisip mo yan, nang gawin mo akong tanga at boba. Sana ay naisip mo yan ng mga panahong magkasama kayo ng babae mo sa kama. Sana ay naisip mo yan habang sinisigaw mo ang pangalan ng iba habang sarap na sarap ka. SANA AY NAISIP MO YAN BAGO MO AKO SAKSAKIN NG PATAGO AT LOKOHIN NG NG WALANG KAALAM ALAM. SANA AY NAISIP MO YAN HABANG HINAHALIKAN MO SI HANNA!" I yelled on his face. Dinuro ko siya at pagod na pagod akong nakipag titigan sa kanya.

"Sana ay naisip mo yan bago..... bago ka nakipag relasyon kay Hanna, habang tayo pa. "

Sinubukan niya akong hawakan sa siko kaya mabilis kong iniwas sa kanya.

"Cass... "Malumanay paring pag tawag niya.

"Kaya wala na tayong pag uusapan pa.  Yung sinasabi mong dalawang taon nating pagsasama? Nabura bigla dahil makasarili ka. Hindi ko lang mabigay ang gusto mo hinanap mo na sa iba. And worst, kay Hanna pa. Ow well, maganda naman talaga siya. Good for you, easy to get. Masarap ba? " I keep on eyeing him. Nag iwas siya ng tingin. Nahiya pa ang gago.

"Of course masarap. Hindi naman kayo magtatagal ng tatlong buwan kung hindi."

Nanatili kaming nakatayo sa gitna ng parking lot ng bahay nila Julia. Kaibigan ko. Nag paparty kami dahil tapos na ang aming second semester sa junior high.

Huminga ako ng malalim at tumayo ng maayos sa harap niya. Napatingin siya sakin at....hindi ko pinahalata ang gulat ko dahil taena umiiyak siya.

"Wag mo sana akong gulohin pa. Pasalamat ka nga, may Hanna ka pa. "

Nginisian ko siya at agad ng tumalikod dahil pakiramdam ko naiiyak na naman ako. Ang sikip ng dibdib ko sa twing nababanggit at naririnig ko ang pangalan ni Hanna. She's my old friend. Saksi siya sa pinag samahan namin ni Miguel. Hindi ako agad naniwala sa naririnig ko noon. Sa nakikita ko, pinipilit kong namamalik mata lang ako sa twing may sinasakay na lalaki si Hanna at sinasabe kong hindi si Miguel yun dahil may sarili siyang kotse. Bakit naman siya makikisakay diba? Pero nag kamali ako, alam ko na pala sa sarili ko na niloloko na ako pero pinili kong lokohin ang sarili ko dahil sa takot na masaktan ako. Pero wala nasaktan parin ako at mas masakit pa pala dahil harap harapan kong nakita at narinig ang panloloko nila.

"I love you baby. " She kissed Miguel on his lips. Kitang kita ko ang mga dila nilang naglalaban sa kababoyan nila.

"I love you too. " Para akong binuhusan ng isang baldeng punong puno ng yelo sa sinabing yun ni Miguel. I can see his happiness in his eyes. Sa mga mata niyang nakatingin kay Hanna.

Tumalikod ako at piniling wag ng lumabas sa pinag tataguan kong kotse na nasa gilid lang ng sasakyan ni Hanna. Hinatid siya ni Miguel. Tahimik akong umiyak at sinarili ang sakit na nadarama.

Hindi pa ako tuloyan nakakalayo ng may humigit sa braso ko.

"Cass....babe... I-i am very sorry for what I've done. I-I'm really sorry babe. "

"If you really are sorry. Stop calling me babe, dahil nandidiri ako. If you really ere sorry, stop chasing me. Stop pursuing me, dahil oo tanga ako, pero hindi ako tanga para pumulot ng bato na ipupukpok sa ulo ko. "

"Cassy babe.. "

Tinanggal ko ang kamay niya galing sa braso ko. At tinalikuran na siya. Mas binilisan ko pa ang pag lalakad ko at baka maabutan na naman niya ako.

Akala ko yun na ang pinaka masakit na mangyayare sa akin ng gabing yun.

Gumuho ang mundo ko. I, literally stop from breathing. I can't breath properly. Huminto ang mundo ko. Nanginig ang buo kong katawan at sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung hahagulgol ba ako o magsisisigaw. Gusto kong sumigaw!

Hindi ako makapaniwala. Hindi to totoo. Fuck! Hindi! Anong nangyare? Nagising nalang ako sa pagkalasing dahil sa isang balitang ikaguguho mundo ko.



In that same night, mommy died’.




hope you'll like it!

Girl In The Dark [On Going ] Cassy Samantha Murphy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon