CHAPTER FORTY-ONE

754 28 4
                                    

Finding the Pearls

*Hailey*

Two weeks na ang nakalilipas matapos ang nangyaring yun. Medyo gumaling na din naman ang sugat naming lahat tho may marka pa.

Yung mga kumuha samin doon pati na yung mastermind, nahuli na ng mga pulis at nasa kulungan na.

Kaya I know, we're perfectly safe now.

"Tara."

Napalingon ako sa nagsalita. Sino pa ba ang kasama ko sa bahay na toh?

"San?" - ako

"Date." - sya

"Yoko." Syempre pakipot onti tayu. Tignan natin kung hanggang saan aabot tong lalaking to.

"Dali na." Pagpipilit niya.

"Ayoko nga." Pagmamatigas ko.

"Fine." Aniya saka ako nilagpasan.

Aba! Ambilis pala gumive-up ni Clark. Napailing-iling na lang ako, hindi niya ako makukuha ng ganyan--

"Hoyyyyyy!!!!"

Pano eh binuhat ako ng mokong. Bridal style pa.

"Ibaba mo na ako Clark!"

"Sasama ka o hinde?" Nakangising aniya.

"Yoko nga! Ibaba mo nako!" Pagpupumiglas ko pa din.

Huminto naman siya pagkalabas namin ng pintuan ng mansion. Nagtaka ako nang nasa may likuran kami ng mansion lumabas. As in sa backyard.

"Di kita ibababa hangga't di ka sasama."

"Edi bahala ka jan. Sino ba satin ang mangangawit?"

"Edi bahala ka din. Makikita tayo ng mga kapitbahay na ganito."

"Aish! Oo na nga! Sasama na!" Napipilitan 'kunyare' na sabi ko. Buti at ibinaba na din ako.

"Sus. Kala mo napipilitan pero nakangiti naman.." bulong niya na narinig ko.

"May sinasabi ka ba?" Masungit na sabi ko naman sakaniya.

"Wala po madamme. Tara na?" Sabi niya sabay lahad ng kamay.

Napakagat-labi naman ako para pigilan ang pagngiti ng labi ko. Tae. Edi siya na.

Padabog kong hinawakan ang kami niya. Narinig ko pa siyang tumawa ng mahina bago kami nagsimula maglakad.

Di na ako nag-abalang itanong pa sa kaniya kung saan kami pupunta.

Because I think I know where.

--

Nandito na kami ni Clark sa special place na pinuntahan namin noon. Parehas kaming nakaupo sa may cliff malapit pero hindi sa edge kase delikado.

Nakatitig lang kami sa dagat habang dinadala ng simoy ng hangin ang mga buhok namin.

Napalingon naman ako kay Clark nang dahan-dahan niyang hawakan ang kamay ko.

"First picture... kaya ko buhat-buhat si Emily ay dahil tinawagan ako ng mga gangster na humuli sa kaniya. Sinabi nila na hawak daw nila si Emily. Iniligtas ko lang siya dahil alam ng mga gangster na yun na ex ko siya at baka mapagbuntunan siya. I didn't know it was a part of Emily's plan."

The Moon PrincessWhere stories live. Discover now