CHAPTER ELEVEN

1.1K 35 0
                                    

Threat

*CLARK'S POINT OF VIEW*

Last day na ngayon. Bukas at sa ilang buwan pa, sembreak na muna namin. Mabuti naman nang makapagpahinga na yun si Hail--- de joke. Ako. Makapagpahinga ako. Yun yon. Masyado kasi akong busy eh, diba? Tss. Ang sarcastic ko naman sa sarili ko.

Kasalukuyan kaming pababa galing ng classroom kasama ang Dark Knights. Lunch break na.

Pumasok kami ng canteen at as usual, tilian kabilaan ang naririnig namin. Eto namang si Jude, ayon, tuwang-tuwa. Babaero.

Nahagip ng paningin ko si Hailey, kasama si Chelsea. Mukhang magbestfriend na ata ang dalawang yun. May kasama pa silang... bakla!? Tss. Sina Jass at Rimo.

Pumila na kami sa line. Pagkatapos um-order ay umupo kami sa usual table namin. Alam ng lahat na para sa Dark Knights lang iyon kaya ilag silang upuan yun kahit pa puno na ang canteen, wag lang silang uupo jan.

"Oy dre!" Tawag sakin ni Luke. Napalingon naman kaming lahat sa biglaang tawag niya habang nakatingin sa cellphone niya at gulat na gulat.

Binigay nya iyon sakin kaya tinignan ko naman iyon.

______________

From: 09*********

Message: Maghanda na kayo, DK. Babalikan namin kayo. At sisiguraduhin naming... babagsak kayo. Lalo ka na, Punzalan.

______________

"Tss. Ano naman toh?" Sabi ko habang blanko ang mukha.

"Dre. Threat yan. Banta, dre. Banta. Di mo alam yun?" Sagot naman sakin ni Jude.

"Oo nga. Wala naman tayong nakalaban recently ah?" Si Jhordan.

"Okay na yan! Gang fight na tohh!!" Tuwang tuwa pang ani Luke.

Siraulo. Palibhasa matakaw sa gang fights. Tinitigan ko ulit yung message. Wala akong natatandaang binangga ko. Hindi ako kinakabahan. Nagtataka lang ako. Usually, haharangan nila kami saka maglalaban o di kaya ay maghahamon sa 'Underground'. Ngayon lang nangyaring binantaan kami. At nasisiguro kong malalim ang galit nito.

"Tss." Sabi ko saka binato kay Luke ang cellphone nya na agad naman niyang nasalo.

"Woi! Mahal ko cellphone ko kaya wag mong ibato!" Si Luke. Pshh.. pake ko naman sa phone niya?

"Pake?" Nakakatamad magsalita. Kaya imbes na 'pake ko?' ay naging 'pake?' ang nasabi ko.

"'To talaga napaka-ano!"

"Ingay mo."

"Edi wew." Sagot naman niya habang nakanguso. Ano ba sya? Bading?! Pshh.

"Oh my god!"

"Hala kawawa naman siya!"

"Kadiri!"

"Eww!"

"Grabe naman si Stacy sa girl!"

"Oo nga!"

"Bullies!"

Nagtaka kami sa mga bulungan na naririnig namin. Nakatingin ang tatlo sa bandang likuran ko.

"Oy dre! Yung babae mo oh!" Si Jude.

Babae ko?

Napalingon ako at agad na napukaw ang atensyon ko sa babaeng nakaupo kasama ang tatlo niyang kaibigan pero may noodles sa ulo, at tumutulo pa sa uniform niya. Pinaliligiran siya ng tatlong babae. Bakas ang gulat at inis ni Hailey sa nangyari sa kanya. Kahit ako nagulat, pero di na ako magtataka na si Stacy talaga ang may gawa niyan.

The Moon PrincessWhere stories live. Discover now