DRUNK
*HAILEY'S POINT OF VIEW*
Kaya lang naman ako bumaba kanina kasi ang ingay. Nagtaka lang naman ako at na-curious. Yung Dark Knights pala yun.
Bumalik ako agad sa kuwarto nang tanungin na nila ako, Luke ata pangalan ng nagtanong eh. Eh di ko naman alam ang isasagot, naka-blank face pa nga yung mokong eh. Bahala na syang sumagot sa tanong nila.
***
After ko aralin yung mga past lessons na na-miss ko, nagdecide akong mag-shower. Ang lagkit ko na kaya.
Tinignan ko ang wall clock at nakitang 6pm na. Ang bilis ng oras. Kanina 2 or 3pm pa lang eh.
Kinuha ko na ang towel ko saka ako pumasok sa CR.
I hummed a song while in the shower. Ilang minuto rin ako roon bago ako lumabas.
Nagulat ako nang makita si Clark na nakadapa sa kama ko at tulog.
"Hoy lalake!" Sabi ko sabay lapit sa kanya. Inuga-uga ko na si Clark pero di pa din nagigising.
"Anubayan." Hinayaan ko na lang muna sya doon at kukuha na sana ng damit nang bigla nya akong hinigit.
"H-hoy!" Sigaw ko. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko.
Pano eh nakatupis lang ako tapos hihigitin nya pahiga ng kama?! At katabi ko pa sya!?
"Mmmh." He jut didn't mind. Niyakap nya lang ako.
"Uhm C-Clark, I-I need to get dressed." Sabi ko saka pilit na tinanggal ang braso nya, buti naman at binitawan nya ako.
Ano ba naman tong lalaking toh?
Kumuha ako ng damit saka pumasok sa CR. I am wearing a sando and a pajama now.
Paglabas ko, nakita ko pa din si Clark na nakahiga sa kama. Umupo ako doon at naamoy ko ang alak. Baka ito yung ininom nila kasama ng Dark Knights kanina.
Tsk tsk talaga.
Nagulat ako ng higitin nya ulit ako papahiga. Pero this time...
dO////////Ob
d>>///////<<b
Nakapatong sya sakin at nakatitig sakin!
"C-Clark.."
"Emily..." he muttered. Who's Emily? At bakit p-parang nalungkot ako? I knew I was sad by the sudden statement but I pushed the thought and emotion away. "I still like you." Sabi nya saka linapit ang mukha sakin.
OMYGAHD.
dO_Ob
Magkadikit na ang ilong namin at nararamdaman ko na din ang hininga niya.
Bago nya pa makuha ang first kiss ko, tinulak ko na sya kaya napahiga sya sa other side ng kama. Napahinga naman ako ng maluwag. Sya? Ayun bagsak na.
My ghad. Di ko kinaya yun!
"I still like you."
Sino si Emily?
*CLARK'S POINT OF VIEW*
Nagising ako sa higpit ng yakap ko sa unan ko. Nagulat ako nang humihinga iyon.
Umatras ako at tinignan kung ano ang niyakap ko. Di pala ano, sino!!!
Si Hailey!
Nakita ko kung gaano kaaliwalas ang mukha nya habang natutulog. Wala sa sariling hinawi ko ang buhok na tumatakip sa mukha nya. Binitawan ko yun agad nang ma-realize kung anong ginagawa ko.
YOU ARE READING
The Moon Princess
Teen Fiction[ to be edited soon. ] [BOOK 1 COMPLETED] She's the Moon Princess. He is her servant. A mission to save the Acre Valley. Will these two accomplish their mission? Will they be together forever? Or someone will suddenly fade away? [ book 2 soon! ]