CHAPTER FIFTEEN

1.1K 44 1
                                    

Drunk Kiss

*HAILEY'S POINT OF VIEW*

Kinabukasan.

Nauna akong magising kay Chelsea.Mukhang tulog na tulog nga sya eh. May pinagdadaanan, siguro?

Naghilamos lang ako at nagsipilyo. Wala pa ako sa mood maligo eh. Mamayang hapon na lang siguro.

Nakapagbihis na lang ako ng isang white blouse at maikling shorts na gray.

Kakatapos ko lang magsuklay nang may kumatok.

~KNOCK KNOCK!~

Nilapitan ko naman ang pinto at binuksan iyon. Bumungad sakin si Jude. Hindi sya agad nagsalita at tinignan pa si Chelsea. Pagbukas kasi ng pinto, bubungad sayo ang higaan na medyo malayo.pero hagip ng paningin mo. Nakadapa pa nga si Chelsea at may kumot na nakatabing sa kalahating katawan niya. Tapos magulo ang buhok. Hinayaan ko lang si Jude na titigan si Chels. Mukhang aliw na aliw eh, nangiti pa. Tss.

Ilang minuto kaming nagtagal doon kaya nag-ehem na ako at nakuha ko naman ang atensyon ni Jude.

"A-ah s-sorry." Sabi ni Jude na ngayon ay nakatingin na sakin pero sumulyap pa kay Chels.

"Bakit ka nandito?" Ngising mapang-asar na sabi ko.

"Almusal na daw sabi ni Luke." Sabi niya.

"Ahh.. eh tulog pa si Chelsea eh." Nakangisi ko pang sabi.

"Edi gisingin mo." Malamig na sabi ni Jude. Psh. Nice actor.

"Ayoko nga. Ikaw na lang." Sabi ko sabay labas ng pinto at naglakad sa hallway pababa.

"Y-yah!" Tawag pa ni Jude sakin pero di ko na sya nilingon pa.

You'll thank me later, Chels. Gigisingin ka na ng babe mo. Hahahaha!

What a matchmaker I am. Go Jude!

"Oy. Tinatawa-tawa mo jan?" Nilingon ko ang nagsalita at nakitang si Clark iyon.

"Natawa ba ako?" Ngiting sabi ko.

"Tss." Sabi nya na lang sabay baba papuntang dining. Sumunod na lang din ako na natatawa pa.

Papasalamatan talaga ako ng madami ni Chelsea mamaya.

d--,b

*JUDE'S POINT OF VIEW*

D*mn that Hailey! Bakit ako pa ang naiwan na gumising don kay Chelsea?!

Argh! Sh*t!

Wala akong choice kaya pumasok na ako doon. Sinara ko pa ang pinto. Nilapitan ko si Chelsea na tulog na tulog sa kama niya.

Ang amo nyang tingnan. Hindi pa rin sya nagbabago. Maganda pa din sya at mas pumuti pa. Napangiti ako habang hinahawi ko ang buhok na tumatakip sa mukha niya.

I miss you, too, babe.

"Chelsea." Sabi ko sabay tayo na parang walang nangyari. I don't want her hopes go high. Kung gusto niya pa ako ay bawiin nya ako. Iniwan nya ako at inantay ko siya. It's time for her to get me back.

"Mm?" Ungol niya.

Sh*t! How I love the sound of it!

"Gumising ka na nga." Kunwareng inis na sabi ko.

"S-sino ka b-ba?" Nakapikit pa ring aniya. I love her morning voice. Beautiful as usual.

"Jude." Sagot ko na lang.

The Moon PrincessWhere stories live. Discover now