•Chapter Four•

3 1 0
                                    


I half open my lips as what my makeup artist said. Pina ikot ikot ko ang paningin ko sa loob ng studio type room kung saan ako minimake up'an ngayon.

Ngayon ko na ishoshoot ang mga jewelries ni tita Madie. Kanina pag dating ko ay agad siyang bumeso sakin at pinakain muna ako.

Pagkatapos nun ay pinatawag na niya ang magiging makeup artist ko at pinasunod niya ako dito.

"Ayan, tapos na! bagay na bagay sayo ang nude shade na lipstick. Bongga! Ang gondo gondo mo!" patiling sabe niya.

Inayos ko muna ang pagkakaupo ko sa swivel chair bago ako humarap sa salamin.

Simple lang ang makeup, hindi masyadong makapal. Light makeup lang ang ginawa niya sakin, dahil necklace daw ang una kong imomodel.

"Salamat. " harap ko sa kanya.

Lumabas na kami ng room dahil tapos na akong ayusan.

Dinala ako Rossete;yung baklang nag ayos sakin, sa kabilang room.

Agad naman akong nahiya dahil ang andami nilang nandoon sa loob, at wala akong kilala ni isa sa kanila bukod kay Rossete.

Nadatnan ko ang isang lalaking kinukuhaan. Suot niya ang Silver wristwatch.

Pinabaling siya sa kaliwa at pinataas ang kanan niyang kamay kung saan nakalagay ang relo. Isinuklay niya yun sa buhok niya, at napatingin siya sa gawi ko.

May hitsura ang lalaki, muka siyang korean kpop idol dahil may bangs siya. Muka ring naka liquid lipstick siyang may pagka hawig sa shade na nude.

Napataas ang kilay ko ng mag tama ang mata namin. Bigla siyang ngumiti kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung gagantihan ko yung ngiti niya.

"Good! Very good! Smile Clint! More! " Sigaw ng photographer na ikinagulat ko.

Napatingin na naman ako dun sa lalaki na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa akin.

Napilitan siyang umiwas ng tingin ng pinatingin naman siya sa camera pero nanatiling nakasuklay ang kamay niyang suot ang relo'ng minomodel niya.

"Great!  Good job Clint! " Sigaw na naman nung photographer.

Umalis na si Clint dahil pinalapit siya para siguro ipakita ang mga kuha niya.

"Andito na Ms. Murphy. " Sigaw ni Roseete sabay hila sa akin at pina punta sa gitna.

Nung una ay nasilaw pa ako sa mga ilaw na nakatutok sakin, pero unti unti din akong nasanay  ilang sandali lang.

Kulay black ang carpet pati ang wallpaper sa likod ko.

Inalis ang high stool na inupuan nung Clint na naunang mag model. Pinalitan yun ng one seater sofa. Daring red ang kulay ng sofa.

Nanatili akong nakatayo dun dahil wala pa namang sinasabi ang photographer na gagawin ko.

Busy siya sa pag papakita ng mga pictures na kuha niya kay Clint. Na muka namang hindi nakikinig sa kanya, titingin sa monitor ng saglit tapos titig naman sakin. What's with this guy?

I silently rolled my eyes. Halatang chixboy.

Maya maya lang ay natapos na din sila, tango lang ng tango si Clint sa sinasabe ng photographer habang nag nanakaw parin ng tingin sakin. Pinabayan ko nalang at baka nagkakamali lang ako, baka yung sofa yung tinitignan niya at akala ko lang ako. Masabihan pa tayong assuming.

Unang ipanasuot sa akin ang isang necklace na may blue diamond pendant. More of fierce ang pinagawa sa akin dahil maganda daw tignan ang necklace kung seryoso lang ang awra.

Girl In The Dark [On Going ] Cassy Samantha Murphy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon