•Chapter Eighteen•

4 1 0
                                    


Gumawa ako ng tuna, ham and bacon sandwich. Pineapple, grapes and strawberry juice, hiyang hiya kasi ako sa kaartehan nila. Ayaw ng isang flavor lang ang inumin.

Huling lagay ng plato na may sandwich sa tray ay nagpagpag na ako ng kamay. Naghugas sa lababo, at pagkatapos linisin ang counter table ay binitbit ko na ang isang tray na mag pagkain.

I made a long sighed. Composing myself perfectly, i opened the door of the library. Pagkabukas ko palang ay tumambad na saking pandinig ang ingay nila.

Ito lang ata ang library na sobrang ingay, paano sila dyan nakakapag aral? O nag aaral nga ba sila? Tsk.

I closed the door behind my back. Pilit na ngiti ang ginawa ko habang palapit sa kanila.

"Tangnamo Kent! Babato ko na talaga sayo 'tong libro! "

"Gago! Ako na naman nakita mo! "

"Hoy! Manahimik nga kayo! Kita niyong nag rereview ako! " si George na seryoso silang tinignan.

Nagkatingin si kent at Bryle bago humagalpak ng tawa. May pahawak pa sa tiyan niya si Kent habang nalaglag naman na sa sofa'ng inuupuan si Bryle. Mga baliw.

Paano ko kaya natagalan ang mga 'to? Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko.

Kanina pa ko nakapasok ngunit parang walang nakapansin sa beauty ko. Mga sira ang ulo.

"Tang ina George! Anong review? Review kung paano mo makukuha ng sabay ang dalawang babae sa isang araw? " at humaglapak na parang baliw si Bryle. Ganun din si Kent.

"Uy wag nga kayong maingay, seryoso si bossing oh. " nguso ni Tairon sa seyosong Shawnlee. Kaharap ang ilang papel at sa gilid ay bukas na laptop niya.

"Tang ina, kailan niya pa nadiskubre ang salitang aral?  Ha? Tairon? " nagpipigil na tawa ni Zach.

"Ewan ko, baka end of the world na kaya..." nagkibit balikat naman si Tairon, natatawa parin.

"Tang ina! Baka may bagsak?! "

Napaikot nalang ako ng mata sa nga walang kwenta nilang rants.

Dumiretso ako sa malapad at may kataasang mesa sa may gilid. Ibaba ko nalang tong tray at kukunin ko pa ang isa.

"Uy Cassy, andito ka na pala! " rinig ko si Kent.

"Yeah. " tamad akong bumaling sa kanila.

Napatingin sa kin si George at as usual, nagawa niya pa kong kindatan. I rolled my eyes. Si Bryle naman ay umayos ng upo sa sofa, parang natataranta. Si Kent naman ay walang pakialam na bumukaka. Si Tairon, balik sa cellphone niya. Si Zach naman ay nakangising ginala ang paningin niya. At ang iba, wala na kong pakialam.

Bumuntong hininga ako at napatingin sa isang direksyon. I jumped a bit when i met his gaze. His eyes are full of confusion. But, meanwhile, he became an expressionless. I looked away at sinulyapan ang lamesa.

"Ginawan ko na kayo ng meryenda, maaaga akong aalis ngayon, so... "

"San ka pupunta? "

Parang sinakal ako'ng bigla ng magsalita siya. I bit my bottom lips. Okay Cassy, wag kang over reacting dyan. Namonggoloyd ka lang kanina kaya ka nag kakaganyan. Umayos ka!

At pakialam na naman ba niya kung san ako pupunta?

"Basta, may kailangan lang akong gawin. "

I tried to look at him but i failed. I looked away.

"Sama ako Cassy, amboring na dito e. " kunot noo akong napatingin kay George, tinaasan ko siya ng kilay at halos ibato ko sa kanya ang tray sa gilid ko ng kinindatan na naman niya ko.

Girl In The Dark [On Going ] Cassy Samantha Murphy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon