•Chapter Twenty-Six•

6 1 0
                                    

Weirdness

————————————





Nakanguso ako ngayon. Nasa likuran ko sila Shawn. Rinig ko ang bungisngis nila sa isa't isa maliban malamnang sa dragon. Akala ko kanina mabubugahan ako ng apoy dahil tinawanan ko siya.


Hindi ko lang talaga napigilan. Si Shawn ang may pinaka malaking katawan sa kanilang lahat so what do you expect? Grabe! Sobrang iksi ng damit sa kanya. Masikip at halos pumutok na to dahil masyado talagang maliit para sa katawan na meron siya.


Nagsimula na ang event ilang minuto lang. Pansin ko ang napapakagat at napapabungisngis na palihim na tumitingin sa side namin. Ngumuso ako sa pamumula ng isang maputi at naka ponytail na babae. Masyado siyang bulgar kong makatingin. Lalo na kay Shawn na nakabusangot ang mukha.


I looked at him. Pouting. Pinilit ko na sa mukha niya lang mag focus dahil baka masigawan na niya ako kung pagtatawanan ko ulit siya dito.


He turned his head to me and our eyes locked. Ngumuso siya at dumilim ang mata. Umusod ako sa pwesto niya. Nasa gilid kasi ako kanina at sya naman ay nasa gitna.


"Stop laughing at me. You heartless, tinulongan kaya kita. " nguso niya sakin.


I keep my eyes on his face, only his face.


"Hindi naman ah. " inosenteng wika ko at napatingin sa bumubungisngis na Kent sa likod. I bit my lip. Siraulo talaga tong si Kent. Akala mo naman hindi siya nag-mumukhang suman ngayon.


"Hindi daw. "


Bulong niya. Sasagot pa sana ako pero nagsalita na ang host na mag sstart na daw ang program.

Nagkaroon ng pag papakilala ang kasali sa organisasyon. Kasama si Mrs. Ching, isa sa mga sikat na sensador dahil sa kagalingan nitong mamuno. Siya ang head ng org. Pumalakpak ako pagkatapos niya mag bigay ng speech.


Ang sarap sa pakiramdam na malamang may mga tao paring katulad ni Mrs. Ching. Kung may paraan para makatulong ay ginagawa niya. I know, hindi lahat ay may kakayahan sa mundo. I mean, this is the reality. May mayaman at may mahirap. Sa panahon ngayon ay bihira lang ang tumutulong na mayaman sa mahirap. And it feels so overwhelming to know that there are kind of people na handang mamahagi ng blessings na meron sila from their heart.

Matapos ang pag papakilala sa mga guests and sponsor ng event ay pinapunta naman lahat ng legitimate volunteers. Umakyat ako sa stage at nakipila sa mga tulad kong volunteer din. Ngiting ngiti ako habang kinukuhaan kami ng litrato. Napa angat ang paningin ko sa pwesto namin at sinalubong ko ng madilim na tingin ni Shawn. I arched my brow.  Problema na naman nito?



"Ang daming gwapo."


Nahagip ng pandinig ko ang mahinang bulongan ng mga babaeng katabi. Nasa kila Shawn din ang kanilang paningin at kulang nalang ay magtitili sila para mapansin. Psh.

Nag volunteer ba sila para sa mga bata o para lumandi?

Uminit ang dugo ko at unto unting naging pilit ang ngiti ko. Kasalanan to ng mga babaeng yun e!


"Thank you po, ate. " nakangiting tumingala sakin ang batang binigyan ko ng libro.


"You're welcome. Basahin mo yan ha. "

Nag simula ang program at bumalik na ang genuine smile ko dahil sa akin na assign ang pamimigay ng libro sa mga bata.


Ito talaga ang pinag dadasal ko ang manguna sa pamimigay ng libro, bukod kasi sa I'm a book lover ay kakaibang saya ang nahahatid sakin twing nakikita ko ang mga bata na may hawak na libro at hindi gadgets.


Girl In The Dark [On Going ] Cassy Samantha Murphy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon