•Chapter Three•

7 1 0
                                    


"Prennyyyy..... "

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ako ang isang pamilyar na boses. Ang maingay na boses. Psh.

Gumilid kaming dalawa ni Danna sa corridor dahil madami ding naglalakad.

Hinihingal siyang napatingin sakin at nginitian ako ng ngiting abot langit. Kita lahat ng pantay pantay at mapuputi niyang ngipin.

Nginitian ko din siya pero pilit. Hindi parin ako okay dahil sa nangyare sa pagitan namin ni Daddy. Pero pinipilit ko paring maging okay, life must go on. Okay lang maging malungkot pero wag naman oras oras.

"May....whoaahhh" Kinunotan ko siya ng noo at sinamaan ng tingin, sumigaw ba naman.

"Opss sorry sorry, sorry po. " At nag bow bow pa sya ng ulo habang humihingi ng paumanhin sa mga studyanteng nag sitinginan sa amin.

"Hinihingal ako. " Mahinang bulong niya sakin.

"E hindi ka ba naman gaga, bakit ka nagtatatakbo takbo? " Inismiran ko siya, kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko sa skinny jeans kong suot. Pinagpag ko yun at sinimulang punasan ang noo niya.

"Yiee ang sweet talaga ng prenny ko..." Sinundot niya pa ko sa tagiliran ko kaya lumayo ako ng unti sa kanya. Tinignan ko siya ng masama. Pinunasan lang OA na naman.

"Hahahha kidding, so eto na. May maganda akong balita sayo, as in kasing ganda ko. " Taas baba ang kilay niya at anjan na naman ang nakakahawa niyang ngiti.

"Oh ano nga yun? " pang asar kong tanong.

"Ehem, si Tita Madie kasi,  nag hahanap ng magmomodel ng mga jewelries niya. Kahit hindi daw professional basta may gandang panlaban. Prennyyy ikaw agad pumasok sa isip ko, kaya sabe ko kay Tita wag na siyang maghanap dahil nahanap ko na ang kailangan niya. Ang kailangan mo lang e, meet her personally. Tapos teden may panibago ka ng part time. "

Nanlaki ang mata ko sa sinabe niya. Parang may biglang nawalang nakadagan sa dibdib ko. Raket na naman ito. May pandagdag na ako sa pang tuition ko. I'm so lucky to have this jolly friend of mine.

"Talaga?! " Hindi makapaniwala kong tanong at hinawakan siya sa magkabilang kamay.

Nag nod lang siya sakin habang ngiting ngiti na para bang proud na proud siya, dahil nasulosyonan niya ang problema ko.

"Waaahhh Dan, seryoso? Legit yan?  O my God! Kailangan ko talaga ng another part time, next week na ang paying ng tuition. Hulog ka talaga ng langit. " at niyakap ko siya ng sobrang higpit habang nagtatalon talon kaming dalawa dun, na parang baliw. Well wala na kaming pakealam, overwhelming ang nararamdaman namin at hindi nman mapipigilan iyon.

Humiwalay kami sa isat isa. We giggling like there's no tomorrow. Ngiting ngiti kami sa isat isa.

Umayos siya ng tayo at tumingin ng diretsyo sa mata ko. I saw sadness and anger in his little round shape eyes.

He grab my one hand and pinch it. Ngumuso siya at nagsalita.

"Hindi ka ba talaga pwedeng mang hingi sa Daddy o kaya sa K-kuya mo ng pang tuition prenny? " She suddenly asked.

To be honest, i really don't know how to make her understand about my family's situation. If i call it family.  :((

"I will be really happy if i could get some money or only just for my tuition from daddy or kuya. But... i understand them naman e, wala na kaming pera. Wala na ang kompanya kay daddy at si kuya... " I paused.  Biglang nanikip ang dibdib ko.

"Hays. Wag na nga nating pag usapan,  bobo ko talaga mag bukas ng topic. Kaya walang nagchachat sakin hahaha. " Danna tried to lighten up my suddenly change of mood.

Girl In The Dark [On Going ] Cassy Samantha Murphy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon