•Chapter Twenty-Five•

2 1 0
                                    


Shawn's move

——————————————






"May sakit ka?"


Tanong ko agad. It's possible. Nakatalukbong siya ng kumot at walang apoy na bumuga sakin...so i guess baka may sakit?


Bumalikwas siya ng upo at nakita kong naka sando lang ang loko. Malaki ang katawan niya kaya kahit sino naman siguro mag guglue yung mata sa katawan niya diba? Fitted ang sando at yakap yakap siya nito kaya kapansin-pansin ang maganda niyang katawan. Malalaki ang braso niya at kitang malaman.


I tilted my head. Shit. Ano tong nasa isip ko? Masyado na akong malaswa ha.


"Bakit ngayon ka lang? "

Napakagat ako ng labi sa tono ng boses niya. Mababakas ang inis. Bakit siya naiinis? Baliw ba sya. Alam niya na naman na may pasok ako.


"Hello? May pasok po yung alipin niyo. Master. " pinag diinan ko ang huli.

Kahit na kulang sa liwanag ay nagawa ko paring makita ang pag ikot ng mata niya.



"Buy this. All of this. Kailangan ko yan mamaya, kaya bumalik ka agad. "


May nilapag siyang papel at ilang libo sa gilid ng kama niya. Humiga na siya ulit at tingin ko ay matutulog ulit to.


"Sigurado ka? Wala kang sakit? "


I bit my lip as i finished my word. Bakit ba ako nagtatanong? Ang baliw ko din minsan e.


"Why worried? "

"I am not! " i hissed and almost shout.


He smirked wickedly. Damn his wickedness!

"Okay. Go and make your master happy. "



Kinuha ko ang papel na tingin ko ay listahan ng mga bibilhin ko pati na ang pera.


Bumababa ako at nag offer si Bryle at George na samahan ako but i refused. Sikat ang mga ugok kaya baka ma issue tayo, mahirap na.

Pagdating sa mall ay dumiretso ako sa national book store dahil puro pang acad ang pinapabili niya. Madaming project ang loko kaya siguro nag papahinga dahil sasabak siya sa gera.


Matapos kong mamili ay napadaan ako sa super market ng mall. Pumasok ako at naisipang bumili ng sariling pagkain. I bought 1dozen of yakult and different kind of chocolate candies.


Dinala ko ang inutos sakin ni Shawnlee sa library, don ko diniretso dahil dun naman siya gumagawa ng mga school thingy niya.


"Asa library na ang pinabili mo. Baba na ako at magluluto, tatawagin nalang kita. "


Wala akong nakuhang sagot mula sa loob ng kwarto niya kaya nagkibit balikat nalang ako bago bumababa para maipagluto sila ng dinner bago umuwi.

Ganto lagi ang ginagawa ko. Pag hindi ako masyadong busy ay pinag luluto ko sila. Meron namang marunong sa kanila pero ito ang gusto ng hari nilang dragon.

Sa loob ng ilang buwan ay nasanay na ako. Ako yung taong hindi gagawin ang isang bagay na hindi ko naman gusto. Matagal ko ng ginagawa ito at ni minsan ay hindi ako nag reklamo. Gusto ko silang ipagluto. Ewan. Mabait naman kasi sila sakin. Kaya....

Pagdating sa bahay ng araw ding yun ay umakyat agad ako sa kwarto ko. Nakikain narin naman ako sa kila Shawn kaya mag hahanda nalang ako sa pagtulog.


Girl In The Dark [On Going ] Cassy Samantha Murphy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon